Katulad ng sabi ni Arden, nagtungo ang lawyer ng Daddy ko sa mismong bahay namin kinaumagahan.
"Legal ang kasal niyo dahil hindi hinayaan ni Mr. Winslet na maging peke ang kasal niyo." imporma ni Attorney Gadon. "Ipinatago niya sa akin ang marriage contract niyo dahil alam niyang pagdating ng panahon, magkakaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan ng asawa mo. At ayaw niyang masaktan ka."
Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Daddy. Legal ang kasal namin ni Hunter. Ibig sabihin, kasal ako sa kaniya at asawa niya ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, kung matutuwa ba o malulungkot ako sa nalaman ko.
Mahal na mahal mo talaga ako, Dad! Saad ko sa aking isip.
"C-Can I see our marriage contract, attorney?" masuyong tanong ko.
Tumango naman ito at inilabas ang marriage contract namin. "Here, hindi ka namamalik-mata lang sa nababasa mo, Indira." saad nito.
"I-I'm... Mrs. Escalante." naluluhang agap ko.
I felt butterflies in my stomach, remembering how the doctor address me when he called my number after that incident happened to Hunter.
Mrs. Escalante.
"Yes, you're his legal wife and hoping for his fast recovery, Indira." saad ng abogado at nilisan aming bahay..
Tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. I looked happy but sadness is written all over my eyes.
"Kahit naman legal mo akong asawa kung hindi mo naman ako maalala..." mahinang bulong ko.
I stood up and walk upstairs. I freshen up and change before I went to the hospital to visit Hunter. While walking, hindi ko maiwasan ang hindi kabahan.
Nanginginig at dahan-dahan kong binuksan ang pinto, rinig ko ang tawanan ng dalawa kaya napabaling ang atensyon sa akin ng hindi ko sinasadyang lakihan ang siwang niyon.
Kunot-noong sumulyap si Hunter sa akin. "What are you doing here?" malamig na tanong nito.
Sinalubong ko ang malalamig na titig ni Hunter sa akin ngunit hindi ko pinalagpas ang aking tingin sa babaeng nasa ibabaw niya. Nakaramdam ako ng inis at galit ngunit kailangan kong kontrolin ang sarili ko.
"Visiting you, I guess?" kibit-balikat kong sagot.
Kita ko ang pag-alis ni Sophia sa ibabaw ni Hunter ngunit pinigilan siya nitong umalis sa kaniyang kandungan. Tila may tumarak na patalim sa aking dibdib sa ginawa nitong pagpigil.
"Don't leave, stay here." utos nito.
Sophia looked at me then looked at Hunter, caressing his cheeks. "Don't treat her that way, Hunt. Sa labas lang ako, mag-usap muna kayong dalawa."
Mas lalong kumunot ang noo ni Hunter. "Anong pag-uusapan naming dalawa? I don't even know her!" he hissed. "Why the hell are you pushing me to talk to her? I am courting you, Sophia and I don't want you jealous!" Hunter shrieked with annoyance.
"Uh, I think... I think I should go out." Sabi ko. "I'm sorry for ruining your moment, I just want to visit you, Hunter." bakas ang lungkot sa boses nito.
"No!" agap ni Sophia, pinipigilan akong huwag umalis. Maybe, she knows my relationship with Hunter. "Mag-usap muna kayo, Indira. Bibili lang ako ng pagkain sa labas." saad nito at lumakad palabas ng silid ni Hunter.
Humugot ako ng malalim na paghinga bago naglakad patungo sa gilid ni Hunter at hinawakan ang kaniyang kamay. "H-How are you? Masakit ba ang ulo mo?"
I didn't bother to stop staring at his barely naked chest. I gulped when my eyes looked down at his well-toned abs.
BINABASA MO ANG
AGENT SERIES#1: Her Agent Groom ( COMPLETED)
Romance"You drag me in this hell, Indira. Your money? I can't accept that... All i want to do is cut the knot that connects us. You're just a job for me." "Remember, Ms. Winslet, trabaho kong bantayan ka pero hindi ibig sabihin niyon, mamahalin na rin kita...