Chapter 21

8K 137 19
                                    

Masakit ang aking ulo na nagising, dahan-dahan akong bumangon sa aking kama habang hawak ang aking ulo at bigla na lang bumaliktad ang sikmura ko.

“Hija, ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Nay Luring. “Namumutla ka, hija.”

Tumango lang ako at tumingin sa ibabaw ng lamesa. Natigilan ako nang makita ko kung ano ang laman ng paper bag at naamoy ko na ang sarap niyon.

“Binili ni Hunter ang mga ‘yan kagabi, hija.” wika ni Nay Luring.

“Bakit pa niya ako ibinili?” I sternly asked. “May mag-de-deliver naman yata ngayong araw sa bayan ayon kay Aling Koring.”

“Iniwan lang niya ‘yan kay Kanor at ibinigay ito sa akin kanina lang,” sagot ng matanda. “Ayon kay Kanor, madaling araw noong ihatid niya si Hunter sa laot dahil naghihintay roon ang sasakyan nitong yate pabalik sa syudad,” imporma niya. “Hindi ko na pinakialaman, ibinilin na lang ni Kanor sa akin na may sulat raw sa loob niyan na galing sa asawa mo.”

Lumukob ang kaba sa aking dibdib. Kumikirot na parang may tumutusok roon. Dahan-dahan kong inalis ang mga pasta at mangga at bagoong sa loob ng paper bag. Nakita ko kaagad ang sulat sa may ilalim.

A tear fell escaped from my eyes upon reading the letter that Hunter wrote for me. Kaagad ko iyong binasa at tila ako nabuhusan ng malamig na tubig habang binabasa ang kaniyang sulat.

Hindi maipagkakaila na maganda ang kaniyang sulat dahil kaliwete ito. It was a clean and neat hand written na halos talo pa niya ako sa ganda ng sulat kamay niya.

Magpakatatag ka, Indira. This is for the both of you and the sake of your baby. Hindi maaaring maging kayo kung hindi talaga puwede.

 

Indira my wife,

Wife, good morning! Kung nababasa mo itong sulat ko ngayon, alam kong nasa Maynila na ako. By the way, I bought this island and I’ll make it as your rest house. Huwag kang mag-alala, ang hinahanap mong pasta na may mangga at bagoong ang sauce ay nariyan na. Iginawa na rin kita ng kakainin mo buong maghapon. Kung kulang pa ang mga ‘iyan, alam na ni Mang Kanor ang gagawin para mabigyan ka. Sorry, I need to go back in Manila. I’m running two companies right now since you started to walk away from me. Hindi na ako nakapag-paalam kasi mahimbing ang tulog mo. Nothing to worry about our divorce papers, your father’s lawyer will contact you and inform you about the result one of these days.

 

Hindi ba sabi ko, mahal kita at hindi kita susukuan? Gago na kung gago, pero mahal kita dahil sa mahal kita. Mahal kita dahil ang tatag mo at mahal kita, walang katumbas ‘yon kahit pera o ginto. Take care of yourself, mahal. Ingatan mo ang anak natin at sana manumbalik na ang ngiti at pagiging mataray mo.

 

Oh wait, I have a gift for you. I personally made it for almost a week and late at night at kaninang madaling araw ko lang natapos. It was a pearl I found under the sea when we go fishing with Mang Kanor. I made it as a necklace and I hope, you wear it everyday para palagi niyo pa rin akong kasama ni baby natin. Kahit ‘yan na lang ang tanging ala-ala ng anak natin. Ibigay mo na lang sa kaniya kapag lumabas siya.

 

Kahit ipinagtabuyan mo ako at ayaw mong tanggapin as your husband, I will always be your husband you’ll always be my Mrs. Escalante. It will be just you and our baby who will carry my surname. Uuwi ako sa iyo, Indira. Ikaw ang lagi kong uuwian dahil ikaw ang aking tahanan. Mahal ko kayo ng anak natin. Mahal kita, araw-araw. Ikaw ang paulit-ulit kong pipiliin sa araw-araw na magdaan.

AGENT SERIES#1: Her Agent Groom ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon