“Nandito lang ako, Indira. Alam kong nahanap ka na ni Hunter riyan sa isla tapos binili pa talaga niya. Bakit ang kapal ng mukha ng asawa mo?” sabi sa akin ni Suzana, habang magka-video call kami. Hindi naman namin makausap si Harry dahil busy ito sa kaniyang negosyo na lumalago na ngayon.
“Makapal na talaga ang mukha niya. Ang kapal nga at naging mangingisda pa siya rito.” sagot ko sa kaniya.
“Hindi sa may kinakampihan ako sa inyong dalawa, pero katulad ng sabi ko sa iyo noon, ayos lang na huminto, Indira. In time, you and Hunter would meet again and if that time you’re still in love with him and felt the same way, you are both destined with each other.” paalala niya. “At saka, wala namang mali kung hahayaan mo siyang suyuin ka. Kung kayo, kayo talaga ang nakalaan para sa isa’t-isa. Ultimo si kupido ang susuko sa tadhanang pinaglalaruan niya.”
Sumimangot ako sa kaniya. “Hindi, Suzana. Siguro, kaya ko siyang patawarin… pero ang bigyan sa ng isa pang pagkakataon? Hindi ko na kayang ibigay ‘yon. Pagod na rin kasi akong masaktan.”
“Didn’t you ask him kung bakit niya binili ang isla at kung bakit siya naging mangingisda?” she asked.
Umiling ako. “Rinig ko ang sinabi niya kay Nay Luring at Mang Kanor, nandito kasi ang asawa at magiging anak niya. Nandito raw ako at gusto niya akong alagaan… pero ang hirap kasing paniwalaan, Suzana.” sabi ko sa kaniya. “Inamin niya rin ang lahat tungkol sa trabaho niya. He was a secret agent pero umalis na siya sa trabaho niya para lang tanawin at bantayan ako.” nakangiwing sagot ko.
Nalungkot ang mukha niya. “I do understand, Indira. Tahan na, huwag ka ng umiyak.” malambing na saad niya. “Pero sana harapin mo siya at kausapin ng maayos para magkalinawan na kayo at hindi naghahabulan. Kasi kung nagpatuloy ‘yan, lalo lang kayong magkakasakitan.”
I’m having a stern mood swings at naiirita na ako sa aking sarili. Ang lungkot-lungkot ng pakiramdam ko.
“Ayos ka lang, Indira?” kapagkuwan ay tanong niya.
Tumango ako. “I’m fine, nothing to worry about.” sagot ko.
“Kung mahal mo, pahirapan mo pero huwag mong hayaan na maisip niyang sumuko sa iyo…” sabi niya at nagpaalam na.
Mapait akong napatawa. “Gusto ko nga ‘yong sumuko na siya sa akin, e. Para tapos na, hindi na kami masasaktang pareho.”
Nakatitig lang ako sa aking silid at naisipan kong lumabas at nagliwaliw sa may dalampasigan. Naiinis ako nang makita ko ang mga babae na naka-swim suit at panay ang tingin sa gawi ng isang puno ng niyog. Kumunot ang aking noo nang makita si Hunter roon na naka-pose at kinukuhanan ng photographer.
Model na mangingisda na siya ngayon?!
Napansin niya siguro na may matang nakamasid sa kaniya kaya dumako ang kaniyang mga mata mula sa aking kinatatayuan at napaayos ng tayo pero pinigilan siya ng photographer.
“Stop it,” sita niya.
“Kaunti na lang, Mr. Escalante, matatapos na.” giit ng photographer.
BINABASA MO ANG
AGENT SERIES#1: Her Agent Groom ( COMPLETED)
Roman d'amour"You drag me in this hell, Indira. Your money? I can't accept that... All i want to do is cut the knot that connects us. You're just a job for me." "Remember, Ms. Winslet, trabaho kong bantayan ka pero hindi ibig sabihin niyon, mamahalin na rin kita...