Wakas (Part 1)

3.2K 67 12
                                    

Nakaluhod si Harry sa harap ko, umiiyak na rin ako. Hindi ko alam kung kaya ko ba talagang pakasalan ang lalaking ito.

Sa loob ng limang taon, aaminin ko na hindi pa rin nawaglit sa isip ko si Hunter. Parang bumalik lang sa dati ang lahat nang magkita kami.

Sinusubukan ko naman, e. Sinusubukan kong kalimutan siya. Pero ano ang magagawa ko? Minahal ko nga ang sarili ko, hiniling ko nga na lumayo siya sa akin na sinunod naman niya. Pero may parte sa akin na mahirap siyang kalimutan, mahirap siyang bitawan.

Yes, Harry courted me, I said yes. It’s not about him, being my rebound. I don’t want it. He’s a good friend of mine and he did good things for me.

I thought I moved on when he was finally my boyfriend. But it wasn’t. Araw-araw ko lang naaalala si Hunter sa kaniya. Sa mga maliliit na bagay na ginagawa niya, ganoon rin si Hunter sa akin.

I thought I’m a changed person already, but I'm not. Still, there’s a missing piece of my heart.

Hindi ko alam kung ano ba ang totoong nararamdaman ko. Kapag nariyan si Hunter, bumibilis ang tibok ng puso ko na parang tinatambol. Kapag si Harry naman, wala akong maramdaman.

Napapaisip ako kung infatuation lang ba ang nararamdaman ko para kay Harry. Sinubukan ko rin kausapin si Suzana tungkol dito.

“Tanga, para mo namang ginagawang rebound si Harry. Bakit mo kasi sinagot kung hindi ka pala sigurado sa nararamdaman mo para sa kaniya.” Sermon niya sa akin.

“Hindi ko alam, gumulo lang naman ang puso’t-isip ko noong dumating si Hunter. Ewan ko ba, tuwing nariyan siya ‘yong puso ko parang sinapian pero kung si Harry naman, kahit isang pakiramdam wala na rin akong maramdaman.” Mahabang eksplanasyon ko sa kaniya.

Sinabunutan pa nga ako ni Suzana.

“Gaga ka, Indira. Ayusin mo desisyon mo sa buhay at baka itakwil kita.” Pagbabanta niya.

Nagkibit-balikat ako. Ano ba ang gagawin ko? Paano ba ito? Nagmamahal lang  naman ako pero ang komplikado.

Suzana heaved a sigh. “Alright. Ganito na lang. Magtatanong ako sa iyo, at sasagot ka lang. Game?”

I was curious with what game it is. So, I just nod my head as a response.

“Madalas mo ba na isipin si Hunter?” tanong niya.

Tumango lang ako.

“E, si Harry? Madalas pa siyang sumagi sa isip mo?” muling tanong niya.

I gestured my hand. “A little.”

“Do you miss him if he’s not around?” She asked, pertaining to Harry.

Umiling ako. “Hindi.”

“E, ‘yong tatay ni Vaughn? Miss mo?” may kung ano sa tono niya, tila pinagti-tripan ako ng gaga.

Tumango ako. “Sobra. Tipong tinititigan ko na lang ‘yong isang litrato niya na nakatabi sa aking wallet.” Sagot ko.

I have my son, Vaughn, yes at si Harry ay tumayo bilang ama-amahan nito. Pero palagi pa rin hinahanap ni Vaughn and tunay niyang ama kaya nagdadahilan na lang ako kung minsan.

Tumawag nga sa akin si Harry, pumunta daw ako sa isang beach resort. Hindi ko alam kung ano ang ganap ngayon.

Kinakabahan man pero pumunta pa rin ako. Isinama ko na rin ang kaibigan ko. Alas kwatro na nang makarating kami sa beach resort.

Sinundo kami ni Harry sa gate bago niya ako halikan sa gilid ng aking noo. Napapikit lang ako, wala akong ibang naramdaman.

I cleared my throat, he moved away.

AGENT SERIES#1: Her Agent Groom ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon