"N-Nagbebenta siya ng isda?!" dismayadong tanong ko at halos hindi ko na makilala pa ang aking boses.
Sinulyapan ko si Hunter na nakatulala lamang sa akin at hindi pinansin ang argumento naming tatlo nina Nay Luring.
"Indira MaceQuinne- I cut him off, throwing him death glares.
"U-Umalis ka na..." I uttered, sternly. "W-Wala kang karapatan para magpunta rito!" I hissed.
Naglakad ako palapit kay Nay Luring ngunit hindi pa ako nakakahakbang nang mahawakan ni Hunter ang aking braso dahilan para mapatigil ako.
"Indira, mag-usap tayo..." mahinang sambit niya.
Muli kong sinulyapan si Nay Luring at Mang Kanor, humihingi ng tulong para paalisin ang huli.
"Iwan niyo muna kami, Aling Luring at Mang Kanor. Mag-uusap lang kami ng asawa ko." bulalas ni Hunter sa dalawang matanda.
"Huwag kang umalis, nay..." saad ko. "Ayaw kong kausapin ang taong uling na ito."
Nahuli ko si Nay Luring na tumingin kay Hunter at sinenyasan itong bitawan ako. Inakbayan naman ni Mang Kanor si Hunter at tinatapik-tapik ang balikat nito.
"Nay, paalisin niyo siya rito... hindi namin siya kailangan ng anak ko." sabi ko kay Nay Luring. "Palabasin niyo siya at ayaw kong makita ang pagmumukha niya kahit siya pa ang may-ari ng islang ito, wala akong pakialam." matigas at malamig na usal ko.
"Pero nagbebenta siya ng isda rito." giit ni Mang Kanor. Napatulala ako kay Hunter at nakita kong seryosos ang kaniyang tingin sa akin.
"Huwag kayong magbiro, Mang Kanor." I said, shook my head. "Imposibleng magbenta ng isda ang gagong 'yan-"
"Indira, makinig ka sa paliwanag niya." suway sa akin ni Nay Luring. "Gusto niyang manirahan rito dahil narito kayong mag-ina niya. Parang ipinagpalit na niya ang karangyaan sa syudad at mamuhay na lamang ng simple dito sa probinsya."
Hindi ako makapaniwala na may alam si Nay Luring tungkol kay Hunter. I felt betrayed again pero hindi ko kayang magalit sa kaniya. I can't be mad at Nay Luring dahil napakabuti niya sa amin ng anak ko.
"Ano, Hunter naibenta mo ba lahat ng isda?" Mang Kanor asked him out of the blue.
Tumango ang huli. "Oo naman, Mang Kanor!" masiglang sagot niya kaya naman napalingon ako sa gawi niya. Kita ko ang seryoso niyang mata na nakatitig lamang sa akin. "Sobra pa nga ang kinita ko ngayong araw, pangdagdag lang para sa gastusin ng misis ko kapag nanganak." he uttered and winked at me.
Putangina? Anong pinaggagawa ni Hunter?
Kunot ang aking noo na hinila si Hunter patungo sa kusina. Binitawan ko rin ang kaniyang kamay at marahas na bumuntong hininga bago siya hinarap.
"Bakit narito ka?" I bluntly asked him. "Hindi ba, binigay ko na ang kalayaan na gusto mo?"
"Indira..." pangalan ko na naman ang tinawag niya. Paulit-ulit na lang, kanina pa niya sinasabi.
I raised a brow at him. "Gusto mo bang makipagpalit sa pangalan ko? Kanina mo pa kasi binabanggit, e." inis kong asik sa kaniya.
"Hindi ko kailangan makipagpalit ng pangalan mo, apelyido mo nga pinalitan ko..." giit niya na siyang ikinairap ko.
"Anong problema mo, Hunter?" matigas kong tanong, "Ano pa ba ang gusto mo-" he cut me off and didn't utter a word when he pulled me closer to him and hugged me.
I was stunned in my position, nakatulala lang ako. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin, puno ng pagsusumamo at pangungulila.
"Gusto kitang hagkan..." basag ang boses na sambit niya, "narito ka habang ako... tinatanaw ka mula sa malayo."
BINABASA MO ANG
AGENT SERIES#1: Her Agent Groom ( COMPLETED)
Romance"You drag me in this hell, Indira. Your money? I can't accept that... All i want to do is cut the knot that connects us. You're just a job for me." "Remember, Ms. Winslet, trabaho kong bantayan ka pero hindi ibig sabihin niyon, mamahalin na rin kita...