Nasa El Nido Palawan kami ngayon para magbakasyon at idaraos ang holy week. Naaumay na kasi ang mag-iina ko sa rest house dahil gusto rin nilang puntahan ang ibang lugar maliban sa islang kinalakihan ng mga anak ko. Buhat ko ang bunso kong anak na si Alas Axel habang bitbit ko ang aming mga gamit na nasa iisang malaking maleta.
Naunang naglakad ang asawa ko kasama ang panganay namin, hawak kamay sila ni Indira na siyang ikinanguso ko. Lumingon sa akin ang asawa ko at naiiritang tumigil sa paglalakad at humalukipkip.
"Ang bagal mo, mahal! Gusto ko nang maligo sa dagat!" bulyaw niya sa akin. "Palibhasa kasi ang tanda mo na kaya uugod-ugod ka na!" dugtong pa niya.
Kumunot ang aking noo. "Hindi ako uugod-ugod, Indira! Buhat ko ang anak natin, excited ka lang masyado!" sigaw ko pabalik. "Baka gusto mong patunayan ko sa iyo na hindi pa ako uugod-ugod, ano palag ka!"
Napapansin ko nitong mga nakaraang linggo lagi siyang nakasimangot at lagi niya akong pinagbubuntungan ng galit. Napapaisip tuloy ako kung buntis ba ulit siya o mayroon lang talaga siyang dalawa.
Hindi ko siya minsan maintindihan lalong-lalo na tuwing uuwi ako galing sa trabaho. Nakasimangot siyang naghihintay sa may living room ng bahay at hindi pa ako nakakapagbihis ay uutusan na naman niya akong magluto ng kakainin niya dahil hindi pa daw siya kumakain.
Kapag itatanong ko naman sa kaniya kung bakit siya nagagalit o nagsusungit laging sagot ay wala. Napapailing na lamang ako tuwing ganoon ang maaabutan ko sa bahay. Imbes na makipagtalo sa kaniya, didiretso na lang ako sa kusina na naguguluhan at nagtataka.
Nagluluto ako ng sinigang na baboy, paborito niya iyon lalo na kung maraming sampaloc. I was about to turn off the stove when she encircled her arms on my waist, hugging me from behind.
I sighed, I turned off the stove at humarap sa kaniya para mayakap rin siya at kinintalan ng halik sa kaniyang noo.
"I'm sorry."
She was telling me how sorry she is kapag nagagalit siya sa akin ng walang dahilan. Yayakap at lalambingin lang ako ng asawa ko, ngingiti na ako.
"It's okay, mahal. Bakit ba kasi ang sungit mo?" mahinahon kong tanong sa kaniya.
Kumalas siya sa yakap naming dalawa, kinunutan niya ako ng noo. "Sinasabi mo bang masungit ako?" taas kilay na tanong niya.
Ang bilis magbago ng mood niya, kaya napailing na lamang ako. "Mahal, hindi ka masungit. Tinatanong ko lang kung bakit ka ganiyan." mahinahon pa rin ang boses ko.
"Pagod ka na ba sa akin, mahal? Ayaw mo na ba sa akin? Marami na ba akong inuutos sa iyo?" magkakasunod na tanong niya.
Fuck! Pagod ako, sobrang pagod ako sa trabaho! Nais ko sanang sabihin 'yan sa kaniya ngunit pinigilan ko na lamang ang sarili ko para hindi kami mag-away.
Kumalas siya sa pagkakayakap namin at lumabi. Nangingilid ang kaniyang mga luha sa kaniyang mga mata at kalaunan ay bigla na laman tumulo iyon at umiiyak na siya sa harap ko. Hindi naman ako nagagalit sa kaniya, tinatanong ko lang kung bakit. Napabuntong hininga na lamang ako at hinagkan siya para muling yakapin.
"Shh... tahan na mahal," pagpapatahan ko. "Hindi ka masungit, ayos lang 'yon. Hindi ako pagod sa iyo, mahal." mahina kong bulong sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang buhok.
"K-Kasi para kang nagagalit, e. At saka, ayaw mo akong ipagluto..." sumisinghot na saad niya.
I smiled, genuinely. "Nagluto na ako, mahal... gusto mo subuan pa kita?" natatawang tanong ko. "Huwag ka na umiyak, ayaw kong pinapaluha ka, e."
BINABASA MO ANG
AGENT SERIES#1: Her Agent Groom ( COMPLETED)
Romantik"You drag me in this hell, Indira. Your money? I can't accept that... All i want to do is cut the knot that connects us. You're just a job for me." "Remember, Ms. Winslet, trabaho kong bantayan ka pero hindi ibig sabihin niyon, mamahalin na rin kita...