Chapter 9

7.2K 146 30
                                    

"Hunter..." tawag ko.

"Hmm, Indira?" sagot niya sa akin na tila isang ungol. I closed my eyes, he was getting annoying in front of me.

Ano at naisipan niyang magtungo rito sa condo ko? Bakit sawa na ba siyang mag-uwi ng kaniyang mga babae sa bahay namin? At talagang alam niya kung saan ako namamalagi ngayon.

"Ano ba ang problema mo, Hunter?" napipikon na angil ko sa kaniya. "Umalis na ako sa bahay para hindi na ako masaktan. Lumalayo na ako pero lapit ka nang lapit."

Lasing pa siyang nagtungo rito at kung puwede lang siyang sapakin kanina ko pa ginawa. Tangina, kaya nga ako lumayo kasi ayaw ko siyang makita. Pasakit lang ang dala niya sa akin.

I already give him the freedom that he wants but he's still fucking following me. Tapos na ang serbisyo niya sa akin. Hindi ko alam kung ano pa ang motibo niya na lumapit at magpunta rito sa condo ko. Nakakainis.

Rinig ko ang marahas niyang paghinga sa aking balikat. Ang kaniyang mga kamay ay dumako sa aking beywang at hinila niya ako palapit sa kaniya.

"Lasing ka lang, Hunter. Itigil mo ang paghalik mo sa balikat ko." Bulong ko sa kaniya.

"Bakit?" tanong niya. "Wala na ba akong karapatan para halikan ang asawa ko? Itinataboy mo ba ako, Mrs. Escalante?" sambit niya at lumayo sa akin. Tinitigan niya ako sa mata. "Bawal ko bang halikan ang asawa ko?" nakangusong tanong niya.

Don't fall in his trap, Indira. Sabi ko sa aking isipan.

I sighed, deeply. "Hindi mo ako asawa, Hunter. Peke ang kasal natin. Ano pa ba ang gusto mo? Ibinigay ko na ang kalayaan na gusto mo pati na rin ang pagiging birhen ko. Ano pa ba ang kulang? May kulang pa ba? Hindi pa ba iyon sapat?" I said, breathlessly, namumungay ang kaniyang mata na nakatingin lamang sa akin. "Hunter, tama na..."

"Hmm..." he hummed, he hugged me again, and this time, his embrace was tight and seemingly longing. "P-Puwede bang ganito muna tayo kahit saglit lang, Indira?"

"You're drunk," I reminded him and knitted my forehead.

What's with him? Ano ang ginagawa niya? He looks wasted and devastated.

"Maglalasing-lasing ka tapos sa akin ka pupunta." usal ko. "Hindi mo ako takbuhan, Hunter kung may problema ka. Hindi naman tayo mag-asawa, peke lang ang kasal natin. I give you your freedom, I don't care about you anymore." malamig kong sambit sa kaniya.

Lumayo siya sa akin, gulat ang nakapaskil sa kaniyang mukha. His eyes darted on me. "You give me my freedom... pero hindi ko pala kayang lumaya, Indira..." bulalas niya.

"W-Wala akong masyadong ginagawa kung hindi ang sundan ka araw-araw. Oo, trabaho lang kita kasi utos iyon ng Daddy mo. Pero hindi ko pala kaya, Indira." mariin na sambit niya.

Nagtataka ako sa mga sinasabi niya. Ano na naman ang kinalaman ng Daddy ko sa trabaho niya. Yes, he was my bodyguard before pero may iba pa ba siyang trabaho bukod doon? Hindi ko alam. He's so mysterious. He's so cold before. And now, he's here, seems like he's longing.

Hindi niya ako itinuring na asawa sa pagsasama namin. Peke man ang kasal namin pero ni minsan ay hindi niya ako itinuring na asawa. Mas itinuturing pa niyang asawa ang mga babae niya na inuuwi niya sa bahay namin.

"Ano ba ang sinasabi mo, Hunter? Ligtas naman ako araw-araw, kaya hindi mo na ako kailangang sundan!" inis kong angil sa kaniya.

Nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha at mahigpit akong hinawakan sa aking braso. Ramdam ko ang galit na namumutawi sa higpit ng kaniyang pagkakahawak.

"Ligtas ka, Indira! Ligtas ka kasi ako ang laging nakasunod sa iyo! Ako 'yong pumipigil sa mga taong nais kang kunin! Ako lahat 'yon, Indira!" galit na sigaw niya.

AGENT SERIES#1: Her Agent Groom ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon