MBP: Pasko

53 2 0
                                    

"Pasko"

Ang ngiti sa iyong mga labi
Kay tamis kagaya ng kendi
Mga mata'y kumikislap nga rin
Ang saya sa iyong mukha ay di maikakaila
Sa araw na ito ay kitang-kita.

Pasko'y narito na
Mga dekorasyon ay kakaiba
Bawat bahay ay kumikinang
Kasiyahan ay nararamdaman na
Kabataa'y natutuwa sa aginaldong makukuha
Galing kay ninong at ninang
Na tuwang-tuwa sa bibong inaanak.

Pasko anong saya
Bawat isa'y nagtutulungan
Bawat isa'y nagmamahalan
Diwa nang pasko'y narito na
Lahat nang tao'y tuwang-tuwa
Maraming bisita at handa
Lahat ay sama-sama sa hapag-kainan.

Tawanan dito, harutan doon
Ngiting-ngiti dahil maraming natanggap sa pasko
Pasko'y kay saya, paskong puno ng ligaya
Pasko na, pasko na
Lahat nang tao'y nagpapabida.

My Book of PoemsWhere stories live. Discover now