MBP: Paalam na Kaibigan

74 3 0
                                    

"Paalam na Kaibigan"
(Spoken Poetry)

Kaibigan, isang salita na binubuo ng walong letra,
Salitang may iba't-ibang kahulugan o di kaya'y mga sagisag,
Sila yung mga taong iyong masasandalan sa gitna ng kagipitan,
Pero minsan sila rin yung mga taong sisira ng iyong kinabukasan.

Kaibigan yan ang tawag ko sa kanya,
Nakilala ko siya ng matagal,
Na pati na yata lahat ng nunal ko'y alam na niya,
Yung tipong magsasalita ka pa lang ay alam na niya ang nais mong ipahayag,
Siya yung tipo ng tao na tutulong at sasalo sa mabigat mong problema,
Problema na di mo kayang lutasin ng mag-isa,
Yung mag-isa ka na sa tingin mo'y parang papalpak.

Siya, Oo siya!
Siya yung kaibigan ko na nakasama ko nang matagal,
Na sa sobrang tagal ay nakakasawa na,
Nag-away kayo, nagkainitan, nagkasakitan at nagkapatawaran,
Pero hindi doon natatapos ang lahat,
May nakilala ka, may nakilala siya,
Hindi ka niya pinansin at parang hindi kilala.

Isang taon na ang nakakalipas at kayo'y di pa rin nagpapansinan,
Naging magkaklase kayo,
Wala siyang dalang papel kaya nanghiram siya sa iba,
Magkatabi nga kayo pero parang di ka niya nakikita,
Masakit sobrang masakit,
Yung tipong di ka niya nakikilala
At sa iba na siya ngumingiti.

Kaibigan,
Kaibigan nga ba?
Paulit-ulit kong tanong sa aking isipan,
Kung kaibigan lang bakit ako nasasaktan,
Bakit unti-unti akong nawawalan ng gana,
Yung ganang kumain, matulog at iba pa,
Tila namamanhid ang aking isipan.

Mahal ko siya, Oo,
Minahal ko siya ng di namamalayan,
Pero sa tingin ko'y huli na ang lahat,
Wala na, wala na akong kaibigan,
Kaibigan na masasandalan at makakapitan,
Kirot at inggit ang aking nararamdaman,
Wala na, wala na talaga,
Masaya na siya sa piling ng iba,
Nakangiti, tumatawa at nakikipagkulitan,
Huli na ang lahat,
Huling-huli na,
Sayang lang at di ako nakapagtapat,
Nakapagtapat ng tunay kong nararamdaman.

Mahal kita, Oo mahal kita,
Kaibigan kita, alam ko yun pero wala na,
Sana balang-araw ay maging magkaibigan ulit tayo,
Kahit alam ko na magiging hanggang doon na lamang tayo,
Masaya ako na kahit sa malayo lang ay abot tingin pa rin kita,
Pero hanggang dito na lang,
Aalis ako hindi dahil ako'y duwag,
Aalis ako sapagkat ako'y nasasaktan,
Paalam, paalam na kaibigan,
Mahal kita at mamahalin kita, kahit pa na ako'y limot mo na,
Hinding-hindi pa rin magbabago ang puso kong sayo lang magmamahal,
Paalam na, paalam na mahal kong kaibigan.

My Book of PoemsWhere stories live. Discover now