"Bale-wala"
(Spoken Poetry)Bale-wala sayo ang lahat ng sinasabi ko,
Bale-wala sayo ang lahat ng hinanakit ko,
Pag ako nama'y nagseryoso tiyak na ako'y tatawanan mo,
Bale-wala sayo kung ano mang mararamdaman ko.Diba sabi mo lahat ay gagawin mo,
Magiging pantay ka at walang pinipiling iba,
Pero sa tingin ko'y nagkamali ako nang pagkakakilala sayo,
Sabi mo noon pareho mo kaming mahal,
Pero habang tumatagal parang may mas nakakalamang,
Parang wala na akong silbi o di kaya'y dekorasyon na lang.Noon lahat ng atensyon niyo'y nasa akin pa lang,
Pero nung dumating sila ako'y binalewala,
Lahat na yata ng atensyon at pansin ay binigay niyo sa kanila,
Nasa kanila na lang at ako'y kinalimutan niyo na.Isang beses nang ako'y nagkamali,
Parang hindi na ako sisikatan nang araw sa galit na aking narinig,
Talak dito, talak doon sobra nang nakakabingi,
Pero imbes na magtampo o magalit kayo'y aking inintindi,
Wala kayong narinig na kahit ano,
Dahil wala rin naman akong sinabi,
Pag sinabi ko ba kayo'y maniniwala?
Pag sinabi ko ba magbabago ang lahat?
Syempre hindi,
Hindi naman talaga,
Dahil una sa lahat ay wala kayong tiwala,
Pero alam niyo kung ano yung mas masakit,
Iyon ay pag sila o yung mga kapatid mo na yung nagkamali,
Pilit niyo pa ring iniintindi.Sorry ha!
Di kasi ako gaya nila,
Hindi ko alam kung may mali ba sa akin,
O di kaya'y ilusyon ko lang,
Sorry ha!
Di kasi ako perpekto tulad ng iba,
Nagkamali lang pinagalitan niyo na.Minsan nga'y di ko naman kasalanan,
Pero sa huli sakin parin yung lahat ng bintang,
Masakit sobrang sakit,
Yung tipong binalewala ka at parang di umeexist,
Minsan sa sobrang sakit nga'y gusto ko nang mawala na lang,
Mawala na lang para wala nang sakit at kirot akong maramdaman,
Pero kahit na ganun di ko pa rin mapigilang magalit sa sarili ko,
Magalit sa sarili ko dahil alam kong kahit anong gawin ko'y di ko kayang magalit sa inyo,
Magalit sa inyo ng sobra-sobra at matagal,
Yung matagal na magpaparealize sa inyo na ako'y espesyal,
Yung tipong masasabi niyong proud kayo dahil anak niyo yan,
Anak niyong magbibigay ginhawa sa buhay niyo't nagmamahal ng lubusan.
YOU ARE READING
My Book of Poems
PoetrySometimes words doesn't need to be spoken nor to be expressed physically but can also be done through writing. A lot of person can be secretive, most of them are hideous and introverted. Language: Filipino/English