MBP: Lamok

71 2 0
                                    

"Lamok"
(Spoken Poetry)

Nagsisimula sa letrang L at nagtatapos sa letrang K,
Limang letra na may masakit na kahulugan,
Kahulugan na maihahalintulad sa buhay,
Buhay na magbibigay ng iba't-ibang pakahulugan,
Ito'y maaaring maganda, masaya, masama o di kaya'y walang halaga,
Ngunit iisa lang ang layunin sa buhay,
Iyong manatiling buhay ng lumalaban,
Lumalaban ng patas at walang may tinatapakang iba.

Buhay ikaw ay parang lamok,
Na kung saan ang buhay mo ay parang wala lang sa iba at pilit kang nilalayuan,
Nilalayuan na parang ikaw ay makakapatay o kaya'y may malubhang karamdaman,
Gaya nang lamok na pilit pinapatay dahil nangangagat at sumisipsip ng dugo,
Dugong magbibigay ng buhay sa kanila kahit na sila'y nakakasakit na nang iba.

Lamok, salot ka nga ba?
Kung salot ka, ang buhay ng tao'y salot rin ba?
Salot ka kung ituring ng karamihan pero di nila naisip na ika'y gaya nila,
Gaya nila nakailangang gawin ang lahat para mabuhay kahit na sila'y makakasakit ng iba,
Makakasakit ng hindi sinasadya at namamalayan,
At malalaman mo na lang na ayaw na nila sayo,
Ayaw nila sayo dahil tingin nila'y masama ka at walang magandang maidudulot,
Makakadulot ng masama at ituturing na salot.

Lamok, lamok ka man kung ituring nang iba,
Pero ang mahalaga'y buhay ka,
Sabihin man nilang masama at salot ka,
Pero alam mong malaya ka at masaya,
Masaya ka kahit ika'y mamatay man sapagkat alam mo sa iyong sarili na nais mo lamang mabuhay.

Lamok, nangangagat ka nga't sumisipsip ng dugo,
Pero turing ng iba'y krimen na ito,
Krimen na akala nila'y kumuha ka ng daan-daang galon,
Kung saa'y wala pa ito sa kalingkingan ng mga kamalian nila,
Kumikitil sila ng buhay, nagdrodroga, nagsisinungaling, nangongopya, nang aalipusta at iba pa,
Pero ang hindi nila alam ay sila pala yung tunay na salot sa lipunan.

Salot na kung salot,
Lamok ka man o tao,
Buhay ay mahalaga at ito'y ipinagkaloob ng libre ng diyos,
Nasasaiyo na yan kung pano mo papahalagahan at gagampanan,
Gagampanan ng tapat at marangal,
Hayop nga'y mas mabuti pa sa tao kung ihahambing ito,
Ngunit bukod tanging tao lamang ang binigyan ng utak at kakayahang magsalita ng diyos,
Tao lamang ang naiiba at tao rin ang mas nakakalamang,
Tao lamang, pero nawa'y maging mabuti rin sila sa mga hayop mapa lamok, insekto o kahit ano man,
Sapagkat ang lahat ng nilikha ng diyos ay pantay sa kaniyang mga mata.

My Book of PoemsWhere stories live. Discover now