Chapter 19

334 15 0
                                    

Kinaumagahan ay ginising ako ni Jane para daw mag mall, hindi ko naman siya matanggihan dahil hindi nga kami naka pag mall ka gabi tapos wala rin ako susuotin mamaya

"Tara na ate Keith" sabi niya

"Tita alis na kami! Ang kulit nitong si Jane" sabi ko

"Sige mag ingat kayo!" sabi ni tita Cha


Pag dating ng mall ay agad niya akong pinag sukat ng damit, ito lang naman ang pinakang ayaw ko dito ehh...

"Ito na lang Jane, maganda ito saka kasya ko rin naman"

"Ito na lang ate! strapless yan mas bagay sayo, medyo mahaba rin naman" sabi niya

"Ang mahal mahal nito Jane"

"Okay lang yan ate Keith! Para naman maging maganda ka mamaya" sabi niya

"Bahala ka nga"

Kumuha rin siya ng strapless para naman sa kanya, maikli lang ng konti kaysa sa dress ko. Pag ka bayad niya ay lumabas na kami ng shop

"Saan naman tayo?" tanong ko

"Sa jewelry shop! Gusto kitang regaluhan ate!" sabi niya

"Jane sobra sobra na ito!"

"Nako ate! Gusto ko yung hindi mo ma pag lulumaan"

Sumunod ako sa kanya papunta ng jewelry shop! Mamahalin ang mga ito dahil pag silip pa lang ay bubungad na sayo ang 10k jewelry

"Ang mahal jane!"

"No! It's not, mas mahal kita jan ate Keith"

"Corny mo"

"I will buy this one miss!" sabi ni Jane

Isang gintong kwintas na nagkakahalaga ng 20k, orginal din kaya mahal. Nakss ang aga tuloy ng regalo ni Jane samantalang ako wala pa na pangregalo

"Tara na ate!"

Pag katapos noon ay umuwi na kami, mag luluto na lang daw siya sa bahay ng kakainin namin! Halata naman ang pag ka excite niya

"May partner kana ba ate?" tanong ni Jane

"Kailangan ba noon?"

"Oo naman"

"Ikaw? mayroon naba?"

"Oo, si gray"

"Okay"

Nag paalam muna ako sa kanya na pupunta sa kwarto, nagluluto pa kase siya kay isusukat ko muna yung dress na binili namin

Pag ka sukat ko ay bagay na bagay sa akin! Ganda ko! Nakangiti ako habang nakatingin sa salamin. Bongga

Nawala ang ngiti ko ng tumawag sa akin si Gray, Ano kaya ang kailangan ng mokong na ito? Kung si Jane ang kailangan niya si Jane dapat ang tinawagan niya

"Hello?"

'Busy kaba Keith?'

"Bakit may kailangan kaba?"

'Ito kaseng si Xander kanina ko pa pinapainom ng gamot kaso ayaw niya'

"H-huh?"

'May sakit kase siya! Basang basa umuwi kahapon, tapos nag paka lasing din siya'

"Na saan siya?"

'Little Red House'

"Sige punta na ako jan"

Binaba ko ang tawag at nag palit ng damit! Lumabas rin ako ng kwarto, at nag tungo kala lolo

"Lo! alis muna ako"

Until the SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon