Chapter 32

314 14 8
                                    

Umaga na akong nagising! Na abutan ko ring may pagkain sa gilid ko kaya kumain lang ako ng konti. Pumasok din ang isang babae sa room, kaya medyo nagtaka ako

"Hi! Ako pala si Solane, but you can call me Sol. Kaibigan ako ni Jane, may ginagawa kase siya kaya ako na ang nagdala nito para sayo" sabi n'ya

Hawak hawak niya ang damit ko! Siya rin pala ang nagdala ng pagkain na nasa gilid ko, mayroon ding fruits at ang paborito kong Durian

"Salamat sol! Doctor ka rin dito?" tanong ko

Napansin ko kase na naka uniform siya ng kagaya ng kay Jane kaya natanong ko! Nakangiti naman siyang tumango. Mayroon pa lang kaibigan si Jane, wala kase siyang nababanggit. Hindi rin siya magaling makipagkaibigan, kaya hindi ko akalaing mag kaibigan s'ya

"May kailangan ka pa ba? Or may gustong kainin? puntahan?" tanong niya

Bigla ko namang na-alala si Xander! Okay na kaya siya? Puntahan ko kaya si Xander. Gusto kong malaman kung kumusta na siya

"Si King Xander Guzman! Okay na ba siya?" tanong ko

"Yung sinugod kahapon sa ER? tama ba"

"Oo!"

"Okay naman na siya, nasa room 104 na siya" sabi ni Sol

"Pwede bang dalhin mo ako doon? Gusto ko kasi siyang makita" sabi ko

"Sige!"

Inilagay niya ako sa wheelchair dahil nanginginig pa rin ang tuhod ko hanggang ngayon! Hindi ko rin kayang tumayo ng tuwid, mukhang na trauma ako kagabi

"104"

Binuksan ni Sol ang pinto! Nandoon si Xander sa patient bed, wala rin tao kaya iniwan na ako ni Sol doon. Halatang nanggaling na dito sila tita at tito, dahil may fruits at pag kain. Narinig ko ang pagbukas ng pinto, ang akala ko ay si Sol pero...

"Keith!"

"G-gray!"

"Okay kana ba? Sinabi sa akin ni Jane na sumama daw ang pakiramdam mo kagabi" sabi n'ya

"Okay na ako! Si Xander, kumusta daw ang lagay niya? Anong sabi ng doctor?" tanong ko

"Okay na siya! pero matatagalan pa ang paggising niya dahil na-untog ang ulo niya sa bato" sabi ni Gray

Bigla kami tumahimik! Parehas kaming nakatingin ka Xander, hindi ko alam kung si Gray ba talag ang dapat kong sisihin o ang sarili ko

"I'm sorry, Keith" basag ni Gray ng katahimikan

"W-wala kang kasalanan, hindi ko rin ginusto ang nangyari" sabi ko

"Pero-"

"Nagpunta na ba dito si ate Xandra? Bakit hindi ka pumasok?" pag i-iba ko

"Hindi pa, baka mamaya pa dumalaw si ate Xandra. Nag paalam na ako sa mga magulang mo na hindi tayo papasok ngayong araw" sabi n'ya

"Huh? kilala mo ang family ko? i mean my real family" tanong ko

"Oo! Matagal ko ng alam Keith! Years ago. ng maging agent ako ay nalaman kong anak ka nila, at sa loob ng ilang taon naging private agent ko at ikaw ang binabantayan ko!" sabi ni Gray

"What? Agent?"

"Yes. Pati yung nangyari kagabi-"

Naputol ang sasabihin ni Gray dahil biglang pumasok si Jane sa loob! Napansin ko ring wala si Sol sa labas, baka umalis na

"Okay kana ba ate? sabi ni Sol dito mo daw gustong pumunta" bungad n'ya

"I just want to see Xander! Im okay"

Until the SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon