Chapter 34

331 14 0
                                    

"Apo! Kumain kana, kanina kapa tulala jan!"

Natauhan ako ng nagsalita si lolo. Kagabi pa ako ganito, simula ng nag-usap kami ni tita Kimmy. Pagkatapos din noon ay umalis na sila, hindi na rin ako nagtanong kay tita dahil tulala talaga ako. Speechless.

"Okay ka lang ba Keith?" tanong ni tita Cha

"O-opo! Medyo pagod lang po, pero okay lang po talaga ako!" sabi ko

Muli akonb tumahimik at tinuloy ang pagkain. Argh! Nawala lahat ng excitement ko, hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ni tita Kimmy or hindi! Ayaw ko rin mag tanong kala lolo, dahil kung totoo man 'yon ay madadamay pa sila

"Sure ka ate!"

"Oo!"

Pagkatapos kong kumain ay pumunta lang ako saglit sa kwarto ko para kunin ang bag ko. Nag paalam din ako kay tita na aalis na ako. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko, gusto kong magtanong sa tunay kong mga magulang pero natatakot pa ako. Nakakainis!

"Huy! Kanina kapa tulala, may iniisip kaba?" bigla tanong ni Gray

"Oo."

Bigla namang nag flash back sa aking ang sinabi niya nung nasa room kami ni Xander. May alam kaya siya sa mga nangyayari? Baka alam niya dahil kilala niya ang totoo kong pamilya

"Gray! May alam ka ba?"

"Huh? What do mean?"

"I mean, dun sa nangyari sa atin noong gabi! Kilala mo ba kung sino ang may pakana ng lahat?" tanong ko

"Kahit may alam ako Keith, hindi ka dapat sa akin nag tatanong! Wala akong karapatan. Kung gusto mo ng sagot, baka sa family mo!" sabi niya

"Bakit bawal?"

"It's a long story kei"

"Fine!"

Argh. Dapat hindi na ako nagtanong sa lalaki 'to mas lalo lang nadagdagan ang tanong sa utak ko, hindi na nga nag pro-process tapos dinagdagan pa n'ya. Inirapan ko na lang siya, halos makalimutan ko ngang may anak ako dahil sa mga nangyayari! Konti rin ang kinain ko kanina

"Malapit na 'to! Konti panahon na lang, i just need time to design inside the house" sabi ni Gray

"That good Mr." sabi ni Mr. Dizon

Busy lang ako sa pag susukat! Wala ako sa mood para makipag-usap sa kanila. Ini-isip ko pa rin kung ano ba talaga si Gray sa pamilya ko o sino ba talaga si Grayson Lee. Bakit parang ang dami niyang alam? Argh... Dapat talaga hindi lang akong nagtanong. Tsk

"Tara lunch!" sigaw ni Gray

"Sige!"

Maghapon kami ngayon dito, kaya sabay sabay kami kakain. Wala rin akong ganang kumain, kahit kanina konti lang ang kinain ko. Naguguluhan na talaga ako

"Ms. Keith! Nandiyan na po yung pagkain n'yo! Kanina pa po kayo tulala" sabi ni Lyn

"A-ah! Okay"

Ka-table ko si Gray, Lyn, at Mr. Dizon. Hindi ko man lang napansin! Hindi muna ako pupunta sa Hospital ngayon, gusto kong irespeto ang sinabi ni tita Kimmy kahit ayaw ko

"Keith!"

"Anak ka ng-" gulat na sabi ko

"Kanina ka pa wala sa sarili, napapansin na rin ng iba nating kasàma. May nangyari ba?" tanong ni Gray

"Si tita Kimmy kase..."

"Ano namang mayroon kay tita Kimmy? Nag-away ba kayo?" tanong n'ya

Malayo kami sa mga kasama namin kaya hindi kami maririnig! Busy din kase sila kaya hindi kami napapansin, alam ko namang pansin na nila ang pagkatulala ko

Until the SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon