Chapter 27

306 13 11
                                    

Jane pov.

Nag inat-inat muna ako bago umupo sa swivel chair ko! Kakatapos ko lang i-check ang pasyente ko kaya nagpunta muna ako dito sa Office

"Pagod kana agad?" tanong ni Solane

Siya si Cassandra Solane Perez, kasama ko dito sa Hospital! School mate ko rin siya nung collage. Sa ibang Hospital kase sila Via at Sophia

"Hindi naman! pero medyo, nagugutom na ako" sabi ko

"Tara kain tayo sa labas?!" tanong niya

Sasagot na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko! Tumatawag si tita Cha. Kinuha ko ang cellphone at sinenyasan ko muna si Sol na 'Sandali lang' at tumango siya

"Bakit tita kong Maganda?" pa birong bungad ko

'Yung lolo mo inatake! Jane'

"P-po? Nasaan na kayo? Idala mo na si Lolo dito, tita Cha!"

'S-sige! sige'

Agad kong pinatay ang tawag at humarap kay Sol halatang hinihintay niya akong magsalita!

"Maghanda ka ng 1 room, mamaya na tayo kumain! Inatake si lolo"

"Sige!"

Lumabas na siya at ako naman ay lumabas na din! Hihintayin ko sila Tita Cha. Hindi naman ako professional doctor kaya kakailangan ko rin ng professional doctor na tutulong sa akin

"Tita! T-tara na po doon"

May nurse na nag upo kay lolo sa wheelchair para mabilis na maidala sa room! Medyo kinakabahan ako dahil ngayon ko lang ito nararanasan

"Tita, dito na lang po kayo!" sabi ko

Pumasok ako sa loob! Chineck na rin si Lolo, nasunod lang ako sa mga sinasabi ng doctor! Si Sol naman ay ganoon din. Hindi ako mapakali, pero pilit ko pinapakalma ang sarili ko

Simula ng binuksan itong Hospital ay marami ng pasyente na dinadala dito! Pero puro check up lang madalas, sa mga buntis, may sakit! Hindi ko naman inaasahang mangyayari ito, dahil hindi naman halata kay lolo na may sakit siya

"Doc. Cruz! Pwede na kayong lumabas, namumutla kana baka ikaw pa ang mag kasakit" nag aalalang sabi ng Senior Doctor!

"S-sige po!"

Marami din ditong doctor, dahil ang ibang doctor sa isa naming hospital ay nandito na! Lumabas muna kami ni Sol at umupo sa tabi ni tita Cha

"Okay lang ba si Papa?" tanong ni tita Cha

Tahimik lang ako, hindi ko alam kung paano ko ibubuka ang bibig ko! Alam ko namang may sakit si lolo pero hindi ko alam na malala na pala

"Hindi pa po tapos mag check! Mamaya pa po malalaman ang result!" sabi ni Sol

"Okay!"

"Jane, kailangan mong tawagan ang Mom mo! Magagalit s'ya kapag hindi niya 'to na laman" sabi ni tita

"M-maya na lang s-siguro tita!" mahinang sabi ko

"Sige! Basta sabihan mo"

Ilanh oras ang lumipas ay lumabas din ang doctor sa room! Napatayo kami tatlo mula sa kinakaupuan namin

"Okay na ba s'ya doc?" tanong ni Tita Cha

"He is not fine now! Lumalala na ang karamdaman n'ya, kung hindi siya ma o-operahan ay mas lalala pa ang sakit niya" sabi ng doctor

"May possibility po bang m-matay si lolo?"

"Yes! Masiyado ng mahina ang katawan niya, at ayaw na rin niyang lumaban! mukang pagod na ang pasyente"

Until the SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon