Chapter 29

296 14 1
                                    

Third Person Pov.

Napangiti naman ako ng nakita ko ang asawa ko na masaya! Akala ko hindi mangyayari ang araw na'to

"Makikilala na niya tayo! Mayayakap ko na s'ya, makikita na natin ang prinsesa natin"

"Are you happy?"

"Very very very Happy!"

"But what if she will not like us? Baka magalit siya sa atin" sabi ng asawa ko

"She is a kind girl! Nakita ko nga kung papaano siya makitungo s'yo kanina" sabi ko

"I know, pero hindi naman niya tayo makikilala biglang boss niya!" sabi niya

"Mabait, Maganda at Matalino siyang bata! Siguro magagalit s'ya sa atin pero hindi rin siguro tatagal 'yon" sabi ko

"I hope so! Gusto kong makilala niya tayo bilang mga magulang niya, gusto kong mabuo na tayo! Gusto kong bumalik na si Althea sa atin"













Keith pov.

"Bakit po kayo nandito Ms. Victoria at Mr. Arthur?" tanong ko

Iniabot ko muna kay Jane ang mga dala ko at umupo sa tabi ni lolo, nakakahiya naman kung hindi ko sila babatiin. Baka may nakalimutan lang silang sabihin sa akin kanina

"Apo! Makinig ka, h'wag kang magagalit sa kanila! Hindi nila gusto lahat ng nangyari" panimula ni Lolo

"Ano pong ibig ninyong sabihin?" naguguluhang tanong ko

"Apo, hindi ka namin tunay na kadugo!"

Natigil ako at nag mistulang istatwa nang narinig ko ang sinabi ni lolo, paulit ulit na pumapasok sa tenga ko ang sinabi ni lolo! Nakaka-binging pakinggan, parang masisira ang eardrums ko sa sobrang lakas

"Apo!"

Hindi ko namalayang na luluha na pala ako. Ang ibig ni lolong sabihin ay adopted ako? Hindi ako tunay na Lopez? Naguguluhan na ako

"Keith apo! sila ang tunay mong mga magulang" sabi ni lolo

"P-po?"

"Apo! Huminahon ka lang, h'wag kang magagalit sa kanila-"

"Paano po akong hindi magagalit! Pupunta sila dito para ano? Kunin ako sa inyo?" galit na sabi ko

"Keith!" sabi ni tita Cha

"May karapatang ba kayo sa akin? Pagkatapos ninyo akong iwan kukunin n'yo ako ng biglaan! Hindi ko nga kayo kilala, hindi ko alam kung paano ko kayo naging magulang" sabi ko

Alam kong masakit ang mga binibitawan kong salita pero totoo naman ang lahat! Masaya sana ako kung hindi ko na laman ang totoo, kung hindi ko sila nakilala

"Hindi ka naman namin pipilitin kung ayaw mo! Gusto ka lang namin makita Anak" sabi ni Mr. Arthur

"Anak? sa loob ng ilang taon, may anak pa pala kayo, hindi nyo man lang ako nabisita kahit minsan! Tapos ngayon susulpot kayo" sigaw ko

"Keith, huminahon ka sabi"  sigaw ni tita Cha sa akin

Natahimik ako bigla dahil nakaramdam ako ng hilo, parang umiikot ang paligid ko! Nag kakaroon din ng echo ang naririning ko, feeling ko babagsak ako any moment

"Keith, okay ka lang?"

"Ate!"

"Keith apo!"

Naramdaman ko ang pagbigat ng talukipkip ng mga mata ko, at unti unting pag bagsak ng katawan ko! Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari


Until the SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon