Chapter 28

299 13 1
                                    

Nag enjoy ako kagabi dahil nandito si Crisha at Clint! Umalis din naman sila pagkatapos. Umuwi din si Jane ng mga 12:00 pero hindi niya kasama sila lolo! Kaya nagtaka ako, magtatanong nga sana ako kaso mukang ayaw umimik ni Jane! Maaga rin siyang umalis kaya na iwan ako dito sa bahay

"Kanino mo naman na laman?" tanong ko

"Kay Gray! Sinabi niya sa akin kahapon na gusto mo ng 'Orange na kulay White' that weird mahal" sabi ni Xander

Sumaglit lang siya dito para ibigay yung orange pero hindi kulay white! Okay lang naman parehas lang naman ng lasa, pero parang ayaw na kase ng dila ko noon

"Ayaw ko na ng Orange!" sabi ko

"Then what do you want?" tanong niya

"Nothing!"

Nagpaalam na din siya dahil parehas pa kaming papasok sa trabaho! Ngayon kase gagawin yung mega mall kaya dapat nandoon din ako, dumiretso na lang ako kung saan gagawin ang Mega Mall! Nag text din si Gray sa akin na nandoon na siya

"Good Morning!" bati ni Gray

"Walang Good sa morning pag nakikita kita!" sabi ko

"Grabe ka! Sinabi ko na kay Xander yung pinaglilihian mo!" biro niya

"Pinagsasasabi mo! Hindi ako nag lilihi!"

"Defensive masiyado! Easy ka lang nagbibiro lang naman ako! Saka wala naman sigurong nangyari sa inyo ni Xander sa 'Little Red House' diba?" sabi ni Gray

Napalumod naman ako ng na-alala ko ang nangyari! Nakakainis talaga si Gray! Inip na inip talaga ako pag nakikita ko siya

"Panget mo!" sabi ko bago umalis sa harapan niya

Naglakad ako papunta kala ms. Chua! Halatang hinabol rin ako ni Gray dahil sa sinabi ko sa kanya! Pikon.

"Good Morning ms. Chua" i said

"Good Morning! Ms. Lopez!"

"Mabuti at nakapunta ka! Alam kong may project kayo ni Gray ngayon" sabi ni ms. Chua

"Okay lang naman po!"

"Sayo okay sa akin hinde!" bulong ni Gray

Naglibot libot muna ako sa paligid! Maghapon kami dito sa Project kaya bukas na lang kami pupunta sa gagawing bahay ni ate Xandra. Inis na inis nga si Gray dahil gagawa na naman siya ng panibagong design para sa mega mall! Natatawa na nga lang ako sa mukha niya, tapos yung ngiti niya ay pilit na lang

"Dapat talaga hindi na ako sumama sa project na 'to" Sabi ni Gray

"Bakit kase tinanggap mo? Tapos ngayon ga-ganya ganya ka" sabi ko

"May dahilan naman ako kaya kinuha ko 'to! Kung hindi lang talaga sila ang boss- este ang may-ari ng mall ay hindi ako papayag!" sabi ni Gray

"Okay!"

"Haba ng sinabi ko yun lang yung sagot mo?"

"Anong gusto mong sabihin ko? Wala naman na akong dapat sabihin diba?! Nakakainis ka talagang kausap" masungit na sabi ko

"Bakit kase galit na galit ka sa akin! Para tuloy akong kalaban mo!" sabi niya

"Aba malay ko! Basta pag nakikita kita nandidilim ang paningin ko! Kaya lumayas ka sa harapan ko" sabi ko

"Grabe! Tara na doon, baka nandoon na sila boss. H'wag kang mag alala hindi kita lalapitan" sabi ni Gray

Hindi na ako umimik at sumunod na lang sa kan'ya! Halos lahat nandito na pati na rin yung may ari ng Mega Mall, si Mr. Montenegro! Agad dumapo ang tingin ko sa babaeng naka plain dress, maganda, sakto lang ang tangkad, at maputi! Ang ipinagtaka ko ay parehas kami ng mata. Dark red ang mata ko pero pag titignan ay para lang itong itim dahil dark red, at ganoon din ang babae

Until the SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon