Chapter 40

456 14 2
                                        

"Ate! Sorry sa mga sinabi sayo ni mommy!"

Nasa office kami ngayon ni Jane! Kanina pa umalis sila tita Cha at tita Janine, aayusin pa rin kase nila ang burol ni lolo. Nanatili na rin lang ako dito sa Hospital dahil ayaw ko pang umuwi

"Okay lang! Naiintindihan ko naman si tita Janine pero kanina hindi ko na napigilan ang sarili ko!" sabi ko

Nangmakita rin namin ang katawan ni lolo ay lalo kaming naiyak! Mabuti na lang at tumigil ang pag-iyak ko, alam kong bawal sa aking ang mastress, mapagod

"H'wag mo ng intindihin si Mom, ate! Ang intindihin mo ngayon ay ang baby mo. H'wag mong hahayaang magutom yan! Sige ka"

"I know Jane! Siguro talagang nadala lang ako ng emosyon ko"

"Magiging okay din ang lahat ate! Magpahinga kana muna ngayon ate" sabi ni Jane

Ini-isip ko pa lang si lolo ay naiiyak na ako. Sa ilang taon namin pagsasama ni lolo ay naramdaman ko kung gaano n'ya ako kamahal. Siya ang nagalaga sa akin, siya ang nagpalaki sa akin kaya ang hirap sabihin na h'wag na akong umiyak

"Jane, hindi ko alam kung makakapunta ako sa burol ni lolo! Alam kong galit pa rin sa akin si tita, ayaw ko namang magkaroon ng gulo sa burol ni lolo" seryosong sabi ko

"Hindi gugustuhin ni lolo na wala ka sa burol niya! H'wag mo ng alalahanin si mommy! She just angry to her pass"

"Hindi na rin siguro talaga ako makakapunta Jane, maiintindihan naman siguro 'yon ni lolo. Sasama na ako kala mom and dad! Mas magiging safe kayo kapag wala ako" sabi ko

"Pero-"

"Mas magiging tahimik kayo kapag wala ako! Doon ko na rin ipagpapatuloy ang pagbubuntis ko. Gusto ko ring lumaki ng tahimik ang anak ko" sabi ko

"Kung hahanapin man ako ni Tita Cha, sabihin mo ay kinailangan ko ng sumama kay Mommy"

"O-Okay!"

Tumawag ako kay Gray para sunduin ako. Ipapabalik ko na kase ang sasakyan ni Tita Cha sa bahay! Nang nasa labas na si Gray na hospital ay nagpaalam na ako kay Jane. Alam naman ni Jane na si Gray ang susundo sa akin kaya napanatag na s'ya

"Let's go!"

"What happened?!" tanong n'ya

"Si lolo Karlos! He's died" simpleng sagot ko

"Condolence. Where did you want to go?"

"S-Sa bahay nila Mommy! Gusto ko silang maka-usap!" sabi ko

"Okay!"

Pinaadar niya ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse buong byahe! Ini-isip ko pa rin kung bakit ba ang laki ng galit sa aki ni tita Janine, bakit hindi niya ako mapatawad

Ilang oras nag lumipas ay nakarating na kami sa Mansion! Inihinto ni Gray ang kotse niya sa mismong tapat ng bahay. Sumulyap muna ako kay Gray bago bumaba, nakita ko rin ang pagbaba niya sa kotse

"Thank Gray!"

"Always welcome!"

Papasok na sana ako ng mansion ng bigla akong tawagin ni Gray, kaya naman napalingon ako! He still standing at front of he's car

"Keith!"

"Hmm?"

"Wala ka bang balak kausapin si Xander? Hindi mo man lang ba siya pupuntahan? Muka kaseng malaki ang epekto ng paghihiwalay n'yo sa buhay niya" sabi ni Gray

"Wala akong dapat sabihin Gray! Parehas lang kaming mahihirapan kapag nagpatuloy pa kami. Mas mabuti na rin siguro 'to!" sabi ko

"Okay! I respect your decision"

Until the SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon