2 days ago.
Lolo Karlos pov.
Kararating lang namin dito sa Philippines, dahil may kailangan akong kausapin! Nag hotel muna kami ni Cha dahil ayaw ko munang umuwi sa bahay. Pinayagan rin kaming umalis ni Janine dahil sa importante kong kakausapin dito sa Philippines
"Papa! ihahatid na kita" sabi ni Cha
"Sige"
Nakatanggap ako ng message mula sa pamilya nila kaya kailangan ko silang kausapin! Matagal na simula ng huli ko silang makita. Hindi ako maiihatid ni Cha sa mismong mansion dahil limitado lang ang nakakapasok doon
"Hanggan dito na lang Cha! Mayroong kotseng susundo sa akin dito" sabi ko
"Sige papa! Ingat ka" sabi niya
"Sige! Ikaw din"
Umalis na rin siya at naghintay ako! Ilang minuto lang ay mayroong humintong kotse sa harapan ko, binuksan niya ang bintana at lumabas
"Tara na sir"
Tumango lang ako bilang sagot! Hindi ko akalaing kukunin din niya ang binigay niya sa akin, pero okay na rin iyon dahil nararamdaman ko na rin namang lilisanin ko na ang mundong ito
"Nandito na po tayo sir"
"Salamat"
Hindi ko namalayan ang oras! Nandito na pala kami sa mansion ng Montenegro. Bumungad sa akin ang malaki nilang bahay
"Pasok na po kayo"
Agad akong dinala ng isang nilang maid sa isang silid! Iniwan din nila ako doon, wala namang tao! Ang sabi ng maid maghintay daw ako dito
"Karlos! long time no see"
Pumasok siya at umupo sa harapan ko! Hindi pa rin siya nag babago
"Kumusta na!?" tanong ko
"Ito malakas pa rin!" sabi niya
"Kumusta kana? Ang mga anak mo, ang apo ko kumusta na?" tanong niya
"Mabuti kami, pinalaki ko ng maayos ang apo mo h'wag kang mag alala" sabi ko
"Napatawad na kaya ako ng pamilya nila?" tanong niya
"Hindi ko masasabi Oo at hindi ko rin masasabing Hindi. Malaking kasalanan ang ginawa mo" sabi ko
"Pinagsisihan ko na ang lahat Karlos! Matagal na panahon na akong nagsisisi" sabi niya
"Fhilip Andrew Montenegro, Oo nag sisisi ka pero mahirap kalimutan ang ginawa mo! Kahit ako tandang tanda ko pa iyon" sabi ko
"Gusto kong makita ang apo ko" pag iiba niya
"Hindi muna ngayon Fhilip! Mabibigla lang siya pag nalaman niya agad ang totoo" sabi ko
"Sige, pero sana mapatawag din niya ako"
"Kumusta ang anak mo?" tanong ko
"Ganoon pa rin! Hindi na nila ako dinadalaw dito, nag iisa ko lang anak iyon"
"Patawarin n'yo na sana ako"
"Matagal na kitang napatawad"
"Sana ganoon rin sila"
-Flash Back-
Malakas na putok ng baril ang narinig ng lahat, nag panik ang iilang tao at sumigaw. Ngayon nagaganap ang pinakang masayang araw ng buhay nila
"Bakit sila nandito?" tanong ng lalaki
"Sinabi kong ayaw kong makita ang mga tao ito dito, hindi ba?" sigaw ng matang lalaki sa anak niya
BINABASA MO ANG
Until the Sunrise
Romance#1 story Keith Lopez, but not her true name! She leaving in her lolo's house. She not too smart but she study hard, she also kind girl! She happily lives a lie she doesn't know. King Xander Guzman, her childhood bestfriend! Handsome, Rich, Famous an...