Maaga akong naka alis sa bahay. Napag desisyonan ko na ngayong umaga ko na lang i me-meet si Clint kase kung mamayang hapon baka hindi kami mag kita dahil busy na ako, sisimulan na kase yung project namin mamaya. Nasa school na rin naman ako kaya imemeet ko na lang si dito sa may garden
*On Call
"Hello Clint, puede ba tayong magkita?"
"Cge, saan ba?"
"Nasa garden!"
"Cge punta na ako"
*End call
Naupo muna ako sa isang bench dito, Malawak ang garden at punong puno din ito nang bulaklak kaya ang bango ng simoy ng hangin dito
"Keith!" narinig kong sabi niya mula sa likod ko kaya naman lumingon ako
"Nandito!" sabi ko para makita niya ako
"Bakit mo ako tinawagan?" tanong niya
"Hindi pa naman nag sisimula ang klase ninyo diba?" tanong ko
"Hindi pa naman" saad niya at umupo sa tabi ko
"Hindi ko na papatagalin ito, baka ma late pa tayo parehas dahil sa akin" seryosong sabi ko
"Okay!"
"Si crisha, matamlay siya nang mga nakaraang araw, at nag aalala ako sa kaniya" panimula ko
"Oo nga, hindi nga rin niya ako pinapansin" sagot naman niya
"Tungkol sa kaniya ang pag uusapan natin"
"A-no naman iyon!" utal na saad nito
Hindi ko siya pinansin at nag pa tuloy lamang ako! Bakas sa mukha niya ang kaba at mas kakabahan siya sa sasabihin ko
"Na-buntis mo si Crisha at sigurado siyang ikaw ang ama! Nag kwento na rin siya ng mga tunggol sa inyo" diretsong saad ko
"A-ano?" gulat na saad nito
Sa nakikita ko sa itsura niya ay halo-halo at unang pag kakataon ko lang nakita sa kaniya ito. Para siya Tanga na tulala habang nakatingin ako sa kaniya ay hindi ko maiwasang matanong sa kaniya ang isang bagay
"Pananagutan mo naman siya diba?" tanong ko
Minsan lang ako maging seryoso at sa mood ko ngayon ay seryoso ako
"Ayaw kong lumaki ang anak ninyo na walang ama yun ang gusto ko bilang kaibigan ninyo. Kung hindi mo naman masasagot ako ngayon okay lang kahit mamaya" dagdag ko pa
Hanggang ngayon wala pa ring na labas na kahit isang letra ng salita ay wala akong na ririnig dito, alam ko namang nabigla ko siya pero okay na rin iyon kaysa naman mag papaligoy ligoy pa ako
"Oo nga pala gusto ka rin maka-usap ni Crisha, Kayo na ring mag desisyon para sa mangyayari" saad ko bago tuluyang umalis
Medyo na iinis ako sa kaniya dahil hindi manlang niya naisip na puwede iyong mangyari pero wala pa rin akong karapatang mainis dahil may kasalanan din si Crisha hindi siya naging matapang na walan agad siya nang pag-asa
Nang nakarating ako sa room ay naka upo na doon si Crisha mukang hinihintay niya talaga ako
"Ku-kumusta? Anong sinabi niya?" bungad niya
"Crisha siguro kayo na lang ang mag usap! Hindi dapat talaga ako ang kakausap sa kaniya, dapat talaga ikaw" bulong ko
"Pero alam na niya at na iwan ko rin siyang tulala mukang hindi pa nag si-sink in sa kaniya na tatay na siya" mahinang saad ko
Mabuti na lang at ngayon pa lang nag sisidatingan ang mga kakalase ko kaya hindi nila kami masiyadong narinig! Mahirap ding mag karoon sila ng issue, alam kong mag lalong mag kaka problema si Crisha kung sa kaling mangyari iyon
BINABASA MO ANG
Until the Sunrise
Romance#1 story Keith Lopez, but not her true name! She leaving in her lolo's house. She not too smart but she study hard, she also kind girl! She happily lives a lie she doesn't know. King Xander Guzman, her childhood bestfriend! Handsome, Rich, Famous an...