Hindi na ako pumasok dahil ayaw ko munang lumabas! Sinabi ko na rin kala mom and dad ang dahilan, alam kong nagaalala rin sila sa akin! Dalawang araw na ang lumipas simula ng naghiwalay kami, minsan hindi ko mapigilang umiyak pero pinapagaan ko rin ang dibdib ko sa pagkain ng mga prutas
Ilang beses na ring nagpunta dito si Xander at gusto akong kausapn, pero hindi ako nagpakita sa kanya. Ayaw ko mas madagdagan ang sakit sa dibdib ko. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng kakainin ko
"Ate kanina pa nandiyan si kuya Xander! Wala ka ba talagang balak na kausapin man lang siya? Ang sabi ni Gray sa akin, lasing daw siya nitong mga nakaraang araw!" sabi ni Jane
"No! Marupok ako Jane, alam mo yan! Ayaw ko na siyang makita pa! Gusto kong mapabuti kaming dalawa at ito lang ang tangging paraan" sabi ko
"Okay, ikaw bahala!"
Wala sila lolo at tita cha dahil may biglaang check up daw si lolo! Papasok na rin si Jane sa hospital kaya maiiwan ako dito sa bahay!
"Sige ate aalis na ako! Nandiyan lang siya if gusto mo kausapin" sabi niya bago umalis
Tse. Bumalik ako sa kwarto ko at nanood ng mga anime movies/episode para libangin ang sarili ko. Halos ilang oras din akong nakatutok sa laptop. Mga bandang tanggahali ay naligo ako, at lumabas sa kwarto
Nagluto lang ako ng nilagang okra at isasawsaw ko sa bagoong! Masarap na 'yon. Dahil mahilig nga ako sa gulay ay marami kaming stock! Halos puro gulay at prutas na nga lang ang laman ng Ref.
*Phone ring
"Mom?!"
'Honey, how are you? Do you want something, magpapadiliver ako jan'
"Wala naman akong gusto mom! Saka don't worry I'm fine!"
'So! sasama kana sa amin? Sa isla El Sueño province?'
"Hindi ko pa po alam mom!"
'Pagisipan mong mabuti Althea!'
"Mom naman wag nyo po akong tawaging Althea! Keith na lang"
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mom kaya napangiti ako. Napaka bait nila sa akin, ginagawa nila lahat para mapalapit ang loob nila sa akin
'Althea Vannice R. Montenegro! Maganda naman ang name mo ah! mahaba nga lang'
"Okay na sa akin ang Keith mom, or Thea"
'Okay fine Thea, i have to go!'
"Sige mom, byeee"
Binaba ko ang cellphone ko at humarap sa pagkain! Kinuha ko ang lahat ng okra at inilagay sa bowl, nilagyan ko na rin ng bagoong! Nagsandok ng kanin at inilagay sa plato. Nagsimula na rin akong kumain
Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko ang pinagkainan ko! Napansin ko ring puno na ang basurahan at kailangan ng itapon. Sumilip ako sa bintana at natanaw si Xander sa labas ng gate!
"Kanina pa s'ya jan! Hindi ba siya napapagod maghintay. Bahala nga siya" bulong ko
Tinapon ko ang basura sa likod ng bahay namin! May butas kase doon at doon nagsusunog si lolo. Bumalik din agad ako sa loob ng kwarto ko!
"Ang boring"
Nagpagulong gulong ako sa higaan ko! Wala talaga akong magawa, kaya naisipan kong maglinis ng kwarto ko! Madami na rin kase akong gamit
Habang naglilinis ako ay bigla akong nahinto dahil sa nakita ko! Yung picture namin ni Xander kasama ang lolo n'ya. Mukang napakatagal na nito
Naupo ako sa kama, kinuha ko rin ang kahon. Mukang gamit ito ni lolo, baka nailagay lang nila dito sa kwarto ko. Habang tinitignan ko ang mga pictures ay natigil ako, nakuha ng atensiyon ko ang pamilyar na mukha
BINABASA MO ANG
Until the Sunrise
Romance#1 story Keith Lopez, but not her true name! She leaving in her lolo's house. She not too smart but she study hard, she also kind girl! She happily lives a lie she doesn't know. King Xander Guzman, her childhood bestfriend! Handsome, Rich, Famous an...