Chapter 37

353 12 0
                                    

Pagakyat pa lang ng araw ay gising na ako! Napansin ko din talaga lately na maaga akong nagigising at naghahanap ng durian! Kaya lagi na akong may stock

Pagkatapos kong maligo ay naglakad ako diretso sa close set ko para manguha ng bestida! Madalas simple na lang ang mga sinusuot ko! Hindi na ako gaanong nag susuot ng jeans, or short

"Good Morning preggy!" bungad ni Jane sa akin

Bago ako natulog kagabi ay naabutan pa niya akong kumakain ng durian! Sobra nga daw ang dami ng pasyente kaya mag aalas nuebe na siyang nakauwi

"May check up ka nga pala ngayon sa OB mo diba? Malapit lapit na rin ang 1 month ni baby mo!" sabi ni Jane

"Oo kaya nga hindi ako papasok ngayon!"

"Sige kumain na kayo!" sabi ni lolo

Nagsandok ako ng kanin at ulam! Medyo marami na rin ang kinuha ko, wala kase akong balak na kumain sa labas mamaya. Di-diretso din ako sa mansion ng mga Montenegro mamaya

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si Jane sa amin! Habang ako ay nag presinta na maghugas ng plato at lamesa

"H'wag na ako na lang Kei! Magpahinga ka muna" sabi ni tita

"Tita ako na po! Idala nyo na lang po si lolo sa kwarto niya para makapagpahinga na rin!" sabi ko

"Sige na nga!"

Napangiti naman ako, minsan talaga wala akong nagagawa dito sa bahay dahil lagi sila ang gumagawa! Ayaw ko rin namang lagi na lang nakahiga, para sumasakit yung katawan ko kapag ganoon

Pagkatapos kong ayusin ang lamesa at ligpitan ang mga pinggan ay pumunta ako sa kwarto para ayusin ang gamit na dadalhin ko! Kumuha lang ako ng maliit na bag. Nilagay ko ang wipes, lipstick, perfume, wallet, at ang cellphone ko. Pagkatapos kong ayusin ay bumaba na ako

"Tita mauna na rin po ako! baka po kase naghihintay na si Doc. Reyes!" sabi ko

"Sige, magiingat ka!"


Pagpasok ko ay natanaw ko ang isang babae na mukhang pasyente rin! Umupo ako sa tabi nya. Siguro ay may iba pang pasyente kaya nandito pa siya

"Hi!" bati ko

Halatang nagulat siya sa ginawa ko! Mukhang mag ini-isip din siya kaya rin na bigla siya. Ngumiti ako para naman maging komportable siya

"Uhm! Hi?" bati niya pabalik

"Pasyente ka rin?" tanong ko

Alam ko namang pasyente siya pero naninigurado lang! Muka rin kase siyang hindi buntis kaya medyo nagtaka rin ako

"Yeah, I'm just waiting..." mahinhin na sabi niya

"Okay! by the way I'm Keith, and you are?"

"I'm  Sophia!"

Parang pamilyar siya sa akin! Muli siyang tumingin sa akin, noong una kase umiwas siya! Pagtingin niya ay para bang may naalala siya. I guess i'm familiar too

"Keith Lopez? y-yung pinsan ni Jane Cruz? tama ba?" tanong niya

"Oo, classmate mo si Jane?"

"Yes! Napansin kong kaseng pamilyar ka!" sabi n'ya

"Ikaw din! Oo nga pala bakit parang ang lalim ng ini-isip mo?" tanong ko

Ang kapal ko talaga! Hindi kase ako mapakali dahil ang lungkot ng mukha niya para may problema! Im just want to know the reason. She smile a bit before she answer

"Yung baby mo kase..."

"A-anong nangyari?" nagaalalang tanong ko

"Hindi ko alam kung tatanggapin ba siya ng daddy nya! Hindi naman namin ginusto 'to" mahinang sabi n'ya

Until the SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon