intro story

52 1 0
                                    

"Anak!!!"-sigaw ng isang babae sa kanyang mga anak.

"Mama! Anong nangyayari? Bakit lumiliyab ang bahay?"-takot na sabi ng batang lalaki

"Nasaan si yoko?"-batang lalaki

"M-mahabang istorya anak ang mahalaga-"

"AHHHGGGGRRRR"-sigaw ng batang babae

"YOKO!!!"-sigaw ng batang lalaki

Nagwawala ang batang babae at akmang tatamaan ng isang mapanganib na mahika...
Ang Fire Magic.

"ANATA NO SUBETE O SHINU!!! *Hi no Mahō!"- bigkas ng batang babae

Biglang lumabas sa kamay ng bata ang apoy at titirahin nito ang batang lalaki ngunit, tinulak ng babae ang batang lalaki at sinabing...

"Ingatan mo sya, wag mo syang kamumuhian, mahalin mo sya at alagaan, shiro."-at ngumiti lang ang babae.

At nawalan ng malay ang batang lalaki...

Pagkamulat ng mata ng batang lalaki...

*Shiro's Point Of View*

"Kuya!!! Kuya!!!"- y-yoko?

"Y-yoko? H-halika na!"-habang pinipilit kong tumayo sa pagkakatulak sa akin ni mama

"K-kuya*sniff* s-si mama?*sniff*"-tanong nya sa akin.

"W-wala ka bang naaalala?"-tanong ko sa kanya

"A-ano bang nangyari,*sniff* kuya?"-tanong nya ulit sa akin.

Ang totoo nyan, sa kaloob-looban ko, gusto kong sumbatan, gusto ko syang saktan sa pangyayaring ito... This is a nightmare for me but, alam ko na ang katotohanan at hindi dapat ako pumutol sa pangako ni mama at bilang panganay, kailangan kong protektahan ang kapatid ko kahut buhay ko pa ang kapalit.

Kahit buhay ko pa ang kapalit.

Pagkalabas namin sa bahay, tinulungan kami ng mga kapitbahay, sinabi ko ang lahat-lahat, pwera lang sa pagkatao ni yoko...
At lahat sila'y nakiramay sa pagkamatay ni mama sa sunog at kahit ang katotohana'y si Yoko talaga ang may kasalanan...

Sa ngayon, hindi ko muna sinabi ki Yoko ang lahat.

_________________________________________

(10 years later)

"HALIMAW!!!"-sabi ng batang lalaki

"H-hindi ako halimaw!"-yoko?

Pinuntahan ko ang tinig na yun, at nakita kong gutay-gutay ang suot ni Yoko.

"Huy!"-sigaw ko sa mga batang nang gugulo.

"Ahh! Yung kuya nya!"-sabay takbuhan silang lahat.

"Kuya*sniff*totoo bang ha*sniff*halimaw ako?"-tanong nya sa akin.

"W-wag kang maniwala doon sa mga batang yun, mga walang magawa yun sa mga buhay nila.."-sabi ko nalang.

At ng umuwi kami sa bahay, may napansin lang ako sa kanang balikat ni Yoko.

Agad kong sinerch ang bagay nayun at napag-alaman kong............

_________________________________________

Bitin ba?
Malalaman nyo po sa next-next-next chapter yung bagay nayun...(alam nyo naman po yun!!!)
Thanks po sa mga nag basa I hope na lagi nyong susubaybayan ang mga chapters! Arigatou readers!
Godbless to all of you!

The Curse SealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon