"Teka! Aray, ano ba! Bitiwan mo nga ko!" paano ay hinawakan pa talaga ulit ako sa braso. Ayaw nya talaga akong umalis.
"No!" mas malakas na sabi nya. Namumula ang mga mata sa galit, at naluluha?
Mabilis kong iwinasiwas ang kaliwang braso ko na hawak nya. Ayaw nya akong bitiwan, wala ata akong takas sa higpit ng kanyang hawak. At sa laki ba naman ng katawan nya na feeling ko may abs sa loob ng damit. Mali, ano ba 'tong pinag-iisip ko!
Lahat na nga nang atensyon na sa amin na. Mukhang wala pa yata syang balak pauwiin ako ngayong gabi, ako na itong natatakot e.
Hinugot ko lahat ng lakas ko para apakan sya ng malakas sa paa, at nagtagumpay naman ako. Wala na akong pake kung hindi ko makuha iyong 5k, paniguradong meron naman si Mylang makukuha!
Basta kahit na gwapo sya, at mayaman, at parang nasa kanya na lahat, wala pa rin akong balak magpatali sa kanya! Ni hindi nga naniniwala na hindi ako iyong tinutukoy nila.
Mabilis akong tumakbo palayo sa kaniya. Nagsitabi lahat ng taong nadaanan ko. Nataranta na rin lahat, at puro "Ohh-" "Oh my gosh" "Who is she?" lang ang mga naririnig ko.
Dinig ko ang pagsigaw ng lalaking tinakbuhan ko. Yung Nigel.. Oo, yun yung pangalan kanina na sinabi, di ba?
"Habulin nyo sya!" dinig kong sabi nya habang humahabol din.
Dire diretso lamang ang takbo ko. Nakakapagod! Ang laki pa naman nitong bahay nila. Nang malapit na ako sa gate, laking pasasalamat ko na makitang bukas ito. Marahil may mga lumalabas pasok pa kasing bisita.
Mukang natataranta na rin ang mga guard habang nakikinig sa sinasabi sa walkie talkie nila.
Kumaripas pa ako lalo nang takbo para tuluyang makalabas. Kailangan makaalis na ako sa subdivision na 'to. Alam kong para na akong ewan dito tapos nakauniform pa.
"Kelila, jusme ka!" bungad ni Myla pagkabukas nya ng malakas sa pinto namin.
Halos mapatalon din ako sa lakas ng boses nya. "Para kang tangek! Ninerbyos ako kanina nung makita na ikaw yung hinahabol. Naloka ako! Kilala mo ba yung si Sir Nigel?" parang lalabas na mga mata nya sa sobrang pagdilat, hindi ata makamove on sa nangyari kanina lang. Maski nga yata ako gulat pa rin na may halong takot.
"Ang aga nyo natapos? Hinanap ba ko? Hindi ka tinanong? Hindi nila nalaman na magkasama tayo?" nagpalakad lakad ako habang magkasikop ang mga kamay.
Umupo sya sa upuan, at sinuklay ng mga daliri ang buhok. "Teh, di ko kineri yun! Malamang maaga natapos dahil nagkagulo na!" Huminga sya ng malalim na sunod sunod, parang kinakabahan pa rin.
"Syempre hinanap ka pa! At anong hindi tinanong? Alam mo bang halos maglupasay ako kanina na parang mahihimatay na rin? Tinuro kaya ako ng mga kasama natin! Ako raw ang kasama mo at kilala raw kita." sambit nya nang diretso.
Napatigil ako sa paglalakad. "Ha? A-anong sa-sabi mo? Susme!"
"Wag kang mag-alala, mabilis naman akong nakapag-isip. Ang sinabi ko nakilala lang din kita sa isang raket kaninang umaga tapos naikwentong may trabaho ulit ngayon kaya sumama ka. Si pogi pa nga ang naghot seat sa akin."
"Salamat. Salamat May!" nakahinga naman ako nang malalim sa sinabi nya.
"Ano ba kasing meron? Nagnakaw? Nakapatay ka ba? Kilala mo yon?" seryoso nyang tanong. Grabe rin 'to mag-isip.
"Hindi nga e. Ewan ko ba don, pinagpipilitan na ako raw yung Christina na ewan na mapapangasawa raw nya." sabay upo ko sa dulong bahagi ng kama.
"Ayy, nakakaloka nga! May pa ganon na ngayon?" tumango tango ako sabay sabunot sa sarili.
"Natakot pa ako kanina, akala ko mapapagalitan ako dahil nakabasag ako. Iyon pala kaya ako hinabol dahil nga akala ako yung Christina." napabuntong hinga ako. Naalala ang pagkagulat kanina.
"Ahh, ikaw pala yung sinasabing may nakabasag daw kanina." sabay tango nya sa kawalan.
"Oo nga." iyon na lamang ang nasabi ko.
Pang-umaga ako ngayon, mag-aala syete pa lang ay gising na ako. Hindi ako nakatulog nang maayos. Magbabantay at tutulong pa naman ako sa pagluluto sa karindirya.
Mabilis na akong kumilos at nag ayos, sayang din yung walong daan kung makakaltasan pa ako. Buti na lang ay day off ko kahapon kaya nakapagpart time pa nga ko, na pinagsisihan ko rin dahil wala naman akong napalang pera.
Pagkatapos maligo ay nagbihis na kaagad ako. Isang puting shirt, at may kalumaang pantalon ang napili kong isuot sa araw na 'to. Marahan kong sinuklay ang buhok ko habang nakatingin sa maliit na salamin dito.
Napaisip tuloy ako. Ang tinde talaga kagabi, hindi ako makamove on.
Mag-aalas otso na pala. Napalingon naman ako sa kanang bahagi ko. Teka, wala bang pasok itong babaeng 'to?
Lumapit ako kay Myla sa isa pang kama rito. "Hoy, hoy!" untag ko habang tinatapik ang braso nya. Umikot lamang sya ng pwesto. Hay nako!
"Hoy, babae! Wala ka bang pasok?" pagpupumilit kong muli.
"Mmm, wala! Doon ka na nga." sabay dapa nya pa at sumenyas gamit ang kanang kamay, hudyat na pinapaalis na ako.
"Bahala ka na dyan. Alis na ko!" agaran ko nang sinuot ang luma ko ring sandals.
Kanina pa ako masid ng masid sa nadadaanan ko. Muka tuloy akong engot kanina papunta dito sa karindirya, at hanggang ngayon nga ay palingon lingon pa ako.
"Topiana, problema mo? Kanina ka pa di mapakali dyan?" pagtatanong ni Manang Pasing na may ari nitong Pasing de Karenderya.
"Ho? Wala naman po. Tinitignan ko lang mga customer natin." muntikan pa akong mautal.
"Sige, sabi mo eh. Sya nga pala kayo munang bahala rito ni Rihana ha? At aalis muna ako, maniningil lang ng mga utang."
"Okay, meneng. Babush!" sabi ni bakla nang lumapit dito sa amin pagkatapos nya mag-abot ng sukli sa isang customer.
Pagkaalis ni Manang ay nakipagtsikahan na naman si Rihana sa akin.
"Uyy, Lila alam mo bang may gwapong papa kanina rito?" medyo nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Gwapo?
Napaisip ako bigla na baka naghahanap na nga yon. Hindi imposible dahil may kakayahan syang gawin.
Kagabi kumbinsido talaga sya na hindi ako paalisin, pero sa yaman nya malamang hindi sya ang mismong maghahanap. Syempre may uutusan sya. Argh. Sana tantanan nya ako!
"Anong gwapo? Mayaman? Hot?" ano ba 'tong paglalarawan ko don sa Nigel na yon. Di bali na, totoo naman ha!
Hinampas nya ako sa baljkat, hindi naman din kalakasan.
"Ano ba ka ba ateng, syempre poorlalu din tulad natin. Mukhang kargador nga ata yun sa kabilang palengke." tumawa pa talaga ang baklita.
Napakamot na lamang ako sa batok. Akala ko sya na. Kung nagkataong sinabi nyang mayaman baka nagtatakbo na ako at nagtago.
Alas cuatro na kaya uwian na! Naningil na kaya yon si Aling Percy? Nagbayad naman na siguro si Maymay. Buti na lang nakuha nya ung 5k. Bongga rin yun!
Napabagal ang paglalakad ko nang makita ang kumpulan ng iilang taong nagtsitsismisan. Marami naman talaga noon pa pero parang iba ngayon, talagang kumpulan sila. Ano bang meron?
Napadaan ako sa isang grupo ng kabataan, mayroong tumitili na babae kaya lumapit ako ng kaunti. Parang iisa ang pinag-uusapan ng lahat dito.
"Tanya, ang.. ang pogi nyaaa!" tila hindi pa makahinga ng maayos itong isa. Nanlaki naman ang mga mata ko nang marealize ang narinig.
Kapag may binabanggit nga namang pogi o gwapo! Napapraning na yata ako.
"Kung pwede lang pakasalan e, kaso magagalit si nanay." napangiwi naman ako. Nasisiraan na itong batang 'to.
Saglit! Pogi? Eh Wala namang may ganong lalaki ang nakatira banda rito! Mas lalong nanlaki ang mga mata ko, at napatakip sa bibig. Ilang beses din akong napalunok. Sana hindi!
BINABASA MO ANG
Mistaken One
General FictionAnong mararamdaman mo kung mapagkamalan kang ibang tao? Yung tipong kahit ipilit mong hindi nga ikaw ang tinutukoy, eh ayaw pa rin maniwala sayo. Siyempre nakakabaliw din yon! Kelila is just also an ordinary girl pero sa hindi inaasahang pangyayari...