Mistaken 2

1.6K 41 0
                                    

Natapos na kami sa pagpapalit ng uniform. Ito nga at dumiretso na kami sa napakalaking sala nitong mansyon. Parang kabilang bahagi ito nang dinaanan namin noong dumating kami kaya siguro ay hindi namin nakita.

Maraming tauhan ang pakalat kalat ngayon dito sa loob, maging sa labas din ay maraming nag-aasikaso kanina. Wala na ngang imikan ang iba at kanya kanya lang talaga ng pag-intindi sa mga trabaho nila. Kahit parang pakalat kalat kaming tatlo, walang pakielamanan pa rin ang lahat.

Hindi pa kami gaano nakakalapit ngunit kitang kita ko na iyong larawan ng anak ng may ari nitong mansyon na tinutukoy ni Shiela.

Kung makalaglag panga itong tahanan nila, pwes nakahihimatay na ang itsura niya. Mistiso siya, at matangos ang ilong. Ang ganda ng pagkakahubog ng mga mata nya, medyo kulay brown ito. Ang buhok naman niya ay medyo magulo na isa rin sa mismong nagpapadagdag sa kagwapuhan niya, at ang katawan-- ay jusme! parang hinubog ng perpekto.

"Yan! Si Sir Nigel daw iyan. Matagal ata syang nawala dito sa Pinas kaya engrade itong party para sa pagbabalik nya." pagpapakilala sa amin ni Shiela nang tuluyan na kaming makalapit. Parang inlove ang tono nya. Hindi ko maibaling ang tingin ko sa mga kasama ko dahil parang nadikit na ang mga titig ko sa larawan ng makisig na kaharap ko. Pinapakinggan ko lamang sila.

"I-ilang taon na siya?" nauutal utal pa talaga itong si Myla.

"Bente cuatro na ata, yun ang narinig kong bulong bulungan kanina e." tyka pa lang ako napalingon sa kanila nang marinig iyon.

"Talaga?" umakto pang nagpapaypay itong kaibigan ko.

"Bakit? Ilang taon na rin ba kayo?" nagtatakang tanong sa amin ni Shiela.

"Kakabente singko ko lang. Ito namang si Kelila ay magbebente cuatro na sa makalawa. Ayy! Myla pala pangalan ko. Hehe."

"Ako kaka-bente tres lang. Alam niyo ba yang reaksyon niyo ay walang binatbat sa reaksyon ng mga kasama natin kanina sa room, halos magtititili sila at syempre ako rin." sabay hagikgik niya.

"Gusto ko na syang makita!" kinukeryente na ata itong katabi ko. Nakahawak siya sa braso ko at inaalog alog pa ako.

"Tara na, baka pinapatawag na tayo don." pag-aaya ko sa kanila. Gustuhin ko man magtagal dito para titigan pa lalo itong larawan ng makisig na lalaki sa harapan ko, ay kailangan ko na silang hatakin paalis at baka mahuli pa kami.

"Sayang! Gusto ko pa siyang tignan nang mas matagal." pagrereklamo ni Maymay.

"Ako nga rin e, ganyan din sabi namin kanina. Hayaan mo na, makikita mo naman siya mamaya." katwiran naman ni Shiela sa kanya.

Pagkabalik namin ay sakto namang pinapatawag na lahat ng mayordoma. Ipapaliwanag daw ang mga pwesto namin at ang mga kailangan tandaan.

Tig-aapat na waitress sa kada pwesto na sasabihin.

At dahil magkakadikit kaming tatlo ay magkakasama na kaming naituro dagdag din ang isa pang nasa gilid ko.

Banda sa may pool kami na-assign. Marami na ang nagdadatingang bisita. Mukhang mga bigatin. Ang gagarbo rin ng mga kasuotan nila, mapalalaki man o babae ay mamamangha ka sa mga ayos nila.

30 minutes na lamang ay magsisimula na itong party, mukhang napaaga dahil dumating na ata iyong lalaking gwapo na anak nitong may ari. Iyon ang dinig ko sa mga nagkukwentuhan. Aba kahit hindi ako nakapagtapos nang pag-aaral ay nakakaintindi naman ako ng english kahit papaano, tyka marami na rin daw bisita kaya mapapaaga na talaga ang simula.

Kanya kanya kami ng serve sa mga bisita rito. Hindi ko na nga mahagilap sila Myla sa lawak nitong pwesto namin at sa dami na rin ng tao.

"Ma'am, Sir, would you like a drink?" tumango naman ang dalawang nasa harap ko na mag-asawa ata. Inabot ko sa kanila ang dalawang baso ng wine sa tray ko.

Paikot ikot lamang ako.

Nagsisimula na ang programa kaso naubusan na ako nang iseserve kaya bumalik muna ako sa loob para kumuha ulit.

Bago ako tuluyang makapasok ay magsasalita na iyong matandang nagmamay-ari sa mansyong ito.

May mga kasamahan ako ngayon na naubusan na din siguro ng iseserve kaya kukuha muli sa loob.

Nagulat na lang ako nang magmadali silang lahat lumabas. Anong meron? Ipapakilala na ba? Medyo lumakas kasi ngayon ang boses nang nagsasalita sa labas, parang gusto ko na rin maki-esyoso.

Iniwan nila saglit lahat ng mga kukuhanin nila at binitbit lamang ang mga tray na kanina pa hawak. Nataranta naman ako, ako lang maiiwan dito. Dapat bang sumunod ako sa kanila? Kaso baka mapagalitan kami.

May bigla namang kumalabit sa akin. Kaya agad akong lumingon.

"Myla?" medyo gulat na sabi ko.

"Mamaya na yan. Nandon na sya! Kanina pa kita hinahanap e. Ipapakilala na yung gwapong papa. Dali, gusto kong makita sa personal." Hala, tarantang taranta siya na kinikilig. Nang hindi ako nakasagot agad ay hinila niya na ako. Naku, baka mapagalitan kami nito. Bahala na nga!

Pagkalabas ko ay kita kong nagtipon tipon na ang lahat, napakarami talagang tao, pati ang ibang tauhan ay nakatayo na rin sa mga gilid. Mga sabik makita!

Tumayo na lamang din ako sa gilid. Katabi ko si Maymay na parang uod na nilagyan ng asin sa sobrang excited.

"It has been 5 years, and now he's finally back again. Let's all welcome my one and only son, Hance Nigel Jacobe."

Nagpalakpakan ang lahat. Lumakas din ang mga bulungan.

"Omg, he's here na!"

"He looks hot, nakita ko siya kanina."

"He's my classmate back in high school. And I can totally say na-- Yes, he's really hot, sis"

Iilan lamang yan sa mga naririnig ko ngayon sa mga katabi kong sopistikadang babae.

Ilang segundo pa ay lumabas na ang lalaking kanina pa inaabangan ng lahat.

Sampung tupa naman oh! Kung sa larawan nakakamatay na. Paano pa kaya itong sa personal? Double dead na ata lahat nang may gusto sa kanya.

Seryoso ang mga mata niya kahit bahagya naman siyang nakangiti sa lahat.

"Guess, I have to admit, it feels good to be back. Thank you everyone for coming. Enjoy the night!" iyon na lamang ang narinig kong sinabi niya. Pakiramdam ko ay para akong napunta sa ibang mundo.

Hindi ko namalayan na kinakalabit na ako ni Shiela. Lumapit pala siya sa amin?

"Oy, balik na daw tayo doon. Marami pa tayong pagsisilbihan. Tapos na ang makalaglag panty na pagpapakilala kay cutiepie." sabi nya sa amin. Malamang ay natulala rin itong katabi ko kaya hindi agad napansin ang pagdating ni Shiela.

Bumalik na kami sa ginagawa nang mahimasmasan si MayMay. Jusme, naiintindihan ko ang naramdaman niya kanina nang makita si mister perpekto. Ay! bura bura.. trabaho! Focus sa trabaho Topiana!

Mistaken OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon