"Bakit ba kasi pinagtataguan ka?" sinamantala ko na nga ang pagkachismosa ko.
"I don't know.." aysus. Imposible.
"Alam mo di m-" hindi ko natapos ang sasabihin dahil may tumatawag na naman. Wrong timing.
"Saglit lang ha" bahagya akong yumuko at nagtakip ng bibig nang sagutin ang tawag.
"Te, nasaan ka!?" ang tining naman talaga ng boses o. Nakakabasag tenga.
Sumulyap ako kay Nigel habang kausap si Myla. "O bakit? Anong meron?" mukhang natataranta kasi sya.
"Basta. Pumunta ka na dito. Bilisan mo ha!" di pa ko nakakasagot, binaba na agad ang telepono. Napaka-talaga! Ano bang meron?
Nilingon ko ang gwapong lalaki sa harapan ko.
"Pasensya na, kailangan ko nang umalis. Mauna na ko." agad akong tumayo sa upuan. Mukang emergency kasi ang tawag ni Myla.
Kung hindi ba naman minamalas, nalaglag pa cellphone ko. Mabuti na lang at nokia 3350 nga ito, matibay at hindi agad nasisira.
Bago ako tuluyang tumalikod, hinarap ko muna syang muli. "Salamat nga pala at naniwala ka na." Yes, peaceful na ang buhay ko nito kahit sa kabilang banda ay hindi.
Nakalabas na ko ng coffee shop nang magulat dahil narinig ko ang isang boses. Agad akong napalingon, at nakita ko ang lakad takbo ng huli kong kasama.
Nagtataka akong tumingin sa kanya habang sya ay papalapit.
Tila hindi nya alam ang tamang salitang bibitawan nang tuluyan na syang nasa harapan ko.
Bakit kahit anong ekspresyon ang gawin nya, nakakahumaling pa rin?
Nakakaakit ang kanyang mga mata. Ang hulma ng kanyang ilong at panga, pati na rin ang kilay.
Ito na naman ako pagtitig sa kanya, baka isipin nya nababaliw na ako.
Tinaas ko ang dalawang kilay ko na para bang nagtatanong.
Nilagay nya aang dalawa kamay sa bulsa ng kanyang slacks. "I just want to know if we could meet again?" Sa wakas nakapagsalita rin sya, pero ano raw? meet again?
Ako naman yata ngayon ang hindi makapagbuka ng bibig. Hindi ko alam kung anong itutugon.
Ilang segundo ang nakalipas at pakiramdam ko'y kita nya ang buong pagkatao ko. Paniguradong bakas din sa muka ko ang pagkagulo ng isip ko.
"So?.." pagtatanong nya muli.
"Bakit pa?" bakit naman talaga di ba? E wala naman na kaming dapat pang pag-usapan pa.
"I need talk to you about something." at kahit wala akong ideya kung ano o tungkol saan man iyon, pumayag ako.
Nagmamadali ako kaya kailangan ko na rin makaalis.
Sakto at may nakita akong papalapit na jeep kaya pinara ko na agad iyon.
"I'll drive you home?" akala ko umalis na sya.
"Ano?" hindi ko masyado naintindihan ang sinabi nya dahil mas malakas pa ang ingay ng mga sasakyan sa kalsada kaysa sa boses nya.
"Ihahatid na lang kita." teka?
May binabalak ba sya? Kung hindi lang ako masyadong matino, malamang ay sumama na ko sa kanya pero syempre hindi pa rin.
"Wag na." sakto naman at huminto na ang isang jeep kaya kaagad na kong sumakay.
Habang nasa byahe ay napaisip ako, ano na naman kaya kailangan non? Dapat ay wala na.
Mga ilang minuto pa ako naging tulala habang nag-iisip nang kung ano-ano, sa dulo ay naging buo rin ang desisyon ko na hindi na makipagkita sa kanya ulit.
Tutal wala naman kaming kahit anong connection. Kahit pa sumang-ayon ako sa tanong nya kanina, hindi na talaga ako pupunta.
Pagkarating sa bahay, isang natatarantang Myla naman ang sumalubong sa akin.
"Ano bang problema mo at sunod sunod ang ext at missed calls mo?" hindi kasi talaga sya nagtigil kahit sinabihan ko naman nang pauwi na ko.
"Ateng kasi.." bago pa nya natuloy ang sasabihin ay nagtanong na agad ako.
Nahagip ng paningin ko ang ilang kagamitan naming nakaimpake na. Anong nangyayari? Bakit nakaganito na?
"Ano 'to? Anong meron?" naguguluhan na ko. Palipat lipat ang tingin ko kay Myla at sa paligid namin.
"Yon na nga e. Pinapaalis na tayong lahat dito. Hanggang bukas na lang daw ang palugid." nataranta na rin tuloy ako. Bakit nagkaganon? Ang dami kong gusto itanong.
"Huh? Bakit? Anong nangyari? Bayad naman na tayo di ba?" sunod sunod kong sabi. Mas lumapit ako sa kanya.
Umupo sya sa kama nya at kinuha ang malaking bag, pinagpatuloy nya ang paglalagay ng mga damit. "Nagbayad nga. Tinangay naman." inis nyang saad.
Padabog ang pagtutupi at halos isalampak nya ang mga gamit.
Tinignan ko lamang sya na naguguluhan pa rin.
Itinigil nya saglit ang ginagawa.
"Tinangay ng impaktitang matandang Percy na yon ang mga binayad nating lahat. Walangh*** yon, tapos malaman laman ko pa nakasangla na pala itong lupa kaya pinapaalis na tayo ngayon!" pinagpag nya ng todo ang isang damit na hawak nya.
"Ganon ganon na lang yon?" wala sa sariling tanong ko.
"Malamang. Ano pang laban natin? Wala rin naman tayong magagawa." mapait nyang sagot.
Saan na kami pupulutin nito? "Anong gagawin natin? Wala pa tayong nahanap na lilipatan?" nagsimula na rin akong mag-impake ng ibang pang gamit.
Kinuha ko ang bag na paglalagyan ko ng ibnang gamit.
"Hindi ko alam te. Nababaliw na rin ako."
Napakawalang puso! Walang awa! Hindi makatao! walang dangal! Dignidad.. teka napasobra na yata. E pero kasi napakaano talaga ng matandang iyon.
Bakit ngayon pa!? Ngayon pa na walang wala kaming pera. Bakit?
Narinig kong tumunog ang cellphone ni Myla kaya agad akong napalingon sa kanya, mukhang mayroong nagtext.
Pinagmamasdan ko lamang sya habang binabasa nya ang mensaheng natanggap.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mukha. Ano kayang meron at ganyan ang itsura ng babaeng ito ngayon?
BINABASA MO ANG
Mistaken One
General FictionAnong mararamdaman mo kung mapagkamalan kang ibang tao? Yung tipong kahit ipilit mong hindi nga ikaw ang tinutukoy, eh ayaw pa rin maniwala sayo. Siyempre nakakabaliw din yon! Kelila is just also an ordinary girl pero sa hindi inaasahang pangyayari...