Mistaken 5

1.4K 47 0
                                        

Dahan dahan akong naglakad palapit sa apartment. Masama na ang kutob ko. Bakit mas maraming tao banda rito sa amin? Nakisiksik ako sa mga nakikiisyoso dahil hanggang gate sila.

Nang matagumpay na nakalagpas, may limang tao agad akong nakita sa amin. Mukhang mayaman nga ang isa.

Ramdam ko na ang panginginig ko rito, sana hindi totoo ang iniisip ko.

Nakatalikod silang lahat, yung apat ay parang mga bodyguards. Ang isa naman ay kakaiba ang postura at talagang naka suit.

Nanatili ako sa isang sulok dito, hindi muna ako pumasok. Tila may hininihintay silang bumaba sa hagdan naming gawa sa kahoy.

Nakita kong nagmamadaling bumaba si Mimi, taga kabilang kwarto namin. Halata ang pamumula sa mukha nya, nagulat ako nang makitang kasunod nya na si Myla sa likod.

Tuluyan silang bumaba, tumagilid ang isang lalaki kaya nakita ko ang itsura nya. Tama nga ang hinala ko! Hindi ako nagkakamali. Si ano, si.. Si Mister Perpektong may tililing! Nanlalambot na ang mga binti ko.

Kitang kita ko ang ekspresyon ni Myla, namumutla na sya sa kaba. Lumapit pa ko lalo sa gate habang nakayuko. Hindi naman siguro nila ako mapapansin dahil nakatalikod sila. Patuloy ang pagsulyap ko sa kanila.

"Where is she?" seryoso ang boses nung Nigel.

"P-po? Sir, hindi ko po kilala ang tinutukoy nyo." natatakot na nga yata talaga ang babaeng 'to.

"Anong hindi? Where is Christina?" mahihimigan mo talaga ang galit sa tono ng lalaki.

Ilang beses umiling si Maymay. "Hindi ko po talaga kilala ang sinasabi mo." totoo naman! Hindi naman talaga namin kilala ang tinutukoy nyang Christina.

Huminga nang malalim ang lalaki. Sinusubukan pigilan ang pagtaas lalo ng boses. "Fine. Ayaw nya siguro na Christina ang itawag sa kanya. Sige, yung kasama mo kagabi. Siya! Sya ang tinutukoy ko. So now, tell me where is she?"

Nako po, umayos ka Myla! Sisipain kita kapag umamin ka. Pakiramdam ko kriminal ako na may tinatakasan e. Susmiyo!

"Tabi! Tabi nga! Sabing tabi nga!" naghihisterya ang boses. Lumingon ako sa bandang likuran ko, at nakitang nakikipagsiksikan din si Aling Percy. Gumilid pa ko lalo para hindi makita.

Pumasok sya kaagad sa gate. "Anong meron dito?" masungit nyang tanong.

Humarap naman sa kanya si pogi. Nanlambot ata ang ekspresyon ni Aling Percy, syempre kita naman sa itsura ng kaharap na may sinasabi ito sa buhay.

"Ma-myla, ano 'to? Kaibigan mo o boyfriend mo?" baling nya sa kaibigan ko habang tinuturo iyong Nigel.

"Hindi ho!" maagap na sagot ni Maymay.

Tinignan lang sya ni Nigel. Pinilit pang tapangan ni Aling Percy ang kanyang mukha, at sinubukan muling ituon ang pansin kay Maymay.

"Ayy, wala na akong pake! Asaan na muna pala ang bayad nyo? Kaninang umaga pa ako kumakatok sa inyo tapos hindi mo man ako magawang pagbuksan ng pinto. Kayo talaga ni Topiana, tataguan nyo pa yata ako!" nahampas ko naman ng palad ang mukha ko.

Ngayon pa talaga sya maniningil? Bakit naman kasi hindi muna nagbayad itong babaeng 'to kanina e. Nabanggit pa tuloy ang pangalan ko. Kainis!

Bago pa makasagot ang kaibigan ko ay naunahan syang magtanong. "Anong sila?" ayan na, kunot noo na tanong ni pogi.

"Sila? Sila ni Kelila." paglilinaw ni Aling Percy. Tumingin sya ulit kay Myla. "Akala ko ba kilala kayo nito?" sabay turo nya kay Sir Nigel.

"Kelila? Babae? May kasama syang babae?" Ayan na talaga. Tulungan nyo po ko.

"Oo nga!" medyo iritable na nyang sabi. Mamaya ka na nga, iho. Bayad muna ng upa, Myla!" nilahad na naman nya ang kamay. Rinig ng buong barangay ang mga pinagsasabi nila.

Gumuguhit na sa mukha ang pagkairita ni Sir Nigel. "How much? I will double it, just tell me who's that Kelila!" babayaran nya ang upa namin? Eh hindi nya nga kami kilala, at dodoblehin nya pa!

Malakas din talaga ang kutob ng lalaking 'to, na ako nga ang tinutukoy ng matanda. Ahhh! Kailangan ko nang umalis.

Ngumisi naman si tanda. "Twupayb!" nilipat naman nya ang nakalahad na palad.

Lumingon si Sir Nigel sa isang lalaki malapit sa kanya, at may inabot ito kay Aling Percy.

"There. Now describe that Kelila!" mukhang malaki ang binayad nya dahil ang lumapad lalo ang ngiti ng matanda.

"Maputi, medyo may katangkaran tyka balingkinitan, may kagandahan din naman. Pwede nang mapagkamalang mayaman kahit hindi talaga." tuloy tuloy na sagot ni Aling Percy. Nasisiraan na rin talaga ang matadang ito e. Paano pala kung masasamang tao ang mga iyan tapos nilarawan nya pa talaga ako?

"Sinasabi ko na! Nasaan sya?" galit na untag nya kay Myla.

Nakapa-adjust na ata si Myla kaya matapang na ang mukha. "Sinabi ko na nga na hindi ko ho sya kasama!" pagmamatigas pa rin nya. Salamat! Tama yan, wag kang aamin!

"LIAR!" gigil na ang itsura ng binata.

Tumalikod na ako, nakayuko pa rin ako nang dumaan muli sa mga nagkumpulang tao rito.

"Makikiraan ho!" mahina kong bulong habang pinipilit makaalis dito.

Naririnig ko pa rin ang pagtatalo nila Myla pero hindi na nakatuon ang atensyon ko roon, kailangan ko na kasing makaalis dito.

"Kelila? Hinahanap ka non ha?" ito na nga ba sinasabi ko! Itinuro nya pa talaga ako, sabay turo rin doon sa pwesto nila Myla. Ang lakas pa ng boses nitong tambay na si Derick. Naglingunan na tuloy ang iba.

Parang natahimik ang mga nagtatalo sa amin? May lumabas na nga ata ng gate.

"Sino yan?" Hindi pwede! Ayan na sya!

"Paraan na ho- makikiraan- bilis- tabi- padaan nga po!" naiiyak na yata ako, bakit ayaw nilang magpadaan?

"Christina stop!" ayokong lumingon. hindi ako lilingon.

"I said stop!" lumuwag luwag na ang daan. At tulad kagabi, tumakas na naman ako sa pamamagitan nang mabilis na pagtakbo.

Hindi nya ako pwedeng maabutan. Buti na lamang alam ko ang pasikot sikot dito. Kampante akong hindi nya ako mahahabol.

May limang eskinita rito. Tumingon ako saglit sa likod mukang wala pa sya. Lumiko agad ako sa pang-apat na eskinita.

Ayaw nya talaga akong tantanan. Nakakainis na!

Habol hininga akong napasandal sa pader. Hindi mapakali sa kakalingon magkabilaan. Dahan dahan akong naupo, hindi naman sa lupa syempre. Nakapatong ang dalawang braso ko sa tuhod. Hinahabol pa rin ang paghinga.

Kapag minamalas ka nga naman no? Nalaman pa kung saan kami nakatira e.

Kinuha ko ang mineral water sa bag ko, buti may tubig pa ko. Pagkainom ko ay mariin akong pumikit.

Naitsa ko sa gulat ang bote nang maramdaman ko ang paghawak sa kamay ko ng kung sino.

"Hindi ba sinabi ko naman sayo na di ako titigil hangga't hindi kita nahahanap?" isang malamig ngunit nakakakilabot na boses ang narinig ko galing kay Sir Nigel.

"Tama na ho, parang awa nyo na wala naman akong ginawang masama. Hindi nga ako yung tinutukoy mo!" pagmamakaawa ko.

Eh kesa manlaban pa ko, para namang may ipapalag ako. Magkabilaan ba naman ang guard na nakikita ko sa parehong banda.

"Please, I'm begging you. Wag mo na kong pahirapan pa. You're making things complicated." ano nang gagawin ko nito? Hindi ko sya tinitignan, kailangan ko mag-isip.

Subukan ko kaya ulit yung ginawa ko kagabi baka sakali lang namang makalusot ako.

Inapakan ko ng malakas ang paa nya, bahagya syang nagulat. May bahid ng sakit sa kanyang reaksyon ngunit hindi nya na nagawang bitawan pa ang kamay ko, mas humigpit lamang ang pagkakahawak nya.

"You just pushed me to my limit. Sorry, babe." nagulhan naman ako sa sinabi nya.

May isinenyas sya sa mga guard. Sa bilis ng mga pangyayari. Namalayan ko na lang ang pagkahilo, parang babagsak yata ako. Tuluyan nang dumilim ang paningin ko.

Mistaken OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon