Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Bakit nasa ibang kwarto yata ako? Iginala ko ang paningin sa buong paligid.
Napakalawak dito, mas malaki pa sa inuupahan namin ni Myla. Nasaan ba ako?
Hinawakan ko ang kanang bahagi ng ulo ko habang nakatungkod ang siko sa kama, sinusubukan alalahanin kung ano bang nangyari.
Hindi ba pauwi na ako tapos- hala! Nahanap nya nga ako? Dahan dahang lumaki ang dalawang mga mata ko, agad naman akong napatayo. Tumakbo ako papuntang pinto. Nakalock? Kinidnap ba ako? Kidnap na 'to e!
Dumiretso naman ako sa malaking bintana. Pasikat na ang araw, medyo may kadiliman pa pero kitang kita na ang liwanag. Buti na lang ay may orasan dito na nakasabit sa tapat ng kama.
Mag-aalasais na ng umaga. Mahabang oras ang naitulog ko?
Eh kung tumalon kaya ako dito? Kaso ang taas, ayoko pangmamatay!
Lumapit ako sa dulo ng kama at nanghihinang napaupo. Tulungan nyo po ko. Ninenerbyos n ako rito.
Naiihi na ako, tumingin ako ulit sa gilid. May isa pang pinto! Malamang banyo iyon, ganon naman kapag mayaman di ba? Nasa kwarto ang cr.
Wow! Pati banyo mas malaki pa rin kumpara sa tinutuluyan ko.
Naghugas na ako ng kamay, napatingin ako sa malaking salamin dito.
Nakapangmayaman na pantulog pala ako? Hindi ko man napansin kanina. Bigla na naman akong nataranta sa naisip. Sinong nagpalit ng suot ko? Kinidnap na nga ako, narape pa ko? Pero pakiramdam ko hindi naman.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto nitong kwarto. Nagmamadali akong lumabas ng banyo.
"Ayy! Ma'am, gising na ho pala kayo. Baba ka na po. Nakahain na ang mga pagkain. Hinihintay ka na rin po ni Sir Nigel." Napa nganga naman ako ngayon.
"Bakit po ako nandito?" tanong ko sa medyo bata pang kasambahay sa aking harapan.
Mabilis syang napaiwas ng tingin, tila nahihiya. Naiilang na ang itsura kanyang itsura. "Kayo naman ho, Ma'am. Nagbibiro na po pala kayo hehe." close tayo te?
"Ano nga?" naiinis na ako dito ha!
"Hindi nyo ho ba ako matandaan, Ma'am? Ako nga po nag-assist sa inyo ni Sir noong nagbakasyon kayo rito sa Pinas. Iilan lang kaming katulog ang nandito noon. Hindi nyo po ba maalala?" ate, may sira ka? Ang layo ng mga pinagsasabi mo, sa itinatanong ko. Napapairap tuloy ako.
"Hindi naman talaga kita kilala. Tyka bakit nga ako nandito? Alam mo ba?" nakakagigil na.
"Syempre po ikakasal na kayo ni Sir kaya dito na kayo." Kasal? Yan na naman yung kasal kasal na sinasabi. Hindi ako basta magpapatali sa hindi ko naman kilala! Kahit pa may itsura o napakayaman.
"Nasaan ang mga damit ko? Uuwi na ako!" hindi ko na hinintay na magsalita sya dahil mukang hindi naman sya saaagot. Agad na akong lumabas ng pinto.
"Ma'am Christina, saglit lang po!" mabilis ang pagsunod nya sa akin.
"Ayoko rito. Ayoko!" umalingawngaw na ang boses ko sa buong bahay.
May nakasalubong ako pababa ng hagdan, isang matandang babae, hula ko ay kasambahay din dito. "A-anong nangyayari?" tanong nya sa humahabol sa akin.
"Si Ma'am kasi eh." dalawa na silang natataranta sa paghahabol.
Mas nagmadali ako. Ano ba ito? Puro takbo na lang ako. Walang araw na hindi ko sinusubukan tumakas simula nang makilala ko si mister perpektong may tililing.
Laking tuwa ko nang matanaw ang pinto palabas. Salamat ho!
Bago pa ako tuluyang makalabas ay isang kulog na boses ang nadinig ko. "CHRISTINA!"
Napabagal ang pagtakbo ko pero hindi ako nagpatinag, kailangan kong makatakas.
Muli syang nagsalita. "Try to step out from that door. Sisiguraduhin kong kapag nahuli kita, sa kwarto ko na ikaw ikukulong" napatigil ako. Ano daw!?
Mabilis itong nakalapit sa likod ko.
"Good." bulong nya sa tenga ko na sinabayan nya pa nang marahang paghaplos sa isang braso ko na bahagyang nagpatindig ng balahibo ko.
"I won't let you go. Not anymore. Now, let's eat." hinigit nya na ang kamay ko. Hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng hapag kainan.
"Ano ba kasing kailangan mo? Ilang beses ko ba sasabihing hindi nga ako yung hinahanap mo!" umirap ako sa inis.
"Have some decency. Kumain ka muna, then we will talk later." at nagsimulang tumunog ang mga kubyertos.
Nakasimangot ako habang pinapanood sya sa pagkain. Nasisiraan ka na ba? Gusto ko tuloy isigaw yon sa kanya kaso hindi naman din ako sinasaktan o pinapahirapan, magmumukha lang akong baliw kung magwawala ako dito.
Medyo nararamdaman ko na ang pagkalma.
May pagkachinito pala sya, kitang kita ang pagkawala ng mata nya kapag ngumunguya. Pati ba naman yon, napapansin ko? Sumimangot tuloy ako lalo.
Tumigil sya sa pagnguya para tignan ako nang mariin. "Sabi ko kumain ka" talagang pa-utos ang pagkakasabi nya.
Masarap nga 'tong pagkain sa harapan ko kaso nakakawalang gana lang din kung ganito nasa ganitong sitwasyon ka.
Padabog kong kinuha ang kutsara't tinidor, nagsimula na kong kumain. Sana'y hindi ako mabulunan.
Nauna syang natapos kesa sakin, sakto namang may tumawag sa telepono nya kaya nagpaalam muna sya umalis para masagot ito.
Gusto ko ng umalis dito, naiilang na ko!
Pagkatapos ko kumain ay iginaya na ako ng kasambahay kanina upang makaakyat muli. Hinatid ako sa isang kwarto.
Opisina ito ha, opisina sa bahay? Iba talaga kapag mayaman. Inilibot ko lamang ang tingin sa kabuuan ng silid.
"Ma'am, umupo na muna po kayo. May kinuha lang po si Sir sa room nya. Kung may iba pa po kayong kailangan ipatawag nyo lang po ako." yumuko sya ng kaunti.
"Sige, salamat." walang kabuhay buhay na sagot ko, at tuluyan na syang naglakad palabas.
Mga limang minuto na siguro akong naghihintay kaya nakakainip na. Tumayo muna ko at lumapit sa isang estante. May iilang larawan ang narito. Lumapit pa ko mabuti para makita ng maigi.
"Woah! Ako ba 'to?" hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hinawakan ko ang isang picture frame.
Niliitan ko pa ang mga mata upang mas makita ang itsura ng babaeng kasama ni Sir Nigel sa litrato, sigurado akong iyon yung tinutukoy nilang Christina.
Medyo tan ang balat nya rito na malamang dahil lamang sa pagbabad sa araw, lagpas ng kaunti sa balikat ang kanyang buhok.
Itong hawak kong larawan ay magkayakap sila at nasa dalampasigan, palubong na ang araw. Ang ganda. Parang isang perpeksyon ang kuha nila.
Naputol ang pagtitig ko, at napasinghap nang may dalawang braso ang pumulupot mula sa aking likod.
Ipinatong nya pa ang kanyang baba sa balikat ko. Mas lalo akong naestatwa mula sa pagkakatayo.
BINABASA MO ANG
Mistaken One
General FictionAnong mararamdaman mo kung mapagkamalan kang ibang tao? Yung tipong kahit ipilit mong hindi nga ikaw ang tinutukoy, eh ayaw pa rin maniwala sayo. Siyempre nakakabaliw din yon! Kelila is just also an ordinary girl pero sa hindi inaasahang pangyayari...