"Isn't it beautiful, Tin? Remember that day? We were both happy." bulong nya sa kaliwang tenga ko.
Binalik ko agad ang larawan nila sa estante, at mabilis akong kumalas sa pagkakayakap nya. Napakurap kurap pa ko. Hindi ko alam kung saan ibabaling ang tingin.
"A-ano bang ginagawa mo? Lumayo ka nga sakin." sabi ko nang muling makabawi.
Nakita ko ang gulat sa kanyang reaksyon pero napalitan din agad ng.. nata- natatawang ekspresyon? Niloloko ba ko nito?
"When will you stop pretending that you don't know me?" natawa sya ng malakas. Sobrang lalim ng boses nya, para akong inaakit. Kahit naiirita ako, napapansin ko pa rin ang kagwapuhan nya. Tss
Napatigil sya at sinubukang umayos.
"Ilang beses ba ha? Ilang beses ko ho bang sasabihin na hindi-kita-kilala. At hindi-ako-yung-hinahanap mo. Pauwiin mo na nga ako!" pagpupumilit ko. Inemphasize ko talaga ang ilang mga salita para naman tumatak sa kokote nya.
Bahagya na naman syang tumawa. "Uwi? Ni hindi ka nga nakatira rito sa Pilipinas, but don't worry, this house will also be your home, so pwede ka na rito. You will stay here from now on." tila pinal na ang pagkakasabi nya.
"Alam mo? mababaliw na ako sayo! Ang kulit kulit mo!" halos masambunutan ko na ang buhok ko ngayon. Nakakafrustrate.
Pinitik pitik ko ang mga daliri ko habang nagmamadali mag-isip. "Ano. Ahh mabuti pa, ipaimbistiga mo na lang ako. Oo, tama! tutal mayaman ka naman di ba? Para tumigil ka na." Sana gawin nya na lang. Wala naman akong bad record para matakot di ba.
"Para saan pa? Hindi na ako maniniwala sa mga gawa mong kwento o impormasyon. Pangatlong beses mo na akong tinatakbuhan. At ano? lagi kang nakakagawa ng paraan para takasan ako. Well, not anymore babe." sinubukan nya akong hawakan sa kamay.
Suot nya ngayon ay isang dark blue polo shirt na mayroong tatak, at puting pantalon. Amoy na amoy ko rin ang kanyang panlalaking pabango.
Makapal pala ang kilay nya. Maayos din ang pagkakagupit sa kanyang buhok.
Mabilis naman ulit akong nakabawi. Medyo nadistract lang ako sa kanyang itsura.
"Bahala ka sa buhay mo. Bahala ka kung anong gusto mong paniwalaan, basta uuwi na ako."
"Dito ka na nakatira, or do you wanna go back to states?" halos walang emosyon sa kanyang mga mata ngayon.
"Ewan ko sayo, baliw!" hindi ko rin alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para pagsalitaan sya ng mga ganito e. Kapag high blood talaga ako, nadadala na lang ako.
Lalakad na sana ako papunta sa pinto kaso patay!.. ang daming pinto saan ba kami pumasok kanina nung kasambahay nila? Kainis naman. Bakit ba masyadong malaki itong bahay nila?
Muli akong humarap sa kanya. "Saan ang pinto?" nakasimangot kong tanong.
"Pinto saan? Alam mo namang may kwarto rin dito. Wanna stay there with me? Cuddle time, babe?" sabay makahulugang ngiti. Kanina seryoso tapos ngayon parang pilosopo. May tililing nga talaga itong isang 'to.
"Pinagsasabi mo? Aalis na ko. Uuwi na ko!" pinagkrus ko ang mga braso ko. Pinakita ko ang naiinip na ekspresyon.
"You mean, back to states?" humakbang sya dahan dahan palapit lalo sakin. Hindi ko gusto ang itsura nya ngayon para syang nang-aakit. Hindi na ata normal ang paghinga ko.
"Lumayo ka nga!" nilakasan ko ang pagtulak sa kanya. Didikit pa talaga.
Ayaw nyang ituro? Pwes, bahala sya! Lumapit ako sa apat na pintuan at isa isang sinubukan buksan.

BINABASA MO ANG
Mistaken One
Fiksi UmumAnong mararamdaman mo kung mapagkamalan kang ibang tao? Yung tipong kahit ipilit mong hindi nga ikaw ang tinutukoy, eh ayaw pa rin maniwala sayo. Siyempre nakakabaliw din yon! Kelila is just also an ordinary girl pero sa hindi inaasahang pangyayari...