Mistaken 3

1.5K 54 0
                                    

Maingay na bulungan naman agad ang narinig ko pagkapasok sa kusina. Syempre tungkol kay mister perpekto lahat ang usapan. Ang tindi rin nila kiligin e, baka mamaya mahimatay sila kapag nakasalubong yon. Bahagya naman akong natawa sa naisip ko.

"Bakit natatawa ka dyan?" puna sa akin ni Shiela. Nagtataka sa pagngisi ko.

"Kinilig din yan. Ayie!" panunukso naman ni Myla.

"Mga sira!" inirapan ko na lang sila, na binalewala naman din nila dahil nakipagtsismisan na sa ibang nagkukwentuhan.

Bigla namang dumating ang isang kasambahay ng mansyon. Mas iba ang suot niya kumpara sa amin, royal blue na may halong puti ang kanyang uniporme.

May pagkamahiyain ata ito. Hindi nya agad nakuha ang atensyon ng lahat sa hina ng boses nya kaya nilakasan nya kahit medyo nahihiya pa. "Excuse me, balik daw po sa trabaho maraming bisita ang kailangang aasikasuhin." nagmadali naman agad ang lahat sa pagkilos muli, maski ako e minadali na ang pagkuha sa drinks na ihahatid ko ulit.

"Hey, can I have one?" tanong ng isang lalaki sa likod ko. Lumingon naman ako at muntikan ng masamid sa sariling laway. Susme! Puro naggwagwapuhan talaga rito. Ang swerte ko naman kahit papaano. Inabot ko na agad ang inumin sa kanya bago pa ko tumulala nang matagal.

Ngumiti lamang sya at umalis na rin dahil may tumawag na babae sa kanya, di kalayuan. Nobya nya siguro. Sayang naman, taken na pala.

Pagod na ako kakalakad, wala talagang upuan itong trabahong 'to. Parang nanghihina na ako, di pa ako nakakakain. Muntikan na nga akong mahulog kanina sa gilid ng pool. Nako, kapag nagkataon napakalaking eksena non.

Lumapit ako sa isang table na walang tao, mailapag nga sandali itong tray. Nakakapagod na kasi. Paniguradong bagsak ako sa kama pag-uwi.

May sumenyas sakin na humihingi ng isang inumin kaya kailangan kong lumapit ulit. Kinuha ko agad ang tray, at sa hindi sinasadyang pangyayari ay mabilis kong nahila ang tray na dahilan nang pagkahulog ng isang baso. Patay! Nasa may bandang gitna pa naman ako nakapwesto ngayon.

Nagtinginan lahat ng malapit sa akin at sa mga nakakatanaw pa sa banda ko. Ano ba 'to. Ang shunga mo Kelila!

Humingi agad ako ng pasensya sa mga katabing lamesa. Pagkadampot ko sa nabasag ay lumingon ako sa paligid, nag-uusap na ulit halos lahat pero isang mata ang nakakuha ng atensyon ko.

Si mister perpekto! Naku talaga! baka paalisin ako nito. Hindi sya kalayuan sa pwesto ko. Kumunot lalo ang noo nya at pinagmasdan akong mabuti. Anong gagawin ko?

Kailangan magpatay malisya! Mabilis akong umiwas ng tingin nang mapansing humakbang sya ng kaunti. Hindi inaalis ang tingin sa akin. Nagmadali na akong maglakad.

Mapapadasal ka talaga sa ganitong sitwasyon. Lord, tulungan nyo po ko. Wala pa po kaming pambayad kay Aling Percy, may pinagkakautangan pa rin ako. Ayoko naman ho mawala itong 5k. Parang awa nyo na po!

Nararamdaman ko nang may sumusunod sa akin. Mas tumindi ang pagkataranta ko, baka sya na nga itong humahabol sa akin. Kahit napakaraming tao ay binilisan ko pa lalo ang paglakad, nakakahiya naman kung tatakbo ako di ba.

"Makikiraan po! Excuse me! Excuse!" bukambibig ko sa lahat ng madadaanang bisita.

Malapit na ako sa gilid ng stage. Mas maraming tao banda dito kaya malamang hindi na ako makikita.

Alam mo yung pakiramdam na sana masaya ka dahil hinahabol ka ng isang mala-greek god na lalaki, kaso hindi e, dahil alam kong mawawalan ako ng trabaho, at ng 5k ngayong gabi kapag naabutan nya ako.

Nadaanan ko pa ang may-ari nitong bahay, yung tatay ni pogi. Baka magsumbong yon. Susme talaga!

Teka, marami naman silang pera ha, parang isang baso lang na nabasag hindi na nila papalagpasin? Tinde naman oh! Sige Kelila, justify mo eksena mo kanina.

"Christina!" boses nya yun ah? Tanda ko agad kahit kanina ko lamang sya narinig sa stage. Ayaw ko na sana lumingon baka makita pa ako pero dahil sa kuryusidad ay tinuloy ko pa rin.

Pagharap ko ay mga nagtatakang tingin mula sa paligid ang napansin ko. Tuon ang atensyon nila sa kanya- lalo na sa akin?

Hinihingal pa sya. Bakas sa itsura ang pagmamakaawa.

Palapit na sya, at.. at.. at diretso sa akin ang tingin nya! Pwede na ho bang mahimatay dahil sa kaba at pagkamangha?

Kitang kita sa mga mata nya ang pangungulila, na parang umaasa?

Sandali, tama ba itong mga nakikita ko?

Ninenerbyos pa rin ako. Nakasunod sa likod nya ang tatay nya, medyo malayo naman ito sa kanya pero tanaw ko. Lalo akong nanghihina baka pahiyain nila ako rito.

Nang makalapit na sya sa akin nang tuluyan ay hinawakan nya agad ako sa magkabilang braso, hindi ako nakagalaw sa pagkagulat.

Mabilis nyang kinuha sa kamay ko ang tray na hawak at inilapag ito sa malapit na lamesa sa gilid namin.

Agad niya akong niyakap. Niyakap nya ko! Nanlaki lalo ang mga mata ko. Laglag din ang panga sa pangyayari.

"Christina!" pagtawag nya ulit sa akin? Hindi ko naman pangalan yon ha? Hindi ako makapagsalita. Teka, hindi nya ba ako pagagalitan sa nangyari kanina? Ano 'tong tinatawag nya sakin?

Mas humigpit ang yakap nya. "Wag mo na akong pahirapan. I love you. Please stop running away from me. I love you, baby." bulong nya sa tenga ko.

Kita ko ang atensyon ng lahat sa amin. Hindi ko na alam ang dapat na reaksyon. Ni hindi ko alam paano magsasalita. Ano bang nangyayari?

Gulat din ang itsura ng kanyang ama nang tuluyang makalapit sa amin. Ano bang problema ng mag-amang 'to? Nagsalita naman bigla ang matanda kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko. "Christina De Guzman?" tanong nya.

Pinilit kong kumalas mula sa mahigpit na pagkakayakap sa akin ni mister perpekto.

Sinubukan ko nang magsalita. "Hi-hindi ho Christina ang pangalan ko. Pasensya na po pero hindi ko kayo kilala." hindi naman talaga e!

"Stop pretending" bahagya akong nagulat sa mas lumalim na boses ng lalaking yumakap sa akin. Kontrolado ngunit dinig ang galit sa tono.

Ano raw? "Si-sir, hindi po ako nagpapanggap. Hindi naman talaga kita kilala." nagagalit na rin ako. Sya na nga 'tong biglang yumakap, sya pa galit! Baliw na ba sya?

"Son, let's just settle this inside baka lalo lamang kayong magtalo ni Christina." Isa pa 'to e. Kahit mayaman sila, mapapatulan ko na sila. Ang kulit! Sinabing hindi nga ako yung tinutukoy nila.

Binalewala nya lamang ang sinabi ng ama. "Bakit mo ba ko laging tinatakbuhan? I told you, I won't stop chasing you. You're my fiancè!" kahit kita ang galit sa kanyang muka, hindi nakatakas sa paningin ko ang parte ng pagmamakaawa.

HEP HEP HEP, ANONG SABI NYA!? FIANCÈ? PAKAKASALAN!?

"Anong fiancè? Aba, nbsb ho ako!" tinaasan ko na rin ang boses ko. Ako yata ang mababaliw sa kabaliwan nito e!

Mistaken OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon