"Paano nila nalaman? Bakit ngayon agad? Anong gagawin natin?" naghuhuramentado na sa kaba ang puso ko.
Kanina pa ko naghihisterikal pagtapos nya sabihing pauwi ang mga magulang ni Christina galing Amerika.
Bukas na agad ang dating, at gusto nilang dumiretso kung nasaan ako para makita.
"Calm down first. I need you to listen." anong kalma? e kanina nga sa telepono halos sya itong hindi natataranta.
At ano na lang ang gagawin ko? Wala akong idea sa pinaka dapat na gawin bukod sa magpanggap.
"Pupunta tayo sa unit nyo, so you can get all the things you need. You'll stay at my place tonight." diretso lang ang tingin nya sa daan, walang kahit anong ekspresyon.
Kailangan ba talaga? Kung sa bagay, mas makakabuti nga ata 'yon.
"Ngayon lang naman di ba?" may pag-aalinlangan sa tanong ko. Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para itanong pa ito.
"Actually.. it's better if you stay there, and be with me until the contract ends." umigting ang kanyang panga. Ano bang naiisip nito? Bakit kailangan doon na ko? Wala naman ata 'to sa usapan.
"Wala kong maalala na pinagkasunduan natin yan" at hindi ko na nga napigilan magsalita.
"Ang sabi mo kapag kailangan lang tyka ako pupunta sa tirahan mo, at hindi para magstay don na pati gamit ililipat!" pagpapatuloy ko. Paano ako kakalma nito? Nakakastress na nga yung gagawin.
"Yes, and obviously it's necessary. Mas safe kung alam nilang nasa iisang unit tayo, or else you will stay at their place. Gusto mo ba yon?" mas nagpanic naman ako sa huli nyang sinabi.
Pinakahuli ko atang pipiliin 'yon kung sakali. Ano na lang ang gagawin ko kapag naging ganon ang sitwasyon di ba? Mas lalo akong malalagot.
Hindi na ako nakasagot sa huli nyang litanya. Dahan dahan na kong sumandal sa inuupuan at malalim na bumuntong hininga.
Nilalagay ko na ang mga gamit na dadalhin ko sa lugar nya. Wala pa rin si Myla, nagpaiwan sya kanina. Ang sabi ko lang ay kailangan namin magkita ni Nigel dahil may emergency kamo.
Itetext ko na lang sya mamaya na hindi ako dito matutulog ngayon.. at sa mga susunod na araw. Mas maganda siguro kung tawagan ko na lang sya tungkol sa huli para mas maintindihan nya.
Pumasok ako sa banyo para kuhain ang toothbrush at toothpaste kong sachet.
Oo, pati toothpaste, malamang ay kumpleto sa gamit ang isang 'yon pero syempre magdadala pa rin ako.
"Tapos ka na ba?" rinig kong tanong nya nang kumatok sa pinto ng kwarto.
Lumabas na ko sa banyo at sumigaw. "Patapos na. Sandale!"
Naipasok ko na ang huling damit na dadalhin, tumayo ako ng diretso at tinitigan ang bag. Ano pa bang kulang?
Mukhang nailagay ko naman na lahat ng kakailanganin ko.
Isa na lang ang kailangan kong isipin. Paano ako haharap bukas sa mga magulang ng totoong Christina?
"So paano na bukas?" hindi pa rin ako mapakali. Sino ba namang hindi di ba?
Nilock ko na ang pintuan ng unit. Kinuha nya ang bitbit kong bag kaya nagulat ako ng bahagya.
Sumabay na ko sa paglalakad nya papuntang elevator.
"Wala ka masyadong kailangan gawin, just refrain yourself from talking too much. Anyway, nasa tabi mo lang din naman ako bukas." bumukas na ang elevator at pinauna nya akong pumasok dito.
"Paano kung magtanong tanong sila?" Anong sasabihin ko?" ang dami pang gumugulo sa isip ko na nais ko ring mabigyan ng kasagutan.
"They won't. I already told them that you just wanted to be alone that's why you chose not to contact anyone, including me." hindi nakatakas ang bahid ng lungkot sa huli nyang sinabi.
"Buti hindi na sila nagtaka or nagtanong pa?" napapaisip tuloy ako.
"Well, they also know Christina. It's not even questionable." ganong klase ng tao ba sya? Ano ba personality nya? Ang ganda ganda nya pero ang naiimagine ko ay masungit sya. Cold siguro lagi non.
Hindi na ako masyado nagtanong hanggang sa makapasok na kami ulit ng kotse.
Hindi kalayuan ang unit nya sa amin. Wala pa atang 20 minutes ang byahe.
Kung naloloka na kami ni Myla sa building pa lamang ng tinutuluyan namin, pwes dito pwede na kong mahimatay. Charot.
Masasanay na yata ako sa mga ganitong lugar. Mas lalo tuloy akong nangarap na magsikap nang makaahon ahon pa.
Nasa tamang palapag na kami ng building. Walang kahit sino sa amin ang umiimik. Busy din naman ako sa pinagmamasdan na paligid.
Binuksan nya ang pinto ng unit. Pagpasok pa lamang ay amoy ko na agad ang mamahaling pabango ng lalaki. Ginagawa nya bang air freshener ang pabango nya?
Bumukas ang ilaw. Naestatwa ako sa kinatatayuan. Ang lawak nito. Itim at kayumanggi ang nangingibabaw na kulay sa kanyang lugar.
Kita ko rin ang buong syudad mula sa pwesto ko.
Mayroon ding isang malaking pintura ang nakasabit sa pader pero hindi ko maintindihan. Magulo o hindi lang talaga ako marunong tumingin at bumasa ng pintura?
Napaka-manly ng lugar nya.
Napansin ko bigla ang hagdan sa hindi kalayuan. Ang taray, may second floor pa!
Tumikhim sya kaya napalingon ako sa kanyang banda.
"I have 3 guest rooms, pumili ka na lang kung saan ang magustuhan mo." Hindi ko na alam ngayon kung saan ibabaling ang atensyon ko. Sa paligid ng lugar na ito o sa mga mata nyang parang nanghihipnotismo.
Agad ko naman iniwas ang tingin ko nang mapagtanto ang iniisip. Hibang ka na, Kelila.
"Ah sige, para mailagay ko na rin ang mga gamit ko."
Naglakad na sya patungo sa hagdan. Bitbit pa rin ang bag ko.
Paakyat ay nagsalita na naman ako. Hindi ko mapigilan ang kuryusidad ko.
"Dito ka ba talaga magsi-stay? Akala ko don ka sa mansyon nyo?" wala naman masama sa tanong ko di ba? Tyka para alam ko na rin.
"Well, few years ago, I only used to visit there on weekends. Now I'm back, I prefer to do the same." iminuwestra na nya ang pangalawang palapag.
"Choose." tukoy nya sa mga kwartong pagpipilian ko.
Tingin ko ay pare-pareho lang naman ang mga ito kaya kahit saan na siguro.
"Doon na lang siguro" itinuro ko ang pangalawang pintuan sa kaliwa.
Napansin ko naman ang nag-iisang pintuan ng kwarto sa dulong bahagi ng kanan, tingin ko iyon ang kanya.
Kinuha ko na ang bag ko mula sa kanya nang makalapit na kami sa pintuan.
Binuksan ko ito.
"Call me if you need anything. I'll be downstairs." tumango na lamang ako bago tuluyang pumasok ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Mistaken One
Ficção GeralAnong mararamdaman mo kung mapagkamalan kang ibang tao? Yung tipong kahit ipilit mong hindi nga ikaw ang tinutukoy, eh ayaw pa rin maniwala sayo. Siyempre nakakabaliw din yon! Kelila is just also an ordinary girl pero sa hindi inaasahang pangyayari...