Ala sais pa lamang ng umaga ay gising na ako. Sa totoo lang parang wala rin akong naitulog.
Mismong kagabi rin kasi, pagkatapos ng pag-uusap namin ni Nigel, ay napagdesisyunan na ang paglipat namin ni Myla dito.
Kaya ito medyo makalat at hindi pa kami nakakapag-ayos kahit kaunti.
Nakahiga at nag-iisip ako buong gabi na inabot na rin ng madaling araw. Pinagninilayan ang mga bagay na nangyari, nangyayari, at mangyayari pa.
Kakayanin ko kaya ang lahat ng ito?
Ahhh! Ayoko muna masyado mag-isip baka mabaliw na ko nang tuluyan nito.
Pagkatapos ko maghilamos ay dumiretso na ko sa mini kusina nitong tinutuluyan namin upang makapaghanda na ng almusal. Maaga aalis si Maymay dahil may nabingwit yata na bagong trabaho.
Kinuha ko ang kawali at nagsimula nang magluto.
Hay. Tuluyan ko na ngang tinaggano ang offer kagabi kaya kasalukuyan kaming nandito. Kasabay din ng mga ito ay ang pagsang-ayon ko sa usapan namin ni Nigel.
Sa katunayan ay ihahatid niya raw dito ang kontrata mamaya.
Teka at mabalik na nga sa ginagawa ko.
Maiistress na talaga ako ng bongga.Binuksan ko ang ref para tignan kung ano ang pwedeng makuha at lutuin.
Laking gulat ko nang makita ang loob nito. Meron na agad mga laman, halos lahat talaga ay nakumpleto na dito. Napaghandaang tunay.
Eksaktong naghahain ako sa hapagkainan. Nilalapag ang mga kubyertos.
"Laging right timing ako ha!" masiglang bungad ni Myla habang naglalakad papalapit sa lamesa.
"Kunyari ka pa. Kanina ka pa gising no? Inantay mo lang matapos ako maghanda para makababa ka na. Wag ako te." pagbibiro ko habang patuloy sa ginagawa.
Rinig ko ang bahagyang pagtawa nya.
Umupo na sya sa katapat kong upuan nang tuluyang makalapit.
Maliit lamang ang lamesa, tama para sa apat na tao. Bumawi naman ito sa napakagandang disenyo na kahit simple ay elegante pa rin tignan.
"Hindi naman no" sabay sandok niya ng kanin.
"Ganda ata ng tulog mo? Ano meron?" puna ko naman sa kanya bago tuluyang maupo.
"Syemperd. Ikaw kaya, isipin mo nakatira ka sa isang napakagandang lugar tulad nito, di ka matutuwa? Tapos wala pang kailangang isipin na bayad. Shems bongga!" masyado nga talaga syang masigla.
Ngumunguya na sya nang magsalita muli.
"Teka nga rin. Bakit ikaw parang zombie naman ang mukha mo diyan? Di ka nakatulog ng maayos? Aba matinde ka, ateng!" kumunot pa ang noo niya habang umiiling.
Napailing din tuloy ako, parang hindi ko nakwento sa kanya ang usapan namin ni Nigel ha, o sadya lang talaga na wala itong pakelam?
"Paano ako makakatulog? Parang wala kang ideya kung anong dahilan ha" may pang uuyam na tanong ko. Sumulyap ako ng seryosong tingin bago kinuha ang tasa.
Sabay niyang ibinaba ang mga kubyertos at tumingin ng diretso sa akin. Tinigil ko muna ang pag-inom ng kape para salabungin ang tingin ng babaeng ito.
"Ateng, huwag baliw ha? Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo. I-enjoy mo na lang kasi ito, tyka madali lang iyong gagawin mo. Wag kj aber!" sabay balik ulit sa pagkain.
"Chill chill na nga lang tayo oh! Isipin mo, no bayad bayad sa ganitong kagandang lugar." dagdag nya pa sa isang masiglang boses muli.
Hindi ko na napigilan ang pag-irap ng mga mata. Mahina ko ring binigkas ang mga salitang "Bayad? May bayad kaya ito. Anong tawag mo sa gagawin ko?" sabay taas ng kaliwang kilay.
Magtarayan talaga kami nito buong araw.
"Hoy! Nasasapian ka na naman. Bubulong bulong tapos ikot ikot mata. Orasyon te?" ang aga mang-inis ng babaeng 'to.
"Oo! Para mawala ka na ngayon din. Dasalan pa kita ng latin" ganting pang-aasar ko.
"Ay? Paano ba yan, mamaya pa ko mawawala tapos babalik din mamayang hapon." sabay tawa. Baliw!
Alas otso na, at kakaalis lang ng impakta. Lagi na lang late.
Nandito ako ngayon sa sala at sinusubukang buksan itong tv. Napakalaki nga, pangmayaman talaga.
Nagtext kanina si Nigel maaga raw sya dadaan dito.
Kontrata. Kontrata. Kontrata.
Tumigil ako sandali sa aking ginagawa at tinignan ang kabuuan ng syudad sa isang malaking bintana na kaharap ko.
Lahat na lang ba talaga kailangan may kapalit? Makukuha ko ngang mabuhay ng maayos pero may kailangan naman akong gawin para maging kabayaran sa lahat ng ito.
Kailan ba darating ang araw na aasenso ako? Yung ako naman ang kakailanganin, at makukuha ko lahat ang aking gusto.
Masarap isipin na narating mo ang mga tinatamasa mong kaginhawaan kung tunay na pinaghirapan mo ito.
Hoy gising! Pangarap na lamang yan!
Pinagpatuloy ko na ang pagkalikot sa telebisyong na hindi naman sa akin pamilyar kung paano gamitin.
Ang huling tv kasi namin ay yung JVC pa, iyong medyo pa-black and white na ang screen dahil sa kalumaan. Susme.
May nakapa ako sa likod ng flat screen na ito. Ayon! Nagred na. Bukas na ata.
Nasaan na ba ang remote? Sa pagkakaunawa ko kailangan naman lahat ng tv 'yon, siguro unless sobrang high tech.
Pagbukas ng screen ay siya namang kasabay ng pagtunog ng pinto.
Malamang siya na iyon.
BINABASA MO ANG
Mistaken One
Ficción GeneralAnong mararamdaman mo kung mapagkamalan kang ibang tao? Yung tipong kahit ipilit mong hindi nga ikaw ang tinutukoy, eh ayaw pa rin maniwala sayo. Siyempre nakakabaliw din yon! Kelila is just also an ordinary girl pero sa hindi inaasahang pangyayari...