Mistaken 1

2K 45 0
                                        

"Choleleng!" masiglang bati nitong kasama ko.

May customer ngayon si Choleng, pero mukang patapos naman na siya sa paglilinis ng kuko nito, at mukha ngang maganda ang mood nya.

"O, Maymay anong ginagawa niyo ngayon ni Kelila dito?" tanong niya agad sa amin pagkalingon. Tumingin din sa amin iyong nililinisan nya ng kuko sa paa.

Pero bago pa makasagot si Myla ay sinenyasan na sya ni Choleng para hindi na magsalita. "Teka, hulaan ko. Magpapapalit ka na naman ng cutics?" napanguso siya pagkasabi non.

"Oo. Pwede libre? May raket kasi kami mamaya baka makabingwit ako ng rich, babalatuan kita ng pera kapag nagkataon." napapailing na lamang ako rito sa gilid niya habang tahimik na nakikinig sa kanila.

"Aysus, asa ka pa! Maniwala pa ko kung itong si Kelila ang makakabingwit ng ganon." napasimangot naman itong katabi ko.

Sumabat naman bigla itong nililinisan ni Choleng, may katandaan na ito siguro ay mga nasa trenta na. Hindi ko siya kilala, malamang taga kabilang barangay pa ito at napadayo lang sa kilalang manikurista rito sa amin.

"Makikisabat lang ha dahil naririnig ko naman ang usapan niyo. Saan ba yang sinasabi nyo? Baka pwedeng sumama ako!" hala, assumera itong si ateng. Pinaglalaban na may asim pa.

Tumawa naman nang napakalas si Myla. "Ate, wa-wala nang papatol sa iyo!" sabay hagalpak muli ng tawa. Bunganga talaga nito hindi mapigil e. Sumimangot tuloy si ate na may katandaan na.

"Para namang may papatol din sayo! Malamang wala pero sa kanya--" sabay turo sa akin. "For sure meron, kita mo naman maputi, makinis ang balat, at napakaganda. Kung titignan mo nga ay parang anak mayaman ka na eh." pagpupuri niya saken.

"Tsk! Tapusin mo na nga yan si Ale, Choleleng para matahimik na." mukhang barado siya. Napangisi tuloy ako.

Tumawa na lamang iyong dalawa. Bumili muna kami ni Myla ng softdrinks tapos bumalik na ulit kay miss manikurista.

"Tapos na agad?" pagtatanong ko.

"Oo. Kanina pa naman yun, pagkarating niyo ay patapos na talaga iyon. Nagpaclean clean lang iyon ng kanyang mga dalirs." inaayos niya na ang mga gamit.

"O, bilisan mo na Maymay at nang makapagpahinga na ako." Sabay lapag ng maliit na tuwalya sa kanyang hita.

Mabilis namang umupo ang kasama ko at sinimulan na siyang linisan.

"Ayusin mo ha. Tandaan mo may balato kapag nakakuha ako ng meyemen!"

"Oo na! Ikaw ba Kelila, ayaw mo? Libre na lang ito." nakangiting sabi sa akin ni Choleng.

"Wag na. Hindi naman kailangan."

"Sa bagay, maganda ka naman na kaya di mo na kailangan magpaganda pa kahit mga kuko lang." patuloy ang pagtanggal niya sa cutics ni Myla na watak watak na.

"So, anong pinapalabas mo?" mataray na tanong ni Myla sa kanya.

"Alam mo na." kumindat sabay tawa naman yung isa.

Kadarating lamang namin ngayon sa isang sikat na subdivision dito din sa Makati, mga 15 mins lang naman ang byahe galing sa amin.

Mag-aalasingko pa lamang pero sabi nga raw ay dapat dalawang oras bago magstart itong party ay nandito na lahat ng mga staff.

Abalang abala ang lahat. Napakaganda nitong bahay, sobrang yaman nga talaga ata ng may ari.

Pagpasok ng gate ay mamamangha ka na pero mas nanlaki ang mga mata ko nang makapasok na kami sa loob ng bahay.

Makalaglag panga ang kagandahan nito at napakalaki, nainlove ako sa itsura nung ano ba iyon? Yung nakasabit sa kisame, yung parang malaking ilaw, teka alam ko ito e.. Ca- cha- chadel- chandelier ata. Oo, iyon nga! Mamahalin talaga.

Nakasunod kami ngayon sa mayordoma nitong bahay papunta sa may bakuran, tingin ko ay mabait naman siya. Kahit matanda na ay maamo pa rin ang kanyang mukha.

Patuloy ang pagkamangha ko sa kabuuan nitong malapalasyong bahay habang naglalakad.

"Ateng, ganda no? Sure na sure akong maraming rich dito mamaya baka bukas milyonarya na ako!" bulong ni Myla sa akin, parang nangingisay naman ito sa kilig, sinusubukan niya magpigil para siguro hindi mahalata nitong kasama namin.

"Ano ba yang pinag-iisip mo!Focus muna sa tayo sa trabaho ha?" pagpapaalala ko sa kanya.

"Tss! KJ. Oo na!" at nanahimik na nga sya.

"Dito kayo magseserve mga ineng." sabay turo niya sa napakalawak na bakuran nitong bahay.

Ang laki ng swimming pool at napansin ko rin ang napakaraming mga lamesa at upuan. Ang ganda ng pagkakaayos.

Oo, dati nagpa-part time rin kami sa mga party pero hindi sa ganito kayaman at kagarbo.

Ang swerte nga naman talaga ng ibang tao. Nawa'y marunong silang magpahalaga.

"Uy, tama na ang pag nganga dyan. Akala ko ba trabaho muna?" nakacross arms pa na sabi ni Myla. Tumingin ako sa paligid namin, umalis na pala ang mayordoma.

"Huh? Ah- sisige halika na." at nagsimula na akong maglakad muli. Bigla naman niya akong hinablot sa braso.

"At saan ka naman pupunta? Tignan mo talaga 'to, nabaliw ka na ata e. Dito ho tayo at nang makapagpalit na raw tayo ng uniporme." sabay lahad niya ng tamang daan.

"Sabi ba?" wala sa sariling tanong ko.

"Hindi ka talaga nakikinig. Let's go!" sabay hila niya sa akin pabalik sa loob ng mansyon. Napakamot ulo na lamang ako.

Pumasok na kami ulit sa mansyon, nasa gilid lang naman ng unang palapag, itong may kalakihang kwarto para sa mga staff. Marami kaming kababaihan dito. Mga magwa-waitress din siguro.

Sa pagkabongga ba naman ng handaan na ito, syempre kailangan maraming mag-asikaso sa paniguradong dami rin ng bisita.

Nagkukwentuhan ang iba nang may lumapit sa amin ni Myla.

"Hello! Ako pala si Shiela." sabi ng isang babae na sa tingin ko ay kaedad din namin. Mukang masayahin siya, base sa itsura pa at tono ng boses.

"Hi!" sabay naming bati sa kanya.

"Uy, gwapo ba yung anak nitong may ari?" pag-uusisa agad ni Myla. Ano ba naman itong babaeng 'to, iyon agad ang tanong? Walang paawat.

Kanina pa iyan, tinatanong ako kung gwapo ba raw kaya at kung ilang taon na. Baliw talaga, para namang alam ko ang sagot.

"Oo, di mo ba nakita yung picture sa sala kanina?" kinikilig kilig na sagot niya.

"Saan don? Di namin nakita. Ang laki kasi nitong bahay." sumali na rin ako sa usapan nila, tutal nagtataka na rin ako e.

"Life size kaya yung picture. Mamaya pa naman magsisimula, dali samahan ko kayo. Ituturo ko lang saglit." at mukang kinikilig pa rin sya.

"Sige, dali!" parang nangingisay na itong kaibigan ko.

"Ay, teka magpalit muna tayo ng uniporme baka bigla ba tayong ipatawag." pagpigil ko sa kanila bago namin tuluyang tignan iyong tinutukoy na larawan ni Shiela.

"T-tama, tama!" pagsang-ayon naman naman nila.

Mistaken OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon