"Hop in" sabi ng isang gwapong nilalang pagkatapos nya ko pagbuksan ng pinto mula sa loob ng kanyang kotse.
Natulala ako sa gulat buti na lamang ay nakabawi agad ako. Anong ginagawa nya rito?
"A-ano?" pakurap na tanong ko.
"I said hop in, and we'll talk about something important." maawtoridad nyang saad.
Nagulat naman ako nang bigla nag-ingay ang busina ng mga kasunod na sasakyan.
May lalaki pang sumilip sa bintana sa kasunod na kotse nya.
"Miss pwede ba kung magtatalo kayo ng boyfriend o mister mo, wag naman dito. Nagmamadali kami!" hala, galit na ata si kuya.
Bandang dulo lang yata ang nagregister sa isip ko kaya nakuha ang aking buong atensyon.
At bago tuluyang magproseso sa utak ko ang ibang sinabi ng mama, nagsalita na ang nasa harap ko.
Lumingon naman agad ako kay Nigel na nasa loob pa rin ng kotse. "Pasok na kasi!"
Wala na nga akong nagawa. Nakakahiya naman na kasi di ba? May mga naabala na.
Pagkaupo ko ay sinara ko nang mabilis ang pinto ng kotse. Umayos ako ng upo at tumingin ng diretso sa kalsada.
Hinawakan na nya ang manibela at bago pa tuluyang mapaandar ang kotse, hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.
Mga halos labing limang minuto na kami dito at wala pa ring kahit anong imikan.
Kaya napagdesisyunan ko nang mauna. Wala ata syang balak bumigkas kahit isang salita.
"Ano ba talagang kailangan mo?" hindi ko alam bakit natetense na ako kapag kasama sya.
"Few more minutes and we'll be there." diretso lang ang tingin nya sa daan.
Hindi nya naman sinagot ang tanong ko, kaya di na lang ulit ako nagtanong. Pinagmasdan ko na lamang ang mga nagtataasang gusali na nadadaanan namin.
Mga ilang minuto pa bago kami pumasok sa parking lot ng isang magandang building.
Hindi ko namalayan ang paglabas nya nh kotse. Mabilis syang nakaikot para pagbuksan ako ng pinto.
Wala pa ring kahit anong usapan nang pumasok kami sa loob ng building.
Mayroong isang babaeng morena ang sumalubong sa amin sa lobby.
"Good evening Ma'am-- Sir. This way please." nilahad nya ang kamay at nauna na maglakad upang igiya kami sa tamang daan na hindi ko rin alam kung saan patungo.
Kung kanina naguguluhan pa ako, ngayon alam ko na kung nasaan ngakami, at kung anong meron dito.
Nabasa ko kasi sa name tag nitong babaeng naka-uniform ang mga katagang Forto Victorino.
Hay nako.
"Thank You." sabi ni Nigel pagkabukas ng pinto. Nasa tapat na kami ngayon ng isang kwarto rito.
"I'll go ahead, Ma'am-- Sir. Enjoy." ayon lamang at umalis na ito.
Pumasok na kami sa loob. Naunang naglakad si Nigel samantalang ako ay parang lutang sa bagal ng lakad. Pinagmamasdan ko kasi ang napakagandang lugar na ito.
Siguro sa kanilang mayayaman normal lang ito pero sa ibang tulad ko, syempre hindi.
Nakapunta na ako sa mga ganitong lugar dahil sa part-time kong paglilinis. Ang isa pa na hindi ko pa rin lubos maisip, na ito iyong tinutukoy na lilipatan namin.
"This will be yours if.." mabilis nabaling sa kanya ang atensyon ko nang magsalita sya. Nakaupo na sa sofa at hindi inaalis ang tingin sa akin. Sinasabi ko na eh, ito yung nasa text kay Myla!
"If ano?" malamang mababakas sa itsura ko ang pagkalito. Gulo at walang ideya sa kung anong balak ng isang ito.
"If you will help me." mas sumeryoso ang tingin nito sakin. Hindi ko mahinuha kung anong klaseng emosyon ang meron sa mga mata nya.
"Pwede ba diretsuhin mo na lang ako?" nakakairita kaya kapag putol putol ang sinasabi.
"Maupo ka muna." mabilis naman akong kausap kaya pumwesto agad ako sa malapit na upuan sa banda ko.
Tinaas ko ang dalawang kilay, hudyat na ituloy nya na kung ano man ang gusto nyang iparating.
"Christina is nowhere to be found, even her family don't know where she is. No one knows of her whereabouts. Malapit ako sa pamilya nya and I made a promise to her younger sister, Gayle, that I'll bring her back." teka? ano namang kinalaman ko don ngayon?
"Oh? Ano na namang kinalaman ko?" huwag nyang sabihin sakin na tama ang nasa isip ko.
"You'll pretend na ikaw sya, don't worry, this is only for a short period of time." nahihibang na ba sya? Ang lakas din yata ng sapak nito para humingi ng ganong pabor sa akin.
Hindi ko makuha ang mga tamang salita na bibitawan para sa sinabi nya.
"Think of it. Your life will be easier cuz I'm willing to give everything to you." hindi mababakas ang takot o pag-aalala na baka hindi ako sumang-ayon sa nais nya.
Para naman akong nahihipnotismo sa mga titig nya. Hindi ito ang tamang oras para pansinin muli ang buong detalye ng mukha nya.
"Paano magiging madali? E obvious namang mahihirapan ako lalo!" totoo naman ah!
"Just please.." hindi ko muna sya pinatapos sa pagkakataong ito.
"Pwede ba, tapos na ko magpaliwanag sa inyo na hindi ako sya. Tapos ano 'to? Pagpapanggapin mo pa ko? Sa pamilya pa ng babaeng iyon. Bakit ka pa magsisinungaling sa kanila ha? Bakit hindi mo na lang antayin kung kailan babalik o kung babalik talaga yung Christina na yan!?" mahaba kong litanya. Bahagya kong hinahabol ang paghinga ngayon.
Mabigat ang paghingang ginawa nya.
"Look, I've caused them a lot of pain, dahil din sakin kaya nagpakalayo si Christina. Her family is starting to get mad at me. Napamahal na rin sila sakin and I promised na ibabalik ko sya."
"Oh e di hanapin mo na, hindi yung idadamay mo pa ko dyan." naiirita kong saad. Magkanda hirap hirap na lang kami kesa maipit ako sa ganitong sitwasyon.
Ang dami dami nilang pera, hindi nya mahanap.
"Mahahanap ko rin sya, but please maikling panahon mo lang naman ang kailangan para magpanggap. Mas bibilisan ko pa ang paghahanap sa kanya." Seryoso ba talaga sya?
"Ayoko." matigas kong sagot.
"Let's make a deal, a contract if you want. Alam kong gipit ka ngayon, so you can't just ignore this offer." tinatakot ba ko nito? Napaka-ano ha!
Napaisip tuloy ako lalo. Siguro naman hindi magtatagal ang paghahanap don sa babaeng iyon. Hindi naman din siguro ganoon kahirap ang gagawin ko.
Oo, problemado na nga ako ngayon sa buhay.. mas papahirapan ko pa ba ang sarili gayong may ganito ng oportunidad?

BINABASA MO ANG
Mistaken One
Ficción GeneralAnong mararamdaman mo kung mapagkamalan kang ibang tao? Yung tipong kahit ipilit mong hindi nga ikaw ang tinutukoy, eh ayaw pa rin maniwala sayo. Siyempre nakakabaliw din yon! Kelila is just also an ordinary girl pero sa hindi inaasahang pangyayari...