Mistaken 11

1.2K 34 0
                                    

Ngiting ewan ngayon ang babae sa harap ko. Inihagis ko sa kanya ang damit na kasalukuyang tinutupi.

"Hoy!" tumingin naman agad ito sa dako ko, lalong lumaki ang kanyang pagngiti.

Mabilis siyang nakalapit sa akin. "Solved na!" impit sa tuwa na sabi nya. Abot langit ang saya nya.

"Teka nga. Di kita maintindihan" pumaywang pa ko habang nakakunot na nang bahagya ang noo.

Umayos ito sa pagkakaupo pero halata ang pagpipigil nya ng ngiti at pagiging galawgaw. "Di na natin problema ang lilipatan, ateng.." marahan nya pa kong tinapik sa braso.

Pinaningkitan ko sya ng mga mata "Pa-paanong-?"

"Ayy nako." kinuha nya agad ang cellphone na kaninang nilapag. Pinagmasdan ko lang ang kanyang mga kilos.

Inabot nya ito sa akin. "Ayan! Basahin mo."

Ginawaran ko sya ng tingin na puno ng pagdududa. Inunat ko muna ang likod bago tuluyang tumingin at binasa ang mensahe na nais nya iparating sa akin.

Magandang hapon, Ms. Mabangtol and Ms. Santiago. I'm Ñeli Cruz from Forto Victorino, BGC. Pinapasabi po ni Sir na ayos na po ang unit na lilipatan nyo. Anytime po ay pwede na kayong pumunta. I'll be the one to assist yo--- *some texts are missing*

Pusanggala! Palibhasa pulubi rin ang cellphone ng chakang ito. Nasome texts are missing  pa, e hindi pa nga ganon kahaba.

Mas lalong kumunot ang noo ko sabay baling ng tingin kay Myla. "Scam yan!" sinubukan ko nang ibalik sa kanya ang cellphone.

Psh. alam ko na kung sinong Sir iyon. Hindi ako tange no, iisa lang naman ang kilala kong pwede gumawa non para sa amin.

"Gaga. Hindi kaya!" at talagang ipinakita nya pa ang pag-irap ng mga mata bago hinablot ang cellphone nya na hawak ko pa rin.

"Wag ka nga naniniwala basta basta. Mamaya mga kidnappers na yan o mga kriminal!" ipipilit ko itong pagdadahilan ko kahit mukang nakakatanga lalo.

Maghanap na lang kami ng ibang matutuluyan kaysa magkautang na loob doon, at mamaya may kapalit pa. Mahirap na noh!

"Aba! Sige nga further explanation." Aba ka rin. Inenglish pa ko.

Napaangat ang sulok ng labi ko "Ah basta. Di tayo lilipat dyan. Kaya natin maghanap agad ng iba!" Ayoko na makipagtalo, dagdag problema pa ito.

Pumalakpak pa si Myla at humakbang ng kaunti palapit sa akin. Tila nang-aasar ang kanyang ekspresyon.

"Sige nga, saan ka kukuha ng pera ngayon?" ayan nagtaray na sya. "Choosy ka pa. Nandyan na nga ang biyaya, nasa harap mo na. Grab it!"

"Basta maghahanap tayo ng iba. Tiwala lang kasi, masyado kang nega." tumunog muli ang kanyang cellphone. Pareho kaming napalingon doon.

"O, ito na yung kadugtong." halos mag-360 na naman ang mga mata ko sa pag-ikot.

"Ano?" kuryoso ko pa ring tanong.

"Address lang pala." hay nako.

Kanina pa ako palakad lakad, di ko na nga alam kung nasaan na ko banda. Saan na ba ko napadpad?

Tinawagan ko na lahat ng mga kakilala namin na maaaring makatulong ngunit wala talaga. Wala pa rin akong mahanap kahit bedspace man lang.

Ang init pa, tagaktak na ang pawis ko at naririnig na rin ang pagkalam ng simura.

Pagkatapos ko mag-ayos kanina ng mga gamit ay napilit ko naman si Maymay na maghanap ng ibang malilipatan pero syempre may kundisyon ang impakta bago tuluyang pumayag. Kung sakaling wala raw talaga kami mahanap, alam na.

Pasado ala singko na. Patuloy ang paglalakad ko nang may nakita akong naglalako. Nako, mga kakanin at may palamig pa.

Mabilis akong naglakad patungo doon. Agad kong kinuha ang munting pitaka at binilang kung magkano na lang ang perang laman, halos puro barya na lang ata ang nandito.

"Manang, magkano ho sa biko?" takam na takam na talaga ako. Mamaya yata ay hihimlay na ako sa kalsada.

"Sampung piso, 'day. Ilan ba?" pagtatanong din ng matandang tindera.

"Isang biko po tapos magkano rin po dito sa sapin sapin?" tinuro ko pa ang isang nais.

"Ganoon din. Isa din ba?" magiliw na tanong ni manang.

"Opo, tyka limang piso po sa palamig." sapat na siguro ito pangpalipas gutom.

Kanina ay nasa singkwenta pa ang pera ko pero dahil nakapagdesisyon akong bumili, tuluyan na itong nabawasan.

Sakto na ang natira para sa pamasahe pauwi.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Tulala sa daan habang napapaisip ng maraming mga bagay, at isa na doon ang salapi.

Magagalaw ko ng wala sa oras ang mga naipon ko, ganon rin para kay Myla, kung sakaling makahanap na talaga kami ng ibang malilipatan.

Kailangan masiguro naming mura ang makukuhang tirahan dahil kung sakali ay wala na talagang matira sa amin.

"Magandang hapon po. May available pa po ba sa bedspace nyo?" tamang tama may natanaw kaagad ako na nakapaskil dito sa labas ng kinakatayuang gate.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at nagtanong na agad.

"Meron pa naman. Mag-isa ka lang ba?" sabay tuloy sa pagnguya ng bubble gum. Mukhang mataray pero hayaan na basta makahanap.

"Dalawa po sana kami ng kaibigan ko." patuloy ko sa pagsagot ng kanyang tanong.

"Isa lang available ngayon." mataray pa ang pagsagot.

Makaalis na nga. Hindi marunong mag-entertain ng customer. "Sige ho, salamat na lang po."

Ugh. Gusto ko ng mabaliw. Napapagod na din ako.

Pakiramdam ko lantang gulay na kong naglalakad ngayon. Malapit na gumabi. May nahanap na kaya si Maymay? Gusto ko mang tawagan ang isang yun kaso wala nga akong load.

Tatawid na sana ako sa kabilang kalsada nang tumunog ang pinakamamahal kong nokia.

"Oh? meron na kaya?" umaasa kong tanong sa kabilang linya.

"Wala pa rin, ateng" tila pagod na rin ang tono ng nasa kabilang telepono na kausap ko.

"Saan ka na?" balak na yata nyang tumigil sa paghahanap.

"Pauwi na. Te, sumuko ka na rin! Susme, parang awa na, inday!" huminga ako ng malalim. Hindi pwede eh.

"Kaya ko pa. Sige na, tatawid pa ko, baka sakaling may makita ako sa kabilang ibayo rito." walang susuko, ayan ang motto ko ngayon.

"Bahala ka na. Babush!" bakas na ang kaunting pagkairita sa boses nya bago tuluyang binaba ang tawag.

Umandar na tuloy ang mga sasakyan.

Inantay ko na lang ulit magstoplight, parang wala na naman sa sarili at nakatitig sa kawalan.

Nagulat ako nang may biglaang tumigil na kotse sa harapan ko. Umatras ako ng bahagya at napalingon lingon sa paligid.

Mistaken OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon