Mistaken 8

1.3K 45 0
                                    

"Kaya ayon na nga.." katatapos ko lang magkwento kay Myla. Hay.

Nakakaloka rin ipaliwanag ang lahat ng nangyari.

"O, wag ka namang ngumanga dyan. Ang dami ko kayang pinagsasabi." pumitik pitik pa ko sa ere para matauhan sya.

Napakurap sya ng tatlong beses "Ah, e pasensya naman. Grabehan na ito te! Di ko talaga keri. Pramis!" Pinaypay nya ang kaliwang kamay na para bang hindi makahinga.

Napaikot naman ang mga mata ko. Kahit ako rin naman hindi na alam ang gagawin.

"Pero isipin mo te ha. Jackpot ka na don, in fairness mukha ka naman kasing mayaman kaya malamang hindi nila iisipin na dukha ka. Ano kaya kung magpanggap ka na lang?" nahihibang na ba 'tong kausap ko? Wala ata akong makukuhang matino rito.

"Baliw!" tumawa naman sya. Nagawa pa talaga nya.

"Paano ba yan, doon ka na titira di ba? " nakakrus na ang mga braso nya habang nakatayo at nakatingin sa akin ng diretso.

"Ewan ko ba, basta ayoko nga. Aysh, ang gulo!" ginulo ko lalo ang buhok ko. Bakit ba ko napasok sa sitwasyon na ito?

"Para namang may magagawa ka? Kung ako sayo, impake na! Baka biglang sumulpot yon at kunin ka na agad dito." biro nya. Ayan na naman sya, natatawang muli sa pang-aasar.

Huminga muna ako nang malalim.

"Bahala na nga! Basta pinaiimbestigahan na ako ni Sir Nyle kaya malamang maniniwala na yon."

"Sana nga lang.." sarkastiko nya pang sagot.

"Wag ka ngang nega. Nakakainis ka naman!" napapairap na talaga ako sa kausap ko. Suportado ako e.

Kinabukasan ay hindi na ako nakapasok sa karinderya. Kaninang umaga kasi ay may pinapuntang babae rito si Sir Nyle para sabihin sa aking mag-uusap daw kami sa isang coffee shop pagkatapos ng kanyang meeting sa opisina.

Pumunta muna ako kay Manang Pasing para humingi ng pasensya dahil hindi ako nakapasok kahapon tyka nagpaalam na rin ako na may lakad akong importante ngayon. Mabuti na lang at mabait sya kaya pinayagan ako.

Hindi ko alam kung saan ibabaling ang tingin ko. Andito na ako sa sinasabing coffee shop na pagkikitaan namin ni Sir Nyle.

Pinasundo nya ako ulit kanina doon sa babaeng pinapunta nya pero may kasama na ring dalawang bodyguard.

Tulad nang madalas kong suot. Nakasimpleng pantalon at light pink t-shirt ako. Ibang iba sa mga nakikita kong babae rito na nakadress talaga.

Pusturang mayaman lahat.

Gusto ko sana kuhanin ang cellphone kong nokia 3350 sa dala kong maliit na bag para sana maglaro ng snake II o kaya space impact, panlibang man lang.

Wala naman kasi akong load para makipagtext.

Mas kahiya hiya rin naman kung ilalabas ko pa ito kaya sa huli ay nanatili na lang akong tahimik.

Buti na lang at hindi na ako gaano naghintay pa nang matagal dahil dumating na rin si Sir Nyle.

Tatayo sana ako upang bumati ngunit sinenyasan nya akong maupo na lamang.

"Naghintay ka ba ng matagal? Pasensya na iha at naextend ang meeting namin." pagpapaliwanag ng matanda sa akin bago tuluyang umupo sa katapat kong upuan.

Ano bang gusto nyang pag-usapan namin ngayon? Nakakapagduda na ito e.

"E hindi naman po, ayos lang." ngumiti ako ng bahagya.

"Umorder muna tayo." tumawag na sya ng waiter bago pa ako makatanggi.

Hayaan na nga, gusto ko rin naman makatikim ng mamahaling pagkain.

"Ahm, mawalang galang na po pero ano po bang pag-uusapan natin ngayon?" nagtataka kong tanong. Tahimik lang kasi kami pagkatapos umorder.

"Oh, sorry nagmamadali ka ba Ms. Santiago?" muka naman syang nag-alala bigla. Namisinterpret nya yata ako.

"Ah hindi ho. Gusto ko lang po malaman na." nakakanerbyos kasi.

Saglit nga, anong sabi nya? Santiago? Alam na nya ang apelyido ko?

"Kilala nyo na ho ako?" pagtatanong ko. Bakas ang pagkagulat sa aking muka.

Ngiti ang naging tugon nya sabay punas ng bibig bago may kinuhang mga papeles sa dala nyang folder kanina.

"Yes" sabi nya nang nakatingin na sa akin. Itinuon nya na muli ang mga mata sa hawak na mga papel.

"You are Ms. Kelila Topia Santiago, turning 24 the day after tomorrow. Living in Bangkal, Makati City. You're an orphan. You've been raising yourself for the past five years. Nagtatrabaho ka sa isang karinderya, and you also have part time jobs. Hanggang 2nd year college ka lang dahil hindi mo na kayang tustusan pa ang pag-aaral mo. Nangungupahan ka lang din. And so on.." dahan dahan nya nang inilapag sa mesa ang mga hawak.

Ako naman ay napatunganga. Nalaman nya na agad yon? Ang bilis naman, kahapon pa lang ah.

"A-alam nyo n-na po agad?" nauutal pa ko.

Tumango tango naman ito habang nakangiti. "I have connections, iha."

Ilang segundo pa ay nahimasmasan na ako at nagsalita muli.

"Nan-naniniwala na po kayo?" pumikit pa ko nang matiim, at pinagkrus ko pa ang mga daliri sa ilalim ng mesa.

Narinig ko naman ang pagtawa ng bahagya ni Sir Nyle.

"Yes, yes." dumilat na ako at ngiting ngiti.

Bumilis pa ang tibok ng puso ko sa sobrang tuwa. Sa wakas, tatantanan na nila ako. Babalik na sa normal ang buhay ko. Sa nagdaan na iilang araw ay halos mahimatay ako sa kaba dahil sa kanila e.

"Titigilan nyo na po ako? Alam na po ba 'to ni Sir Nigel? Nako, salamat po talaga at pinaimbestigahan nyo ko." alam kong mukhang engot lang ang huli kong sinabi pero ano naman ngayon, wala naman akong kasalanan o ibang tinatago.

Nakita ko ang biglaang pagseseryoso sa kanyang itsura.

"I'm really sorry sa inakto ng anak ko sayo. He's just depressed, frustrated or whatever you may call it." sumeryoso na rin ang mukha ko.

"Ayos lang po." sabi ko sa kanya, at pilit na ngumiti.

Dahil nagtataka na rin ako, hindi naman siguro masama ang magtanong na kaunti.

"Sir Nyle, bakit po ba ganon si Sir Nigel? Ano po bang nangyari?" oo na, ako na chismosa! Ayos lang naman kung tumanggi sya sa pagkuwento.

Umayos sya ng pagkakaupo, mas naging seryoso pa ang mga mata nya.

"Christina is Nigel's fiancé, and she really looks like you, iha." alam ko na iyan, nakita ko pa nga iyong picture nila.

Muli syang huminga nang malalim bago ipinagpatuloy ang sinasabi.

"Sa states sila nagkakilala. They loved each other pero habang tumatagal napapalayo ang loob ni Christina kaya gumawa ng paraan si Nigel, and he proposed." kumunot ang noo ng matanda.

"Sinagot naman sya ni Christina. I'm honestly disappointed dahil tinanggap nya pa ito kahit alam kong pinapaasa nya na lamang ang anak ko." kitang kita ko ang dismaya sa kanyang ekspresyon.

Nanatili akong tahimik upang makinig.

"Everyone knows that she's losing her feelings for him pero si Nigel ay naniwala na maaayos pa nila ang lahat lalo na kapag ikinasal na sila." hindi ko na alam ang dapat na reaksyon ko sa mga nalaman.

Naging mas interesado tuloy ako sa buhay ng dalawang yon. In fairness ha, ang bongga ni Sir, talagang kinuwento nga sa akin ang buhay ng anak nya. Chos!

Dumating na ang inorder naming pagkain kaya naputol ang pagkukwento nya.

Sumubo muna ako ng cake dahil nakakatakam na ang amoy nito. Medyo kumakalam na rin ang tyan ko.

Uminom muna si Sir Nyle ng juice bago muling nagsalita.

Mistaken OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon