Chapter 37 Camp: Trauma

3K 45 1
                                    

*PFFTT [M/N:tunog po nang pito]

''Ready..Get..Set..Go!'' At lahat nga kami pumunta sa Dagat. Nasa seaside kasi kami pero medyo malayo. Tapos, tatakbo kami pag narinig namin ang salitang GO!. Tapos, hahanapin yung mga Flags. Color Silver yung flag namin ni Kenneth. 

Sabay kaming tumakbo ni Kenneth. Whoo! Wala lang -.-

Nasa Dagat na kami ngayon. Medyo tirik na tirik yung araw. Maligo pa naman nang 12Pm? Naku! Baka paguwe ko negra na ako.?

Sumisid lang kaming dalawa. 

Langoy...

Langoy...

Sisid...

Sisid...

Pagkahanap ko nang isang Silver Flag. Hinanap ko nang tingin si Kenneth.

Teka? Asan siya? Parang wala na din gaanong tao ang nasa ilalim nang tubig. Umahon ako nang kunti. Nakita kong nagsisiahunan na sila. Lalangoy sana ako nang...

Ouch!

Teka!

Pinupulikat ako. Wah! Masakit! Hindi ko magalaw yung buong katawan ko. Pangalawang beses akong pinulikat. At sana hindi na mauulit pa.

''TULONG!'' pero medyo malayo ako. Halos iahon ahon ko ang sarili ko. Pero nung napagod ako, mas lalo ata akong pinulikat.

Ang sakit talaga! Itinaas ko nalang ang aking kamay. Medyo nakalubog na ako sa tubig. At hindi na makahinga. Unti unting lumubog ang mga kamay ko sa tubig. 

At hindi ko na alam...........

Kenneth's POV

Umahon na kami agad dahil pumito na ang aming leader. Habang lumalangoy, hinawakan ko ang kamay ni Rianna. Pero nung pagkaahon namin...

Hindi siya si Rianna.

Agad ko naman binitawan ang kamay nung babae.

Asan ba si Rianna? Shit! Sama nang kutob ko ha. Agad ko naman hinanap si Rianna nang tingin. Pero hindi ko siya makita. Tiningnan ko yung mga nakaahon baka nakaahon na si Rianna. Pero shit! Wala talaga.

Lumapit sakin si Queenie at Ella.

''Kenneth? Asan si Rianna?'' tanong ni Queenie.

''I dont know! Pagkaahon ko wala na siya.'' sabi ko.

''TULONG!!'' narinig kong sabi. Napatingin ako sa dagat at nakita ko na may nalulunod. Baka si Rianna?

Agad naman akong kumaripas nang takbo para sumisid. Medyo malayo nang kaunti.

Sumisid ak agad. Agad agad! Medyo napapanic din kasi ako eh. Hinanap ko siya agad.

Sisid...

Sisid...

Sisid...

RIANNA!?

Agad ko siyang hinila pabalik.

Nang nasa lupa na kami. Ibunka ko kaagad ang bibig niya para imouth to mouth. Pero hindi pa din siya nagigising.

''Kenneth ako na!'' sabi ni Ella. Pinagbigyan ko siya dahil hindi ko din alam ang gagawin. Una niyang itinaas ang ulo ni Rianna. At minouth to mouth. Ipinuwersa nya din ang dibdib ni Rianna. 

Nagising si Rianna at nailabas ang tubig. Pero Maya maya nawalan ulit siya nang malay.

***

''Masyadong maraming oxygen ang nawala sa kanya kaya siya nawalan nang malay! Pero magigising dn siya. Kaso medyo natrauma ata siya sa pangyayari. But soon, magiging okay din siya.'' sabi nang nurse namin.

Marrying My Fake Boyfriend!!! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon