CHAPTER 2
Lumipas ang mga araw, at hindi ko pa agad namalayan na nakaisang buwan na pala ako. Dalawang beses nga lang akong nakauwi sa amin, pero ayos na rin 'yon kaysa naman sa wala, hindi ba? At kahit dalawang beses lang akong nakauwi ay sinulit ko naman dahil for the first time, ako na ang gumastos sa gala namin. Nanood kami sa sine, at hindi lang bast nag-window shopping. Nagbigay din ako sa kanila nang panggastos nila doon. Ayaw pa ngang tanggapin, nagpumilit lang ako. Sabi pa nila, ipunin ko raw iyon para kapag nagka-asawa na ako'y hindi ako mahirapan. Tugon ko naman sa kanila, matagal pa naman bago iyon mangyari kaya dapat lang na sa inyo mapunta ang sweldo ko bilang sukli sa lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo niyo para sa akin.
May nabili rin pala akong makiit na maleta at pinagkasya ko roon ang mga damit ko't iba ko pang kailangan. Hindi naman halos ng damit ko roon sa bahay namin ay dinala ko, syempre kasi hindi naman ako permanenteng maninirahan sa Maynila. Una nga pala nilang bungad sa akin nang makauwi ako'y kung may nnatitpuhan na raw ba ako ngunit ang sabi ko'y wala pa. Wala pa? So meaning, magkakaroon?
Ito, ha... sa loob ng isang buwan kong pagiging assistan manager ni Ma'am ay palagi kong napapansin ang pagpapa-cute nitong si Kenneth sa akin. Pero hindi naman ako asyumerang babae kaya bakit ako mag-e-expect na mayroon 'yong gusto sa 'kin? May mga pagkakataon na nagkakausap kami at nakita ko sa kanya na mabait siya pero... hindi eh, hindi siya. Para bang ang tingin ko lang sa kanya ay kaibigan lang, gano'n.
Change topic tayo. Napag-alaman ko rin na mayroong isang anak na lalaki si Sir Spade. Ang tanong... bakit parang hindi ko pa siya nami-meet o nakitang pumunta rito sa hotel nila? Ugh, nevermind! He's none of my business.
Kami naman ni Eya'y kapag may free time o kung hindi kami busy ay namamasyal. Natuklasan ko rin na isang taon pa lang pala siya roon na nagtatrabaho. Close naman daw niya 'yung iba pang staff pero hindi niga maturing na friend kaya naamin niya sa akin na ako lang daw ang kaibigan niya roon. Tulad ko, madslang na lang din niyang makasama ang high school o college friends niya dahil magkakaiba raw sila ng pinasukang trabaho, at mayroon pa ngang iba na nangibang-bansa na.
Grabe! Ang isang buwan ko rito sa Maynila ay na-adopt ko na culture nila. Ang dami ko na ring mga bagay na natutuhan, at ang dami na ring tao na nakasalamuha. Tinigilan ko na rin pala ang tanong sa isip ko tungkol sa buhay ni Ma'am Laxamana, ayaw kong manghimasok dahil parang hindi na yata tama 'yon.
Nang araw ding iyon ay mayroong tumawag sa akin. Kasalukuyan akong nasa opisina kaya nagpaalam muna kay Ma'am na lalabas saglit. Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi, pero nang maisip kong baka importante naman ang sasabihin ay sinagot ko na rin.
"Hello! Bakit?" Bungad ko. Wala kasi akong ibang masabi eh.
"Seriously, Allis? After a couple of month nang hindi natin pagkikita ay ganyan ang isasalubong mo sa 'kin? How could you do this to me? I am your best friend, for Pete's sake!"
Napatawa ako sa winika niya. Ang OA naman nitong babaeng 'to. Pero wala namang mali sa sinabi ko, ah?
"OA lang ang peg? Natural, ganoon ang sasabihin ko. Alangan namang, "oh, buhay ka pa pala?"" Sagot ko ngunit hindi niya siguro iyon nagustohan dahil ako lang ang natawa.
"I hate you, Allis! Tumawag lang naman ako kasi na-miss kita. Kainis ka, ah? Kung hindi lang kita best friend---"
"Ano? Ano gagawin mo?" Nagbibirong tanong ko at naglakad-lakad na para hindi ako maburyong.
"Allis, naman eh! Hindi mo ako na-miss? Marami akong gustong ikwento sa 'yo. Nasaan ka ba? Magkita naman tayo."
"Ay, sus! Syempre, na-miss din kita, ikaw pa ba? Saka, sa susunod na tayo magkita, may trabaho na 'ko."
"Wala naman akong sinabi na ngayon mismo tayo magkikita, 'no? Saka ako rin naman kaya'y may trabaho rin, dito sa Makati. Ikaw ba, saan?"
Inisip ko pa kung saan kasi nalimutan ko.
"Ahm, dito sa Taguig."
"Okay. Mag-set na lang tayo kung kailan magkikita, 'ne? Tapos, 'yung ikukwento ko sa 'yo, kapag na lang nagkita tayo ko sasabihin... Sige na, Allis, may gagawin pa ako, byeeeee. Ingat ka palagi, and I love you."
Nangiti naman ako sa tinuran nitong kaibigan ko. Siya nga pala, college friend ko siya at mayroon pang isa. Ang weird nga ng friendship namin kasi magkaiba kami ng course, pero sila nung isa pa ay same na nursing magkaiba naman ng unit.
"Ikaw din, Nash, mag-iingat ka palagi. And I love you, too."
Siya na ang nagpatay ng tawag kapagkuwan ay bumalik na rin ako sa loob. Nag-sorry ako kay Ma'am dahil natagalan ako, ang sabi naman niya'y okay lang daw.
Hiniling ko na wala na sana akong ibang gawin para 'yung isa ko namang kaibigan ang matawagan ko, at napagbigyan namab ako.
Kinamusta ko lang din si Anna. Tulad ng sabi ko kanina, isa rin siyang nurse, pero doon siya sa probinsya namin magwo-work. Sandali lang din kaming nag-usap at sinabi ko rin sa kanya na bumiyahe rito sa Maynila para naman magkita-kita kaming tatlo, at nang mapagkwentuhan din ang buhay-buhay namin.
Napatulala ako pagtapos no'n. Na-realize ko kasi na parang kailangan ko ring ipakilala sa kanila si Eya, nasisiguro ko namang magkakasundo sila. Haaayyy... hindi na ako makapaghintay.
BINABASA MO ANG
When I Met You
RomanceStatus: Completed SYNOPSIS Noong nag-aaral ako sa high school at college, ang pagkakaroon ng nobyo ay wala sa isip ko. Oo nga't may iilang nanligaw sa 'kin, ngunit wala naman ni isa sa kanila ang pinatulan ko. Pero naisip ko rin na kung talagang gu...