FINAL CHAPTER

1 1 0
                                    

FINAL CHAPTER

Ayon sa aking tantsa, nakauwi na kami. Mula pa kasi kanina ay naka-blindfold na ako, at si Dim ang may kagagawan.

"We're here, creamer." Anito at napabuntong hininga ako.

"I know. Papatayin mo ba ang sasakyan kung wala pa tayo sa tapat ng bahay namin?"

"Pero malay mo naman, nagbibiro lang ako." Sagot nito at naramdaman kong inialis na niya ang pagkakasuot ng seat belt ko.

"Wait a second, okay?" Aniya at natango na lang ako.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara niya ng pinto kapagkuwan ay iyong akin naman ang binuksan niya. Iniabot ko naman agad sa kanya ang kamay ko at maagap niya iyong hinawakan. Ramdam ko ang pag-alalay niya sa akin sa pagbaba ko at hanggang sa paglakad ay nakahawak siya sa braso ko't bewang.

Tahimik ang paligid na tila ba kaming dalawa lang ang naroon. Todo kapit tuloy ako sa kamay dahil unti-unti na akong nakakaramdam ng kaba, pero hindi pa man nagtatagal ay biglang bumulong sa akin si Dim,

"Don't open your eyes yet." Sabay tanggal sa pagkakabuhol ng panyo na tumatakip sa mga mata ko.

Bumilang ako ng ilang segundo bago magmulat at sumalubong sa akin ang sabay-sabay nilang pagsigaw ng,

"Happy birthday, Allis!"

Napatakip naman ako sa aking bibig dahil hindi lubos inasahan 'yon. Nagulat din ako nang makita ko sila -- Nash, Justin, Eya, at Sef. Isa-isa ko silang niyakap pero hinuli ko si Eya dahil naalala kong may kasalanan pala siya sa akin.

"I hate you." Ani ko nang kumawala sa pagkakayakap niya't tinitigan siya nang matalim.

"Allis, sorry. Sorry na. Nagawa ko lang naman 'yon kasi gusto kong aminin mo sa sarili mo kung ano ba talaga ang nararamdaman mo para kay Sir Dim. Nagbunga naman ng maganda, hindi ba? Sorry kung pinagmukha kong masama sa 'yo si Sir Dim, pero at least, napatunayan mo naman sa sarili mong sumugal ka kasi mahal mo siya." Nagmamakaawang wika niya at halos mapaluhod na.

"Ang drama mo naman, 'te. Isang sorry lang, ayos na sa 'kin..." Sagot ko saka pinatayo siya't muling niyakap.

"Kain na tayo, gutom na ako." Pag-aya ko nang kumalas yakapan namin at nagmano kina nanay at tatay.

Nagkasya naman kaming lahat doon sa lamesa ng hapag-kainan at pinagsaluhan ang mga iniluto ni nanay kanina.

"Nagmukha kang bata sa new look mo, 'nak." Ani nanay nang sandukan ako ng ulam sa platong kinakainan ko.

"Oo nga, Allis. Muntik ka pa naming 'di makilala." Komento naman ni Sef at nangiti na lang ako.

"Mag-best friend pala kayo ni Justin, Dim?" Tanong ni Nash na nasa tabi ni nanay.

"Yes, we are. Since college." Sagot ni Dim at natingin sa akin.

"Hala! Kami rin ni Allis mag-best friend since college. I bet, nasa kaibigan ang true love."

Napatingin ako kina Sef at Eya na parehong seryoso ang itsura at nagpatay-malisya.

"I think you have a point. Pero bukod d'yan, meron pang isa... nasa taga-ibang ibayo ang true love. Just like my mom and dad, Dim and I, and you and Justin. Sina Eya at Sef naman, nasa process pa lang."

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon