CHAPTER 12
Sino ang gustong ipinta ang mukha ko? Bilis niyo! Ngayon lang 'to.
Maaga akong gumising na puno ng positive energy. Wala pa mang nangyayari ay nakangiti na ako't handa nang simulan ang panibagong araw. Nakapagtataka, ano? Simula pa lang, good vibes agad. Hayaan niyo na, minsan sa isang taon lang naman ito. Alam niyo kung bakit? Ngayon ang kaarawan ko, mga kaibigan! Huwag niyo na lamang alamin kung ilang taon na ako, pero kung gusto niyo ng clue, 20+.
Haaayyy... dito na nga tayo sa kwento ko.
Nag-inat-inat muna ako bago umalis sa aking kinahihigaan kapagkuwan ay isinaayos iyon. As always, hinawi ko iyong kurtina sa bintana nang magliwanag naman ang kwarto ko, pagtapos ay lumabas na ako. Hindi naman ako nagulat nang bumungad ang mga magulang ko roon sa tapat ng pinto ko nang buksan ko iyon. Dali-dali ko naman silang niyakap at magkasunod nila akong binati. Syempre'y nagpasalamat ako, pero hindi nagtagal ay nagpaalam na ako dahil ako'y magba-banyo.
Wala akong inimbitahang mga kaibigan na magpunta rito sa bahay dahil ang gusto kong mangyari ay sina tatay at nanay lang ang kasama ko. Hindi ko nga rin gustong umalis o maglibot, pero parang may humahatak sa akin na magliwaliw mamayang hapon.
Pagkatapos kong mag-banyo ay lumabas na ako't nagtuloy sa kusina upang magmumog at makainom ng tubig. Si nanay ay abala sa pagluluto ng agahan namin habang si tatay ay namasyal muna roon sa bukirin, ayon sa aking hinuha. Napag-isip ko tuloy na puntahan siya kasi wala naman akong maisip na gawin. Tinanaw ko siya mula roon sa tabi ng aming kubo, at kahit malayo ay sinundan ko siya kasi na-miss ko ring tumulay sa pilapil. Nakapag-exercise tuloy ako nang wala sa oras dahil lakad-takbo ang ginawa ko. Mabuti nga't hindi ako nadapa dahil sa palayan ang bagsak ko, makati pa man din ang mga damo nito.
Narating ko rin kung nasaan siya. Malayo ang kanyang tanaw na tila ba may hinihintay. Nang tingnan ko'y mukhang inaabangan niya ang bukang-liwayway. I do admire the beauty of sunrise pero wala pa ring makatatalo sa sunset, ayon sa opinyon ko. Tulad tuloy niya ay tumingin din ako sa malayo't naghintay.
"'Tay, ba't parang ngayon lang kita nakitang manood ng sunrise?" Basag ko sa ilang minuto naming katahimikan.
"Wala, naisipan ko lang." Tipid niyang sagot at nabaling ang tingin ko sa kanya.
"May problema po ba?" May pagtatakang tanong ko at tiningnan niya ako pabalik.
"Hindi pa yata kita kayang pakawalan."
"Po? ... 'Tay, nakaya niyo na. Minsan na po akong nagtrabaho sa Maynila at Masbate, 'di ba?"
"Oo, alam ko 'yun. Pero hindi trabaho ang tinutukoy ko."
"Eh, ano po?"
Hindi siya sumagot, bagkus ay lumapit sa akin at niyakap ako. Naguguluhan man ay nagawa ko pa rin siyang yakapin pabalik.
"Mali ako ng husga sa kanya, mabuti na lang at nagawa niya akong patawarin, lalo na sa nagawa kong pagsuntok sa kanya. Hindi ka lang niya basta gusto, anak, mahal ka niya. At inamin niya 'yon sa amin nung nakaraan. Humingi na rin siya ng basbas namin."
Oo, alam ko, si Dim ang tinutukoy ni tatay. Gayumpaman, may katanungan pa rin sa aking isipan. Kahit kailan naman talaga, hindi nawalan ng tanong itong utak ko. Pero sa palagay ko naman, malapit nang masagot ang lahat.
"Ibang klase rin po pala siya, 'no? Sa inyo muna umamin bago sa akin---"
"Nagkakamali ka. Ganoon naman kasi talaga dapat. Bilang pagrespeto na rin saka isa pa, kaming mga magulang ang unang dapat na suyuin. Lalo na kung hindi lang basta manliligaw."
Kumawala na ako sa pagyayakapan namin pagtapos ay nagbuntong hininga ako.
"Alam niyo, 'Tay? Balik na po tayo sa bahay, nagugutom na ako eh." Pag-aya ko at hinatak siya sa paglakad.
BINABASA MO ANG
When I Met You
Lãng mạnStatus: Completed SYNOPSIS Noong nag-aaral ako sa high school at college, ang pagkakaroon ng nobyo ay wala sa isip ko. Oo nga't may iilang nanligaw sa 'kin, ngunit wala naman ni isa sa kanila ang pinatulan ko. Pero naisip ko rin na kung talagang gu...