CHAPTER 11
I'm super proud to say that I'm so happy in my new job here at The Beanery as a cashier. Malayo man sa dati kong trabaho bilang sekretarya, mabuti na rin ito dahil nakakatulong ako kina nanay at tatay sa pang-araw-araw na gastusin kahit pa sinasabi nilang ipunin ko na lang daw ang sweldo ko.
Oo, alam ko, may alaala kaming pinagsaluhan ni Dim dito. Ilang buwan na rin ang nakalipas pero malinaw at buo pa rin sa memorya ko ang bawat kaganapan. Kapag nga walang customer na magbabayad ay nakatanaw lang ako roon sa inupuan namin noon. Tanda ko pa rin, palibhasa nasa sentro at bakit ko naman kalilimutan, hindi ba?
Tipikal lang ang araw na ito para sa akin. Katamtaman ang dami ng tao na may kanya-kanyang ingay. Ang musikang nagbibigay buhay sa paligid ay kay sarap marinig sapagkat malumanay at nakakatanggal pagod sa maghapong trabaho. Sa katunayan, kung ano'ng oras ang bukas nitong restaurant ay gano'ng oras din ang pasok ko. Ang totoo niyan, hindi ako sanay sa ganitong trabaho na palaging nakatayo. Pero kailangan eh, kasi tulad nga ng sabi ko noon, ayaw kong mabulok sa bahay. Nasakto namang may job hiring dito, nagpasa ako ng resume sa kanila through online. Binigyan ako ng schedule for interview, at sa kabutihang palad, natanggap ako. Sayang naman din kasi kung hindi ko pa kukuhanin, 'di ba? May magandang benepisyo naman tulad ng free cake sa iyong birthday, may discount ang family and relatives, at may bonus kapag na-reach ang quota sa isang buwan.
Sa mga oras na ito, dapit-hapon na kaya unti-unti ng nadadagdagan ang mga tao. Isa na riyan iyong lalaki na naka-sunglasses at face mask na naupo roon sa pwestong inupuan namin dati ni Dim. Hindi naman mukhang masamang tao iyong lalaki dahil sa tantya ko'y may kaya sa buhay, pero nakapagtataka lang dahil wala namang araw dito sa loob pero nakuha niya pang mag-salamin. Naalala ko tuloy iyong nakabungguan ko two years ago, nasa loob naman na siya ng hotel pero naka-salamin pa rin. Mga feeling gwapo, amputa!
Naging busy na ako sa pag-take ng order ng ibang customers kaya hindi na sa kanya nabaling ang atensyon ko. Pagkalipas lang ng ilang sandali ay siya na pala ang nasa harap ko.
Nakakapagtaka. Bakit bigla akong kinabahan? Nakapagbuntong hininga tuloy ako nang wala sa oras.
"Hi, Sir! Can I take your order?" Magalang kong tanong at ni-recite naman niya ang order niya.
"Isang order ng pasta carbonara, potato chips, at small size chocolate shake. Dine-in."
His voice sounds familiar. Do I know this man in front of me? O ako'y nag-i-imagine lang?
"544 pesos po ang total, Sir. May gusto pa po ba kayong idagdag?"
"Uhm, yeah. Isang order pa ng shake, pero mamaya ko na lang kukuhanin." Sagot niya at saglit akong napatingin sa kanya.
My goodness! Who are you?
"Sige po. Bale, 722 pesos na po..." Wika ko kapagkuwan ay iniabot na niya iyong bayad niya na saktong-sakto.
"Ano po pala ang name nila?"
"Uhm, K-Keli."
"Keli." Pag-ulit ko at medyo nagtaka.
"Yes. Its k-e-l-i." Sagot naman niya at napatango ako.
"Okay po, Sir. Pakihintay na lang po saglit ang order niyo, kami na po ang bahalang mag-serve. Salamat po."
"You're welcome." Tipid niyang sagot at nagbalik na roon sa kinauupuan.
Ako nama'y sinabi na sa barista ang in-order niyang shake at ganoon din sa kusina para sa pasta at chips.
Busy man ako sa ibang bagay ay nase-sense ko pa ring nakatingin siya sa akin at parang sa akin nga lang nakatulos ang atensyon niya. Imposible namang magkaroon ako ng stalker kasi wala naman akong nakasalamuhang lalaki at pinagbigyan ng address kung saan ako nagtatrabaho. Wala naman ding nakakakilala sa akin dito dahil mula nang maka-graduate ako'y sa Maynila na ako nagtrabaho.
BINABASA MO ANG
When I Met You
RomansaStatus: Completed SYNOPSIS Noong nag-aaral ako sa high school at college, ang pagkakaroon ng nobyo ay wala sa isip ko. Oo nga't may iilang nanligaw sa 'kin, ngunit wala naman ni isa sa kanila ang pinatulan ko. Pero naisip ko rin na kung talagang gu...