CHAPTER 8

0 0 0
                                    

CHAPTER 8

Hindi agad ako nakatulog kagabi kahit napagod ako sa mahaba naming biyahe. Palibhasa, ang daming bumabagabag sa isipan ko. Kay tagal ko ngang tumunganga at may pagkakataong bumangon pa ako upang hagilapin ang antok ko. At matagal din ang lumipas bago ko nahanap iyon.

Gayumpaman, pagpatak ng alas-sais y media nang umaga ay dilat na ang mga mata ko. Agad ngang pumasok sa isip ko si Dim, at nagtanong kung nakatulog kaya siya nang maayos. Nag-inat-inat muna ako bago umalis sa kama kapagkuwan ay inayos iyong pinaghigaan ko. Na-miss ko ang paghawi ko roon sa kurtina ng bintana ng kwarto ko, kalauna'y nanalamin at napansing ang ganda ng mga ngiti ko. Siguro dahil iyon sa na-miss kong mag-almusal kasama ang parents ko sapagkat isang buwan ang lumipas bago naulit, o pwede rin namang may iba pang dahilan. Syempre, sino o ano pa ba, hindi ba?

Lumabas na ako pagkaraan ng ilang sandali, at laking-gulat ko nang madatnan ang boss ko roon sa sala na sa sahig na nakahilata't mukhang nahihimbing pa. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at malayang pinagmasdan ang mukha niyang walang pagsidlan ng kagwapuhan. Nabalik na nga lang ako sa reyalidad nang makarinig ng tikhim galing sa gilid ko.

Sinulyapan ko si Tatay at seryosong mukha niya ang bumungad sa akin. Maya-maya pa'y humakbang na ako palapit sa kanya't nagmano.

"Good morning po." Nakangiting bati ko saka inakbayan niya ako.

"Hindi ko lubos akalain na darating ang isang araw at mag-uuwi ka nga ng nobyo mo rito. Nagbibiro lang naman kami noon, bakit mo sineryoso ngayon?" Aniya kaya dumako ang tingin ko sa kanya.

Napabuntong hininga ako, "Sorry po... Ang totoo nga po n'yan---"

Bakit ba lagi ka na lang panira, ha? Moment ko na 'to eh, para sabihin 'yung totoo tapos e-epal ka. Letse!

Hindi ko natuloy ang sasabihin nang maghikab itong si Dim at napaungol pa sa kanyang pag-iinat. Si Tatay nama'y pinanood lang siya kaya hindi na nakabalik sa pinag-uusapan namin kani-kanila lang. Maging ako tuloy ay pinagmasdan na lang ang pagbangon niya't pagkusot ng kamay sa mga mata na sinabayan pa ng paghikab.

"Kanina pa po kayo diyan?" May pagtatakang tanong niya nang makabangon at sulyapan kami.

"Yeah. Nagising ka ba namin?" Wika ko at siya'y umiling agad.

Tumayo na siya. Sumilay naman sa aking mga labi ang isang ngiting pilit kong itinago kaya ibinaling ko sa iba ang ulo ko.

Ugh! Unang beses ko siyang makita na ganoon ang suot sapagkat ang nakasanayan ko sa kanya'y suit and tie. Ngayon kasi, siya'y naka-T-shirt at shorts kaya talagang mukha siyang nasa bahay at nakapam-bahay.

Bakit ganoon? Kay gwapo pa rin niya. Kahit ano ang suotin, bagay pa rin sa kanya. Ako kaya, bagay rin sa kanya? Psh! Ang imagination kong hanggang imagination na lang.

"Good morning po pala sa inyong dalawa." Wika niya dahilan kung bakit nabaling muli sa kanya ang tingin ko.

"Magandang umaga naman din sa 'yo, hijo. Kumusta ang tulog mo?"

Nangiti siya at sandaling dumako ang tingin sa akin, "Ayos naman po. First time ko pong ma-try matulog sa sahig pero sulit naman po."

"Pero 'di ba ang sabi, d'yan ka sa mahabang silya. Bakit sa sahig?"

Bahagya siyang natawa kasabay nang pagsuklay ng buhok gamit ang mga daliri, "I'm tall, hindi ako kasya. Magkaka-steep neck naman ako kung ako sa arm ko ipapatong 'yung unan kaya naisip kong sa sahig na lang, saka para hindi rin ako malaglag."

Ikaw ang nagbibigay ng inis sa akin pero ikaw rin ang nagpapawala.

Bigla akong nag-aalala sa kanya dahil hindi naman siya sanay sa ganoon, at nagtaka na rin kung bakit hindi siya nagreklamo. Samantalang noong bago-bago pa lang ako bilang sekretarya niya'y lahat na lang ng bagay ay may reklamo siya.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon