CHAPTER 5

1 0 0
                                    

CHAPTER 5

If I could only see myself right now, malamang sa alamang ay para na akong mawawalan ng dugo sa pagkaputla. Idagdag pa ang lamig ng paligid kung kaya't mas lalo nang nanlamig ang mga kamay ko.

Nahihiya ako. Ayaw kong itaas ang ulo ko para harapin ang tao o mga tao sa harap ko. Kung hindi pa ako tawagin ni Sef ay hindi pa ako gagalaw, kapagkuwan ay naglakad na ako papasok at narinig ang pagsarado ng pinto. Shit. Ba't niya ako iniwan dito?

Paunti-unti ko nang iniangat ang ulo ko. Tumambad sa akin ang tatlong tao na pare-parehong nakatayo, isang babae at dalawang lalaki. Si Sir Spade lang itong kilala ko, ngunit may hinuha ako na itong ginang ay ang kanyang asawa at iyong binata naman ang anak nila. At namangha naman ako sa background doon. Glass wall at tanaw na tanaw ang bughaw na karagatan na pinakikintab ng sikat ng araw.

Ngunit kahit na ganoon ang view ay natulos pa rin ang tingin ko sa kanya. Bakit ganyan ka naman makatingin sa akin, kuya? Wait... kuya? Dapat Sir! Kita mo namang naka-formal attire, tapos pagmumukhain mong tambay sa kanto.

Hindi ko alam at hindi ko maintindihan pero nang pakiramdaman ko ang puso ko'y para iyong sasabog sa sobrang bilis. 'Yung totoo? Kinakabahan pa ba ako o kinikilig na rito sa lalaking nakatitig pa rin sa akin hanggang ngayon? Oh, shit! Hindi magandang pangitain 'to! Ayaw ko, bawal, hindi pwede.

Pero teka nga muna... magpapakilala na ba ako o hihintayin kong magtanong sila?

Maya-maya pa'y nagsalita na rin si Sir Spade. Hay, salamat naman! Wala pa akong lakas para magsalita. Ayaw ko pa namang mabulol.

"Welcome to our paradise, Ms. Narra..." Panimula niya at nangiti ako ng bahagya.

Bakit gano'n? Hindi na ako nakatingin sa kanya pero nase-sense kong nakatingin pa rin siya sa akin? Masyado ba akong maganda o asyumera lang ako?

"By the way, this is my lovely wife, Esperanza Maglinas - Spade. And this is our son, Dim."

Dim? So, totoo nga ang sabi ni Eya na Dim ang name niya?

"Why not introduce yourself to them, Ms. Narra?" Dagdag pa nito kaya naghurumentado na naman ang puso ko sa kaba.

Huminga muna ako nang malalim saka lumunok ng sariling laway at nagpakilala na rin.

"I'm Anastasia Kalliste P. Narra but you can call me, Allis. I'm 21, I'm from Bataan, and I finished BS HRM."

"Oh! Fit na fit pala sa iyo ang position as secretary. I hope magtagal ka rito, hindi tulad ng mga nauna sa 'yo. Alam mo na, may pagka-hellish itong anak ko." Ani Ma'am Esperanza saka nakangising binalingan ng tingin ang anak.

Hellish? Hindi naman po halata sa itsura. He looks like an angel pa nga po, eh. Oh my, Allis! Kailan ka pa pumuri ng ganyan?

"Tomorrow ang start ng work mo, Ms. Narra. For now, familiarize the place and enjoy your stay here!" Si Sir Spade kapagkuwan ay nagpaalam na't sa pagdaan niya sa akin ay bahagya akong yumuko bilang paggalang.

Kaming tatlo na lang ang naroon. Ang tahimik naman nitong si Dim. Paano ko ba siya makikilala? Gusto ko pa man din siyang makilala kasi sa kanya na ako magtatrabaho, 'di ba?

"Wala naman na siguro tayong pag-uusapan, ano? Tara na, Allis, ihatid na kita sa magiging kwarto mo." Pagyaya sa akin ni Mrs. Spade at iginaya na ako palabas ng naturang silid.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon