CHAPTER 10
Isang linggo na rin ang lumipas mula nang huli kaming magkita't magkasama. Hindi naman ako umaasang babalik siya sapagkat natitiyak kong malaki ang galit niya sa akin at sa tatay ko. Baka nga nakahanap na rin siya ng bago niyang sekretarya, at baka may something na rin sa kanilang dalawa.
Sa loob nga ng isang linggo ay napakintab ko na itong kwarto ko. Gusto ko kasing may mapaglibangan kaya naglinis ako't pinagtatapon ang mga bagay na hindi ko na mapapakinabangan. Binago ko nga rin ang pwesto ng kama ko't aparador para naman magmukhang bago sa paningin ko. Isang linggo ko na ring hindi pinakekealaman ang cellphone ko kasi ayaw kong mag-browse sa gallery ko, at isa pa'y ayaw kong i-stalk si Dim sa facebook.
Sa tingin ko rin, sapat na ang isang linggo para magkapatawaran kami ni tatay. Ayaw ko ng pairalin ang pride dahil wala namang magandang dulot, saka gusto ko na ring sabihin sa kanya ang feelings ko sa dating boss ko. Ngayon ngang wala na akong trabaho, kailangan ko na ulit maghanap dahil hindi naman pupwedeng maging tambay na lang ako rito sa bahay buong buhay ko.
Tapos na ang pagmu-mukmok ko, naka-move on na ako. Oras na rin siguro para bumuo ng bagong kabanata sa buhay ko na walang Dim na eeksena. Now, we're strangers again, but with memories.
Lumabas na rin ako sa aking kwarto at maabutan si nanay roon sa kusina na nagluluto ng aming pananghalian.
"O, mabuti naman at lumabas ka na. Kaunting minuto na lang, maluluto na rin ito. Nagugutom ka na ba?" Aniya nang sandali ko siyang yakapin at naupo roon sa silya ng hapag-kainan.
"Hindi pa naman po..." Sagot ko saka nagsalin ng tubig sa baso at uminom ng dalawang lagok, "Si tatay po, nasaan?" Tanong ko sabay lingon sa sala.
"Baka nasa bukid. Bakit mo hinahanap, magso-sorry ka na?"
"Gano'n na nga po. Ang bigat po kasi sa dibdib, saka may gusto rin po akong ipagtapat."
Itinigil niya iyong paghahalo sa kaserola pagtapos ay tinabihan ako.
"Ang alin? Tungkol kay Dim?"
"Ano'ng tungkol sa lalaking 'yon? Ngayon ka na nga lang magpapakita sa akin tapos siya pa rin ang sasabihin mo." Rinig kong wika ni tatay kaya ako'y napakagat labi na lang.
"Mahal, naman. Hanggang ngayon ba'y galit ka pa rin sa kanya? Parang awa mo na, itigil mo na. Magso-sorry nga 'tong anak mo sa 'yo."
Marahan akong tumayo, lumapit sa kanya ng kaunti, at sinalubong ang mga mata niyang may bahid pa rin ng galit.
"Sorry na po, 'Tay. Patawad kung naglihim kami sa inyo ni Dim. Patawad kung nasagot ko kayo at nabastos. Patawad kung ngayon lang ako humarap sa inyo... 'Tay, 'wag na po kayong magtanim ng galit sa kanya. Wala naman pong kasiguraduhan kung magkikita pa kami kaya kahit mahirap man para sa inyo ay patawarin niyo na siya. Sa katunayan, wala naman siyang kasalanan eh, ako lang. Ako na lang ang kagalitan niyo, 'wag niyo na siyang idamay kasi kagustohan ko namang dalhin siya rito nang makilala niyo... Oo, aaminin ko, may tampo pa rin ako sa inyo kasi pinag-resign niyo ako nang hindi man lang inaalam 'yung opinyon ko, kung sang-ayon ba ako o hindi. 'Tay, gusto ko ring magalit sa inyo kasi tinanggalan niyo 'ko ng trabaho, kasi pinagbuhatan mo si Dim ng kamay, kasi hindi mo man lang kami hinayaang mag-explain at 'yung galit mo ang pinairal mo. Pero, 'Tay, dahil itinuro niyo sa akin ni nanay na maging mapagmahal sa magulang, hindi ko magawang magalit o magtanim ng galit. 'Tay, para niyo na pong awa, kalimutan na natin ang nangyari noon. Magkapatawaran na po tayo."
BINABASA MO ANG
When I Met You
RomanceStatus: Completed SYNOPSIS Noong nag-aaral ako sa high school at college, ang pagkakaroon ng nobyo ay wala sa isip ko. Oo nga't may iilang nanligaw sa 'kin, ngunit wala naman ni isa sa kanila ang pinatulan ko. Pero naisip ko rin na kung talagang gu...