CHAPTER 6
Guys, I need to tell you something... isang linggo na akong nagtatrabaho sa boss kong si Dim na gwapo pero impakto't gago naman ang ugali. Haaayyyy... nakakagigil siya, pero hindi ko magawang magalit sa kanya. Alam niyo kung bakit? Kasi, anak ng tokwa't baboy... nagugustohan ko na siya! As in!
Simula't sapul pa lang naman, binalaan ko na ang sarili ko na huwag mahulog ang loob sa kanya. Pero wala eh, ang lakas ng karisma niya. Iyong tipo na hindi ako nagrereklamo sa lahat ng utos na ipinapagawa niya. Iyong hindi ko na kayang makipagtitigan sa kanya kasi ayaw kong mabasa niya sa mga mata kong may gusto ako sa kanya, pero nagnanakaw naman ako ng tingin kapag hindi siya nakatingin.
Ngayon, malinaw na sa akin na talagang pinarusahan na ako ni Kupido. Biruin niyo ba naman kasi, magkakagusto na nga lang ako, doon pa sa taong malabong magugustohan din ako. Oo, malabo, kasing-labo ng name niya... Dim.
Shuta! Ngayong nasabi ko nang gusto ko siya, parang nawalan na ako nang ganang magtrabaho pa. Makita ko pa lang kasi siya, nangangatog na ang tuhod ko. Ibubuka pa lang niya ang bibig niya, nanghihina na ako. At siguro, kapag ngumiti siya sa akin ay talagang hihimatayin ako.
Paano na ba ako magkukwento ngayon nito? Okay sige, simulan muna natin sa attitude niya.
To the highest level ang pagka-hellish nitong si Dim. Tagos sa aking puso ang mga mura at sermong binibitiwan niya sa employees na napapagalitan niya dahil sa may maling nagawa o hindi nasunod ang bilin niya. Wala ring preno ang bibig niya kaya kung mahina ang loob mo, maiiyak ka na lang at magre-resign. Napatunayan ko rin tuloy sa wakas na siya nga ang problema at ang ugali niya. Bigla ko tuloy natanong sa sarili ko, dapat ko pa ba siyang gustohin? What if habang-buhay na siyang ganyan?
Next is 'yung personal information niya. Ewan ko ba? Out of nowhere, kapag good mood siya, nababanggit niya sa akin kung sino siya at pati na rin 'yung likes and dislikes niya. Isinusulat ko pa nga iyon sa notes ko para hindi ko malimutan, pang-future reference ba? Hahahahaha, joke lang. Hanggang like ako, hindi ko papalitan ng love.
At sino ba naman ako, 'di ba, para i-reveal ang pagkatao niya? Eh 'di, nagustohan niyo rin siya. Pero syempre, biro lang. Kapag naman pinagpatuloy mong basahin 'to, makikilala niyo rin siya.
Mag-proceed na nga tayo sa sunod kong kwento. At ito na 'yung paano at bakit ko siya nagustohan. Pero paano ko rin naman ba maikukwento? Kung gayong hindi ko alam kung saan at kailan nagsimula ang pagkagusto ko sa lalaking malayo ang distansya sa akin pero napakagwapo pa rin.
Nandito kasi ako sa opisina niya para tumunganga. May mga pagkakataong tinatambakan niya ako ng utos na 'yung iba'y walang-kwenta, tapos may mga pagkakataon din na ganito ang set up. Naroon siya sa table niya habang nakatutok sa laptop, at ako nama'y nandito lang sa sofa't nakaupo habang pinagmamasdan siya.
"Kalliste..."
Nang marinig kong banggitin niya ang second name ko'y biglang napaawang ang bibig ko't na-realize na iyon ang dahilan kung bakit ko siya nagustohan. Siya kasi ang unang tao na tumawag sa akin no'n. Pero ang weird, hindi ba? Ang babaw ko naman yata sa part na 'yon. O pwede rin namang may iba pang dahilan na hindi ko na lang ma-explain.
Simula noong gabing 'yon, palaging ganyan na ang tawag niya sa akin. Pati tuloy ako'y nahawa na sa kanya.
"Yes, Sir Ezekiell?"
"You can do whatever you want, pwera lang ang bastos. Then, stop staring at me like that. Hindi ako makapag-focus dito sa ginagawa ko."
Natawa naman ako't napakamot nang marahan sa aking buhok, "Noted, Sir. Sorry po."
BINABASA MO ANG
When I Met You
Roman d'amourStatus: Completed SYNOPSIS Noong nag-aaral ako sa high school at college, ang pagkakaroon ng nobyo ay wala sa isip ko. Oo nga't may iilang nanligaw sa 'kin, ngunit wala naman ni isa sa kanila ang pinatulan ko. Pero naisip ko rin na kung talagang gu...