CHAPTER 3

1 2 0
                                    

CHAPTER 3

Sobra naman ba akong nagmadali? Shuta! Naka-one year na ako rito sa Spade Hotel bilang assistant manager ni Ma'am Laxamana. Ang bilis ng panahon, grabe! Hindi ako makapaniwala. Parang kahapon ko lang kasi naikwento 'yung nangyari nung ika-month ko, tapos ngayon, isang taon na akong nagsisilbi rito.

Gusto ko tuloy mag-celebrate, pero in what way naman?

Hindi ko na tuloy alam kung saan ba ako magsisimula ng pagkukwento. 'Wag ko na lang kayang ikwento, 'no? Kayo na lang ang bahalang mag-isip, lol.

Anyway, yakap ang ibinungad ng manager kong nanay-nayan ko na rin nang makapasok ako sa opisina. Ni-congratulate pa niya ako, at syempre'y nag-thank you ako. Pero naisip ko rin na hindi ako aabot sa puntong ito kung hindi dahil sa kanya kasi ang pasensyosa niya sa akin kapag nagkakamali ako. Big thanks to her and to Sir Spade na rin kasi nagtiwala sila sa 'kin.

Hindi ko na hinintay pa na utusan ako ng manager ko sa pagtimpla ng kape niya. Nang matapos ako't maibigay iyon sa kanya ay nagpasalamat siya.

"Thanks, Allis..."

Oo nga pala, ibinilin ko sa kanya na Allis na lamang ang itawag sa akin dahil masyadong pormal ang Ms. Narra. At ako nama'y may pagkakataong ang tawag sa kanya'y "Mamay".

And out of nowhere, sa araw-araw naming magkasama ni Ma'am ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin kaya't naikwento niya sa 'kin ang rason kung bakit ang bait ng pakikitungo niya sa akin simula noong unang araw na magtrabaho ako rito.

Nakikita niya raw kasi sa akin ang namayapang anak niya. Ang asawa naman niya'y hiniwalayan kaya sa kadahilanang ito, kaya ngayo'y mag-isa na lang siya sa buhay.

"By the way, wala ka naman sigurong gagawin mamaya, 'di ba?"

Napatingin tuloy ako sa kanya sa kalagitnaan nang pag-aayos ko ng mga papeles.

"Hmmm, bakit po?"

"Let's celebrate. Mag-lunch tayo sa labas. Not all the time naman ay hindi natin kailangan mag-work. So, payag ka?"

Hindi na ako nagdalawang-isip at sumagot na agad ng,

"Opo, sige po."

Nagbalik na ako sa aking ginagawa. Nagbuntong hininga ako nang matapos kapagkuwan ay naupo sa silya at kumalumbaba. Naalala ko kasi iyong pag-uusap namin ni Nash at iyong sinabi niyang may ikukwento raw siya sa akin.

For the first time in history, nang magkita kami sa isang restaurant malapit sa kanyang pinagtatrabahuhan ay may ipinakilala siya sa aking boyfriend niya. Sa pagkakaalam ko kasi, itong best friend ko ay sa landi o harutan lang magaling, fling kumbaga, at hindi iyong serious relationship na mayroong commitment. Gusto ko tuloy siyang sabunutan nang maalog naman ang utak niya. Pero ano pa nga bang magagawa ko, hindi ba? As her best friend, I have support whatever she do, as long as its good and right.

Si Anna ay nag-text sa akin at sinabing hindi raw siya makakarating dahil mayroong pasyenteng kailangang operahan, pero ibinilin sa akin na mag-send daw ako sa kanya ng picture nitong boyfriend ni Nash nang kanya raw mahusgahan. Oh, really? Para ma-judge mo kung gwapo ba o hindi? Hay... alam ko na ang mga galawan mo, Anna. Lumilinaw ang mga mata mo pagdating sa mga gwapo. At kahit kakikita mo pa lang, nailista mo na agad sa crushes mo.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon