CHAPTER 9
Napagpasyahan na naming umuwi dahil gabi na rin at baka kami'y kanina pa hinihintay ng parents ko. Habang kami nga ay nasa biyahe ay pansin ko sa kanyang itsura ang kaba at ganoon din ang madalas na pagbuntong hininga.
"'Wag nga tayong OA, okay? Kung mapagalitan man tayo, okay lang, kasi normal naman 'yon. Relax."
"I'm trying. Basta ipagtanggol mo ako sa tatay mo, ah?" Aniya at medyo natawa ako.
"Oo naman."
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa tapat ng bahay at iginarahe na ni Dim iyong sasakyan. Nag-uwi nga rin kami ng pasalubong para mayroon naman kaming pang-amo kung sakaling sumabog ang galit nila, pero sa tingin ko'y hindi naman iyon mangyayari.
Nauna akong pumasok at nakasunod naman siya sa akin. Naabutan ko sina nanay at tatay doon sa sala habang komportableng nanonood sa telebisyon ng balita.
"Magandang gabi po." Bati ko at sabay silang napatingin sa akin.
Nakabukas naman kasi ang pinto kaya hindi ko na nagawang kumatok. Hindi ko naman sila nagulat dahil bakas naman sa kanilang mukha ang saya. Nagmano ako at ganoon din si Dim na bumati rin.
"Nagsikain na ba kayo?" Tanong ni tatay nang makaupo kami pare-pareho.
"Hindi pa po. Ang totoo nga po n'yan, may sasabihin po kami ni Kalliste sa inyo." Rinig kong sagot ni Dim habang iniaalis ko sa plastik iyong pinamili naming pasalubong na araro cookies.
"Ano naman 'yon? Ikatutuwa ba namin 'yan o hindi?" Tanong ni nanay dahil kaya nagkatitigan kami ng boss ko.
"Punyeta! Buntis ka?"
"Hindi po---" Agad kong sagot pero bumuweltang muli si tatay.
"O kung gano'n, ano?! Ano'ng inililihim niyong dalawa sa amin, ha? Ikaw, Dim, kasasabi ko pa lang sa 'yo kagabi na pakaingatan mo 'tong anak ko. Ano'ng ginawa mo?!" Aniya at napatayo na. Maging kaming tatlo tuloy ay tumayo na rin.
"'Tay, 'wag niyo maman pong pagsalitaan ng gan'yan ang boss ko---"
"Tangina! Ako pa ngayon ang dapat na rumespeto? Gano'n ba 'yon, Allis, ha? Sino ba ang matanda rito? Sino ba ang may-ari nitong bahay na tinutuluyan niya ngayon? Wala akong pakealam sa kanya kung boss mo siya o kung mayaman siya o kung sino pa siya. Maimpluwensiya lang naman ang pamilya niya at sa kanya babagsak ang mana---"
Mabuti na lamang at nakagitna ako sa kanila ni Dim, samantalang si nanay ay todo ang pag-awat sa asawa.
"'Wag niyo hong dinadamay ang pera ng angkan ko rito! Hindi naman ho iyon ang problema, kundi ang pagpapanggap namin ng anak ninyo. Hindi naman talaga kami magkasintahan." Madiing wika ni Dim at mas lalo pa yatang lumalim ang galit ng tatay ko.
"Ah, gano'n? Eh, tarantado ka pala eh!" Nilagpasan niya ako at ang sumunod na nangyari ay hindi ko inasahan.
Hinawakan niya sa kwelyo si Dim kapagkuwan ay dumapo ang kaliwang kamao ni tatay sa panga ng boss ko. Susundan pa yata ng isa ngunit buong tapang ko ng pinigilan.
"'Tay, tama na po." Ani ko at malungkot na sinulyapan si Dim na putok ang labi na may sumisirit na dugo.
"Anong tama na? Baka gusto mong pati ikaw ay tamaan---"
BINABASA MO ANG
When I Met You
RomanceStatus: Completed SYNOPSIS Noong nag-aaral ako sa high school at college, ang pagkakaroon ng nobyo ay wala sa isip ko. Oo nga't may iilang nanligaw sa 'kin, ngunit wala naman ni isa sa kanila ang pinatulan ko. Pero naisip ko rin na kung talagang gu...