CHAPTER 4
Kapag naman talaga busy ka't puro trabaho na lang ang inatupag ay hindi mo na namamalayan ang paglipas ng panahon. Hindi ka na lang kasi pa-chill-chill tulad noong nag-aaral ka.
Ngayon, ang bawat araw sa akin ay mahalaga dahil ang kapalit naman nito ay pera. Nagawa na tuloy naming mag-out of town ng pamilya ko. Tapos, isang beses pa lang kaming nakapag-out of the country which is sa Australia. Doon kami nag-celebrate ng New Year at abot-tanaw at kamay namin ang makapigil-hiningang fireworks display sa Sydney. Kami rin ng friends ko ay nakapag-out of town and country na. Iyon nga lang, I smell something fishy between Anna and Eya. Pero hindi ko naman inalam dahil baka madamay pa ako, although dapat may gawin ako kasi kaibigan ko sila. Tungkol naman kina Nash at boyfriend na si Dawin, hiwalay na sila. Pero hindi ko sasabihin sa inyo ang dahilan kasi mai-spoil kayo.
At kung tungkol naman sa love life ko ang pag-uusapan, wala tayong dapat pag-usapan dahil wala naman ako nun. Hindi yata nakasulat sa kapalaran ko ang pagkakaroon ng boyfriend kaya hanggang ngayon ay wala pa ring dumarating, though hindi naman ako umaasa dahil I'm happy sa estado ng puso ko ngayon. Pero na-realize ko lang din na masyado ba akong naging choosy sa lalaking nanligaw sa akin noong high school at college ako? Eh, masisisi niyo rin ba ako kung ang bilis nilang sumuko sa akin? Naguguluhan na tuloy ako sa kung nasaan ba ang mali, sa akin ba o sa kanila?
Pinarurusahan na ba ako? Ako ba itong naisumpa na 'wag nang magkaroon ng love life? Do I deserve this? Sagutin niyo ako!
Pero charing lang, kayo naman. Lol. May mga pagkakataong nape-pressure ako sa parents ko about sa lalaki, pero bata pa naman ako at nasa edad pa lang ako kung saan dapat masaya lang ako, at hindi iyong nagpapakatanga sa lalaking hindi naman worth it mahalin.
Kaya kayo, 'wag niyong minamadali iyang pagkakaroon ng nobyo o nobya. Tumulad kayo sa akin na magtapos muna ng pag-aaral at humanap ng magandang trabaho. Pero maaari niyo naman akong suwayin dahil mga buhay niyo maman 'yan, at hindi ko hawak 'yan na para bang ako ang magkokontrol. Just know your limitations, okay?
Teka nga muna, nasaan na ba ako? Nagpaikot-ikot na lang yata itong kwento ko, HAHAHAHAHA.
Okay, here we go...
Today's Sunday. Walang nasusunod na araw ang day-off ko kung kaya't ngayong araw ay mayroon akong trabaho.
Noong nagdaang mga araw ang ika-dalawang taon ko rito sa hotel. Parang kailan lang, ano? Napakabilis naman nga talaga ng panahon. Mabuti na lamang at nasusulit ko ang mga araw na lumilipas kahit pa minsanan na lang akong umuwi sa amin. Laking pasasalamat ko nga na hindi nagtatampo sa akin ang parents ko, pero lagi namang ipinapaalala sa akin na naiinip na raw sila sa nobyong iuuwi ko roon sa probinsya. Haaayyyy, ang Nanay at Tatay ko talaga!
Kaunting oras na lamang at matatapos na rin ang duty ko. Nakaupo na nga lang ako sa sofa't pinakikialaman ang cellphone ko. Infairness, hindi gaanong mabigat ang trabaho ko kumpara kahapon.
Pagkaraan ng ilamg minuto ay nag-inat-inat ako at sinabayan pa ng paghikab. Napalakas iyon. Agad naman akong humingi ng paumanhin kay Ma'am kapagkuwan ay tinawag ako't pinalapit sa desk niya. Bigla naman akong kinabahan. Magtatanong na sana ako pero sinenyasan niya akong maupo. Hinintay ko na lang tuloy ang kanyang sasabihin na mukhang importante.
"Allis, sobra mo akong napasaya sa two years mo as my assistant manager..."
Shit! What is the meaning of this? Maliligwak na ba ako rito sa pwesto ko? O tuluyan na akong mawawalan ng trabaho? Nyeta. Paano na ang dream kong makapag-travel sa U.S.? Oh, Ma'am, please don't do this to me.
Ang drama mo, 'te! Patapusin mo muna kasi ang sasabihin. Nagmamainam ka agad eh. Hindi ka maliligwak, okay? Don't trust your gut!
"Sapat na siguro ang two years, ano? Ito na ang time para i-appoint kita sa mas mataas na posisyon." Dagdag pa niya kaya mas lalo akong nagtaka. Hanudaw?
BINABASA MO ANG
When I Met You
RomanceStatus: Completed SYNOPSIS Noong nag-aaral ako sa high school at college, ang pagkakaroon ng nobyo ay wala sa isip ko. Oo nga't may iilang nanligaw sa 'kin, ngunit wala naman ni isa sa kanila ang pinatulan ko. Pero naisip ko rin na kung talagang gu...