(Kinabukasan)**Bea's POV**
Di ko pa din makalimutan yung Sportfest. Di ko alam if magiging masaya ako or hindi.
Anyway, Sunday na ngayon. So meaning kakanta kami ng 10:30am mass. Papunta na ako ngayon sa church namin.
After a few minutes, nakarating na din ako.
Si Shie agad ang sumalubong sakin."Bea! Kamusta? Anong nangyare kahapon?" Tanong sakin ni Shie.
"Uhmmm.. Okay naman. Masaya kasi..." Napahinto ako sa pagsasalita at napangiti na lang.
"Ano na? Masaya kasi ano?" Tanong naman ni Shie.
"Masaya kasi..." Napahinto ako sa pagsasalita dahil biglang sumingit si Denden.
"Masaya kasi sweet sa kanya si Ian. Haha." Pang aasar sakin ni Denden.
Napasimangot na lang si Shie sa narinig nya.
"Uy! Wag ka maniwala jan. Di naman sya sweet sakin nun e." Sagot ko naman.
Pero naglakad na lang si Shie papasok ng simbahan.
Ano ba naman yan! Baka maging dahilan pa toh ng away namin."Kaw kasi e." Sabi ko kay Denden na may kasamang hampas.
"Bakit? Sinabi ko lang naman ang totoo ahh." Pagtatanggol naman nya sa sarili nya.
Nanahimik na lang ako at pumasok na sa simbahan.
Maya maya pa ay nagsimula na yung mass.
After 1 hour natapos na din ang mass. After ng mass ay nagkaron ng maikling meeting."Okay. Maupo muna ang lahat." Sabi ni Ninang Bebeth.
(Ninang Bebeth, ang leader at ang nagtuturo samin. Naging Ninang ko sya mula nung binyagan ako sa Catholic. Christian Born again kasi ako dati.)
"Pumunta kayo mamaya dito sa simbahan ng mga 7pm. Hindi kasi sure if may kakanta ng 7:30pm e. So, in case na wala. Tayo ang kakanta, okay?" Sabi ni Ninang Bebeth.
"Okay po." Sagot naman namin.
After ng announcement ay nagsiuwian na lahat.
(Pagdating ng 6:30pm ng gabi.)
"Bea, tara na." -Denden
"Oh, bakit dinaanan mo ko ngayon? Nasan si Shie?" Tanong ko sa kanya. Medyo malayo kasi bahay nila samin at minsan lang kami magkasabay.
"Wala. Di daw sya makakapunta e." Sagot naman nya.
"Ahh. Okay. Sige, tara na." Sabi ko naman.
At naglakad na nga kami papuntang simbahan.
Pagdating namin sa simbahan ay pumunta muna kami sa kubo.(Sa Kubo, sa tabi lang yun ng simbahan. Kung pupuntahan mo kasi ang St. Vincent De Paul, malawak sya.)
Maya maya pa ay dumating yung isa pa naming kasamahan.
"Umuwi na daw. May kakanta na daw e." Sabi nya.
"Ano ba yan? Sayang effort natin." Sabi ni Denden.
"Simba tayo?" Pagyaya ni Amy. Nabanggit ko na sya sa Chapter 2.
"Sige. Tara." Tuwang tuwa ko namang sabi sa kanila.
"Asus! Magse-serve kasi ngayon si Yang e." Pang asar naman ni Denden.
Ngumiti na lang ako at maya maya pa ay pumunta na kami sa pinto ng simbahan. Sumilip muna kami.
Biglang dumating si Yang. Mag-isa lang sya. Wala si Ian. Nakaupo na sya sa likod. Nasa likod kasi yung pinto ng simbahan. Dun kasi mag i-start yung prosisyon ng pari at mga sakristan sa entrance hymn.
BINABASA MO ANG
Me and Mr. Antipatiko
Short StoryIt's all about the girl who has a crush on a boy thats always ignore her. Her name is Bea. May pag-asa kaya sya sa isang mr. antipatiko? Her crush name is Yang. Hindi nya alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ni Yang sa kanya. Ano ba talaga ang...