#IanSaveBea

52 1 2
                                    


****Bea's POV****

Monday ngayon. Pero papunta ako sa Church namin dahil may practice kami. Vacation kasi kaya kahit weekdays may practice.

Papalapit na ako sa bahay nila Yang.
Nang malapit na ako nakita ko silang magkapatid na nasa labas ng bahay nila at nilalaro ang aso nila.
Napatingin sila sakin nung padaan na ako.
Si Yang ang may hawak ng tali ng aso nila nang biglang bitawan nya toh!

"Ay!" Napasigaw ako dahil biglang tumakbo yung aso papunta sakin.
Akala ko ay kakagatin na ko pero biglang napahinto yung aso sa pagtakbo at pagtingin ko ay hawak na ni Ian yung tali.

Pero si Yang, nakatingin lang at parang walang pakialam sakin.

"Okay ka lang." Sabi ni Ian.

Napatango at ngumiti na lang ako kay Ian sa sobrang hiya. Tinuloy ko na lang yung lakad ko.

****Yang's POV****

"Thank you Kuya." Nakangiting sabi sakin ni Ian pag alis ni Bea.

"Wala yun." Sagot ko naman.

"Alam kong sinadya mo yun para makaplus point ako kay Bea." Nakangiting sabi nya.
Sa totoo lang, pinlano ko na talaga yun.

*flashback*

Nilalaro namin yung aso namin sa labas ng bahay namin nang biglang nakita ko si Bea na padaan. Saktong ako ang may hawak ng tali ng aso namin, kaya binitawan ko toh para habulin sya ng aso namin at alam kong ililigtas naman sya ni Ian.

"Ay!" Napasigaw na sabi ni Bea.
At niligtas nga sya ni Ian.

Habang kinakausap ni Ian si Bea, biglang napatingin sakin si Bea. Kaya nagpretend na lang ako na walang pakialam. Honestly, masakit. Dahil nag alala din ako nung bitawan ko yung tali ng aso namin. Baka mapano si Bea at makagat nga sya. Pero buti na lang at walang nangyaring masama sa kanya.

*End of Flashback*

"Don't worry Kuya, tutulungan din kita kay Shie." Nakangiting sabi naman sakin ni Ian.

*****Bea's POV*****

"Buti nandun si Ian para iligtas ka." Sabi sakin ni Denden pagkatapos kung ikwento sa kanya yung nangyari sakin kanina.

Napansin kong tahimik lang si Shie at di ako gaanong pinapansin.
Kaya naman nilapitan ko na sya.

"Shie, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya sabay hawak sa balikat nya.

"Bea, pwede bang mangako ka sakin?" Sabi nya habang nakatingin sakin sya sa mata ko.

"Huh? Anong pangako naman yun?" Tanong ko naman sa kanya.

Bigla nyang hinawakan kamay ko.

"Magpromise tayo sa isa't isa, sayo si Yang at akin si Ian, okay?" Sabi nya.

Actually, yun naman talaga ang gusto ko.

"Oo naman. Promise! Lam mo namang si Yang talaga ang gusto ko e." Nakangiting sabi ko sa kanya.

At niyakap nya ako.

"Okay, bukas kakanta tayo sa isang special mass ahh. 9am dapat nandito na kasi magpa-practice muna tayo." Sabi ni Ninang Bebeth.

After nyang sabihin yun ay umuwi na ang lahat.

Me and Mr. AntipatikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon